Kabanata 18

26.1K 367 20
                                    

Kabanata 18

Cryin'

"Are you sure?" danna asked. Napawi ang ngiti ko ng itanong nito sa akin iyon. Narito siya ngayon sa bahay at ilang minuto pa ang nakalipas bago siya makapagreact sa isiniwalat ko.
Bakas ang panghihinayang sa mukha nito. Isa siya sa nagpush sa akin kay yano. Siya iyong una't huling taga suporta ko pagdating sa paghahabol kay yano. Marahil ay nanghihinayang siya na hindi kami magkakatuluyan nito, kumbaga sa showbiz ay siya sana ang number one fan ng tandem namin ni yano. Lumabi ako at tinapik siya sa balikat. Bagsak ang mga balikat nito at napapailing nalang.

Yano is out and nowhere to found. Simula pa kahapon nang sinabi ko ang mga saloobin ko ay hindi ko na siya nasilayan pa hanggang sa ngayon.

"I think you're not that sure" she said. Napangiti ako at tumango. Tama siya, may kung sa akin ang nagsisi sa lahat ng sinabi ko, gusto ko nalang sana na hintayin ang katapusan ng lahat ng 'to, pero kasi hindi na ko makahinga, ang hirap hirap na. Nakakapagod na.

"Gusto kong magsisi, pero dans pagod na pagod na ako eh" saad ko sa mahinang tinig. Ramdam ko ang bigat at pagkadismaya ng titig niya.

"Tama sila lou. You're not the devon we know." asik niya.

"Nasaan na iyong matapang at hindi sumusukong devon?" lahad pa niya. Tumayo siya mula sa pagkakahiga at lumapit sa akin, hinawakan niya ang kamay ko.

"Im starting to hate him for you, dev. Pero pamilya na kayo. You two were married already, kung maghihiwalay kayo at hindi maayos ito. Devon, paano ang bata?" malumanay ngunit bakas ang mabigat na pahiwatig ang naroon sa sinabi niyang iyon.

Napayuko ako at nagbadya ang luha. Damn, nagiging iyakin na talaga ako nitong nakaraan. Nakakainis lang.

Umiling ako bago sumagot.

"Hindi ko alam, dans. Hindi ko na alam." naguguluhan kong sambit. Kasabay ng pagyakap sa akin ng aking kaibigan ay ang malaya ring pagpatak ng aking mga luha.

"Ayusin mo pa kung kaya pa, pero kung mabigat na, sige lang. Kumawala ka na." muli ay suhestyon niya.

NAKATULUGAN ko ang pag iyak. Pag iyak sa lahat, lahat lahat. Agad akong dumeretso sa harap ng salamin upang titigan ang sarili, napangiwi ako ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin. Mugto ang mata, nagkalat ang mga magang luha at nakakapagpabagabag ang aking itsura.

"Devon!" rinig kong sigaw ng lalaking kanina ko pa hinihintay. Parang ilang araw na kung hindi siya nakita. Miss na miss ko na siya. Paano nalang kung umalis na siya ng tuluyan sa tabi ko, paano kung hindi na siya bumalik. Parang hindi ko kakayanin.

Halos magkanda dapa ako habang pababa ng hagdan upang pagbuksan ang nasigaw.

Agad bumungad sa akin ang lasing na yano, pagkabukas ko sa pintuan. Agad itong napayakap sa akin.

Pagod ako nitong tinitigan. Wari'y pinag aaralang ang bawat hubog ng aking mukha, ang lapit lapit pa naman nito sa akin dahil nga nakakapit ito mula sa aking beywang. Nginitian ko siya ngunit nagulat ako ng haplusin niya ang aking pisngi sa marahang paraan.

"Asawa ko." bulong niya habang titig na titig sa mukha ko. Gusto ko maiyak sa paraan ng paghaplos at pagkakasambit niya doon. Pinilit kong ayusin ang pwesto namin upang maiangat siya at maipasok na sa loob ng bahay. Kahit bigat na bigat ako sa kanya ay pinilit ko paring marating ang sofa upang ilapag siya doon.

Nang mailapag ko na siya sa malaking sofa na una kong nadaanan ay akma akong tatayo na ngunit agap niyang hinawakan ang kamay ko kaya napaupo ako sa tabi niya habang siya ay nakahiga. Napatalon ako ng ipulupot niya ang kamay niya sa beywang ko. Napabusangot ako ng maisip na baka si kara na naman ang nakikita niya. Baka naman akala niya ay ako na naman si kara. Narinig ko ang tunog ng halik niya sa malaking tyan ko. Napawi ang pagkadismaya ko at palitan iyon ng galak habang pinapanood siyang pinapakpak ng halik ang umbok ng tyan ko. Hinaplos ko ang buhok niya at hindi mapigilang mapangiti.

"Teka lang muna, yano." paalam ko. Akma na naman ang pagtayo ko ng agad ring napaupo dahil sa pagpigil niya. Sinalubong ko ang mapupungay niyang mga mata. Nginitian ko siya pero nanatili ang mapupungay niyang mga tingin sa akin.

"Dont go.. stay still.." he said in husky voice. Napawi ang ngiti ko dahil sa pagkagulat. Muli niya akong hinapit sa kanya kahit hirap na hirap siyang yakapin ako dahil sa laki na ng tyan ko.

"Please.." muli ay dagdag niya sa huli.

Gusto kong isiping ang lathalang iyon ay para sa pagpapaalam ko sa kanya noong nakaraan. Ngunit alam kong ngayong gabi lamang ito. Siguro ay nakikita na naman niya si kara sa pagkatao ko.

Pinilit kong tumayo at sa kagandahang palad ay nabitawan rin niya ako. Makikitako ang pagkadismaya sa mukha niya ng makawala ako sa kanya. Nagbabadya ang mga luha ko habang tinititigan siyang nakatitig rin sa akin. Mamimiss kita ng sobra, yano.

"D-dont be tired.... dont go.." he asked again, para siyang nagmamakaawa sa isang taong ayaw niyang mawala sa buhay niya. Napangiti ako ng mapait, alam kong para kay kara ang mga salitang ito.

Gustong gusto ko siyang pagsasampalin at pagsisigawan upang matauhan siya at malamang hindi ako iyong babaeng kinababaliwan niya. Na ako lang naman ang asawa niya. Gusto ko iyong isampal sa buong pagkatao niya.

Nang nagawa kong tumalikod at humakbang palayo sa kanya ay tumulo na ang mga luha ko. Napatahip ako ng bibig upang pigilan ang hikbi ko. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko at panghihina ng buong katawan ko. Lahat ng hirap at pagod ko, hindi mo man lang kayang tugunan, yano. Ano bang naging kasalanan ko jusko at nagmahal ako ng maling tao?

Sinubukan kong humakbang pero nanghihina talaga ang tuhod ko, parang anytime ay mabubuwag ako.

Sa muling subok ko sa paghakbang at narinig ko ang pagsinghap niya, kaya automatic akong napalingon sa pwesto niya at gusto ko nalang muli siyang lapitan ang yakapin. He's crying.

******************************

UNWANTED(COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin