Kanabata 31

18.1K 252 17
                                    

Kabanata 31

Free

"If leaving makes you free from that pain. I'll be the one to leave then. Uno, needs you. devon. Im sorry for hurting you so bad. Im sorry, Im sorry devon."

Umiiyak na naman ako, araw araw. Paggising ko sa umaga iyong mga salitang iyon ang dumadalaw sa utak ko. Mga salitang punong puno ng kalungkutan at pagtanggap. Kahit alam kong labag sa loob niya ang pagsabi niyon, iyon ang naisip niyang paraan para maging maayos ako. Sa huli, ako parin ang inisip niya. yano...

Nakokonsensya ako, tinanggalan ko ulit siya ng karapatang maging masaya, tinanggalan ko siya ng karapatang maging asawa at ama. Napapaisip tuloy ako, tama kaya ang ginawa kong pagtaboy sa kanya?

Nasaan na kaya siya? Ano na kayang ginagawa niya? Kamusta na siya? Nakakakain pa ba siya? Masaya kaya siya?

"Mama, where is dada, I already miss him."

Iyon ang laging tanong sa akin ni uno. Gabi gabi siyang umiiyak, noong una, hindi ko alam ang gagawin ko. Si yano lamang ang kayang makapagpatahan sa kanya noon. Aligaga, naiiyak at hindi ko malaman ang gagawin upang mapatahan ang anak ko sa pagkakataong iyon. Ngunit alam yata ni yano na mangyayari ito kaya nag iwan siya noon ng notes sa pintuan ni uno, notes na nagsasaad ng mga dapat gawin kapag nagyari ang ganap na iyon. Uno keeps on dreaming ghost and monsters, at ayaw niya ang mga iyon. Ang dapat lang daw gawin ayon kay yano ay kwentuhan siya ng magagandang kwento hanggang sa makatulog siyang muli. Iyon ang ginawa ko, at nagpapasalamat ako dahil effective naman iyon.

Marami pang iniwan na notes si yano, mga notes na nagsasabi kung ano ang dapat gawin at hindi sa loob ng tahanang iyon. Imbes na makaramdam ako ng pangliliit dahil kung tutuusin ay ako iyong babae, ako dapat ang nakakaalam ng lahat ng iyon. Ngunit hindi ko kayang mangliit sa sarili ko dahil roon, ngunit pawang pagkamangha lamang kay yano ang namumutawi sa akin. Pagkamangha at pangungulila. Dapat ngayon ay nandito siya, siya iyong mga gumagawa ng lahat ng ito at walang mga notes na nakalathala. Kaso wala siya, tinaboy ko siya.

Napatakip ako ng mukha dahil miss na miss ko na siya. Iyak ng iyak sa akin si uno dahil gusto niya hanapin ko daw ang dada niya. Na gustong gusto na niya itong makita.

Bumuntong hininga ako ng matinigan ang ringtone ng cellphone ko. Agad ko itong sinagot.

"Ma.." sagot ko sa tawag.

"Anak, kamusta? Okay na ba si uno, hindi na ba siya umiiyak?" may pag aalala nitong tanong. Araw araw ko kasi siyang tinatawagan dahil natatakot akong hindi na tumigil si uno sa pag iyak dahil sa paghahanap niya kay yano. Lagi na rin dumadalaw sina mama sa amin. Sabi pa niya ay lumipat na raw muna kami sa bahay pero ayoko. Paano kung biglang bumalik si yano at hindi kami madatnan dito?

Napapailing ako dahil nakakatanga talaga ako. Ako iyong pilit na nagpalayo sa kanya ngunit ngayon hinahanap hanap ko naman siya.

"I'll contact detectives para hanapin si yano." saad pa ni mama na agad kong tinutulan. Wala silang alam sa sitwasyon namin. Galit sila sa asawa ko at iyon pa ang isa sa kinakakakonsensya ko. Ginawa kong masama si yano dahil sa pantataboy ko sa kanya, lahat sila naniniwalang iniwan niya ako. Gusto kong ipagsigawan na ako ang nagpalayo sa kanya, na walang kasalanan si yano. Pero natatakot ako, natatakot akong tanungin nila na kung bakit ko ginawa iyon. Natatakot akong malaman nila, na malala na ang sakit ko.

Kahit nanghihina na ako, pinililit kong maging malakas kapag kaharap ang anak, pamilya at mga kaibigan ko.

"Ma! huwag na. Hindi na namin siya kailangan ni uno." asik ko kay mama. Pasensya na yano, pasensya kung hindi kita kayang ipagtanggol. Ni-hindi ko nga rin kaya ang ilaban ka, maipagtanggol pa kaya? Mahina ako at wala ng lakas.

"Anak naman. Nakita mo na ba iyang sarili mo sa salamin? Nangangayayat ka na" saad ni mama. Narinig ko ang pag aalala sa boses niya. Agad ko namang tinitigan ang sarili sa kaharap kong salamin. Totoo, nangangayayat nga ako. Ngunit alam kong dahil ito sa sakit ko. Sabi ng doctor ko, lumulubha na nga raw ito. Pahinga at maayos na life style na lang daw ag kailangan upang tumagal pa ako at makuha ang natitirang lakas ko. Ngunit paano ako makakapag relax kung araw araw hindi ko kayang hindi umiyak dahil miss na miss ko na ang asawa ko? Na naaawa narin ako sa anak ko na kasama kong umiyak dahil hinahanap niya rin si yano?

"Anak, alam mo namang nadiagnose ka na sa heart failure. Anak, ingatan mo iyang sarili mo" totoo ma, totoong iniingatan ko ang sarili ko pero hindi na din talaga kaya ng katawan ko. Wala akong laban sa sakit ko ma, bukod sa nasa loob ko siya parang sarili ko na rin ang nilalabanan ko kaya mas lalo akong naghihina. Ma, Im sorry kasi hindi ko kayang i-open ito sa iyon. Mahal na mahal ko kayo at ayokong mag alala pa kayo lalo sa akin.

"Devon, did you take your med na?" sigaw ng doctor ko. Agad kong pinatay ang tawag ni mama.

Yes, my doctor is here. Lagi niya akong chinecheck, araw araw. Tumutulong rin siya sa pag aalalaga sa anak ko.

"Oo.." sagot ko ng makita siyang pumasok sa pintuan ng kwarto. Tumango siya at lumapit sa akin, chineck niya ang blood pressure ko at temperature ko. Iyon ang ginagawa niya lagi kapag narito siya. Lagi niyang chinecheck kung ano na ang estado ng heartbeat ko. Sinisigurado niya na okay ako, na okay pa ako.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Devon, yano came to my clinic last night." saad niya na ikinagulat ko.

"B--bakit siya pumunta roon? Anong tinanong niya? Wala ka namang sinabi diba?" Sunod sunod kong tanong na inilingan lamang niya. Nakita ko ang pag aalala sa mukha niya.

"Alam niya...." panimula niya.

"Devon, alam niya na hiniwalayan mo siya dahil sa sakit mo. Ikinwento niya ang lahat sa akin. Hanggang sa umiiyak niyang hiniling sa akin na huwag daw akong papayag na matalo ka sa sakit mo. Devon, he wants me to do your operation, he wants to be your heart donor."

UNWANTED(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora