Kabanata 36

18.9K 269 6
                                    

Kabanata 36

Bet

Matapos umalis ni kara ay niyakap ako ng napakahigpit ni yano. Alam kong nakokonsensya rin siya sa nagawa niya kay kara.
"She'll soon understand. Minahal mo siya ng sobra, sinakripisyo mo ang higit sa oras mo noon sa kanya, inalagaan at pinahalagahan." I said. Hindi siya umimik at nanatili sa pagyakap sa akin. Inalo ko siya gamit ang pahaplos sa kanyang malamyos na buhok.

"Im sorry..." sa itinig kong muli.

"Pasensya na... Ako ang dahilan kung bakit napakakomplikado na." Naiiyak ko na namang sambit.

"Sana hanggang ngayon kayo pa." namamaos kong bulong sa kanya. Naramdaman ko ang pamumuo ng basa sa balikat ko at pagyugyog ng katawan niya habang yakap yakap ako. Hindi ko siya masisisi kung nagsisisi siyang nagpahulog sa bitag ko. He's so into kara. Ang dami na rin nilang pinagsamahang dalawa. Masakit para sa kanya ang saktan ang minsa'y naging mundo niya, minsa'y minahal niya ng sobra. Hinagod ko ang balikat niya at hinarap siya. Sinakop ko ang mukha niya na ngayon ay puno na ng luha. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa tip ng ilong niya.

"Gusto mo ba siyang balikan? Im willing to set you free, yano... Kahit ito lang ang maibabayad ko sa mga kasalanan ko sa inyo.." naiiyak kong saad. Ayoko, ayoko, ayokong pakawalan ka, yano. Pero kung iyon ang gusto mo, ibibigay ko.

Agaran ang kanyang pag iling at pag nguso. Tumigil siya sa pag iyak tsaka ako tinapunan ng mapangahas na titig. Ang kanina'y parang batang paslit na tila pinagpapalo ng kanyang ama ay naging isang parang tigre na anytime maaari na akong sakmalin.

"Ipinamimigay mo na naman ba ako, devon?" asik niyang tanong. Kunot noo kong pinitik ang nakakunot ring noo niya.

"Nagtatanong ako, eh kung oo ang isasagot mo edi oo, ipamimigay nga kita. Pero kung gusto mong manatili sa akin, iyon ay mas ikasasaya ko pa. You know, yano. I have done a lot of stupid things to the both of you, Gusto ko namang bumawi. Nakokonsensya kasi ako dahil ang daming sana na nasayang ng dahil sa akin." walang pag alinlangan kong sabi. Lalo ko lamang siyang ginalit dahil ang tigreng nakadepina sa kanya kanina ay naging demonyo na. Sumimangot ako at lumayo sa kanya, nag ugat ang sikip mula sa dibdib ko at namumuo ang mga luha sa aking mga mata. Pagkuwan ay humikbi na ako.

"Nakita ko..." panimula ko habag hawak hawak ang dibdib ko.
"Nakita ko kung paano mo isinakripisyo ang lahat sayo para lang kay kara. Nakita ko kung paano umusbong ang pagmamahal sayo kapag nasa tabi mo siya. Naabangan ko kung gaano ka kasaya nuong sinagot ka niya. Yung bawat taon na kayo pa, yung mga ngiti mo habang may hawak na mga lobong hugis puso, mga anniversaries niyo na hindi mo kayang palagpasin na walang pasurpresa. Yano, mahal na mahal mo siya eh..."

Hindi siya nagsalita, nanatili lang siya nakatitig sa akin ngunit ang galit sa mukha niya ay nanlambot na, tanging pagnanais na lamang ang nakikita ko mula roon. Pumikit siya ng mariin bago ako lapitan at patakan ng matagal ngunit may ritmong halik, ramdam ko ang pananabik, pag ibig...

"Minahal ko siya.... Mahal kita, magkaiba iyon.." paos niyang sambit.

"Kung papapiliin mo ako, bukas at sa susunod pa, iisa lang ang isasagot ko. Ikaw ang mahal ko."
namumula ang ilong niya at maging halos ang mukha niya. Bakit kasi ang puti puti niya, bilis tuloy mamula ng lahat sa kanya.

Mamula ng lahat sa kanya? jeez, huwag mahalay!

"Nagsisisi ka bang hinabol habol mo ako noon?" puno ng emosyon niyang tanong, seryoso. Agaran ang pag iling ko at pag kibot kibot ng labi ko.

"That was the best thing I had ever done, my entire life. Yano." sagot ko.

"Then why are you up for setting me free?"

Ngumiti ako, hindi ko iyon gusto yano. Iyon lang sana dapat ang nararapat. Ipilit man natin, wala na akong ikagagaling. Araw araw, naghihina ako. Gusto ko lang maging masaya ka, kahit maiiwan na kita.

"Wala.. basta mahal na mahal kita." iyon na lamang ang naisagot ko.

"Devon.."

Niyakap ko siyang muli at hinalikan sa labi. Lahat ng sa kanya mamimiss ko, sana ay kaya ko pang magtagal upang magawa ko parin ang lahat ng ito sa kanya.

"Kailangan ni uno ng ina.." sambit niya. Tumango ako at nginitian siya, kaya nga dapat habang maaga, makahanap ka na ng ipapalit ko.

"Kailangan ko ng asawa..." muli ay naisatinig niya. Buong lakas niyang ginagap ang kamay ko. Malakas ngunit maingat.

"I know what you're thinking. You want me to be on kara. Habang maaga pa, gusto mo akong mapunta kay kara dahil alam mong wala ka ng pag asa pang mabuhay ng matagal. No.." asik niya. Paulit-ulit siyang umiling, puno ng pagsusumamo ang kanyang mga mata.

"Devon, No.... everythings gonna be alright, okay? Walang kara ang magsisilbing ina at asawa sa amin ni uno. Walang iba, it's just you, dev. Ikaw lang, Gagaling ka." sa huling sinabi niya ay tumulo ang mga luha niya. Umiiyak na naman ang asawa ko, at ako na naman ang dahilan ng pag iyak nito.

"Just for once, lumaban ka. Lumaban ka naman ulit para sa amin ng anak mo, devon." asik niya.

"Matapang ka, malakas ka, hindi ka sumusuko sa laban diba? Nasaan na iyon devon na puno ng determinasyon at pag asa sa buhay?"

Simula ng magkasakit ako, ngayon ko lang nakita ang nanghihina at nagsusumamong mga mata ni yano. Nakikiusap ang mga iyon na huwag ko silang iwan.

"You'll get over with that viruse inside you, with that desease. Like when you made me get over with kara and made me love you. Devon, I never been this hurt in my entire existence. Ngayon lang, ngayon lang dahil nakikita ko kung gaano ka nasasaktan, kung gaano ka nanghihina. Gusto kong ako nalang, sana ako nalang ang makaramdaman ng sakit na yan. Pero dev, I just wish you to be a warrior this time. I hope you to be my soldier. We need you to be a fighter. Please."

UNWANTED(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon