Kabanata 33

17.8K 246 6
                                    

Kabanata 33

Faith

"MAMA!" rinig kong sigaw ni uno. Hindi ko mapigilang mailabas ang masaya ngunit nanghihinang ngiti sa aking mga labi. I am so fragile and weak already. Tuwing umaga, kapag nagigising ako. Lagi kong tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Iyong dating malaman laman kong katawan, iyong dating masisigla kong ngiti at iyong kulay morena kong balat. Lahat iyon ay napalitan ng pangangayayat, pamumutla, at pagiging mahina.

"Mama, your so white na po. Are you sick? Mama I'll call Mommy lola to get you med. Mama, if only dada is here, he wont let you get sick like that. I miss dada mama, and I know he misses us too, very much."

Iyong ngiti na nakabalot sa labi ko ay napalitan ng pasadyang lungkot. Nagisang linya ito at namuo ang sariwang tubig sa aking mga mata. I miss yano, too. Miss na miss ko na din siya anak. Sobra...

"Mama, when did dada back? I really miss him so much." naiiyak na namang saad ng anak ko. Lagi kapag dumadating ang araw, walang punto na hindi ito umiiyak dahil sa paghahanap sa ama niya.

"I dont like this... I dont like my mama get sick, and dada is gone for long... What happen to us, mama? What happen to dada?"

Iyong ideyang ayokong maranasan ng anak ko ang masaktan sa ganito kaaga, ay nangyayari na. Siguro nga, maling mali ang desisyon ko. Mali ang pagpapalayo ko kay yano. Kasi maski ako, imbes na maging maayos dahil alam kong siguro ay hindi na ito masasaktan kapag nawala na ako ay maling mali. Sobrang mali. Dahil malayo sa maayos ang nangyayari ngayon. Hindi lang ako ang nagsa-suffer sa aming lahat. Hindi lang sarili ko ang sinaktan ko sa maling desisyong ito kundi maging ang mga taong sangkot dito. Maging sina mama at papa, mga kaibigan ko, si yano at uno. Lahat sila masasaktan ko, sinasaktan ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa maitatama ito. Gayong kaunti nalang ang natitirang oras ko sa mundo.

"Mama, please beg dada to come back." asik ng anak ko sa akin.

Maswerte pa ako dahil hindi niya ako sinisisi kung bakit siya iniwan ng kanyang ama. Masaya sila noong hindi pa ako nagigising sa coma, masaya sila noong wala pa ako sa piling nila pero heto ako, pinaghiwalay at sinaktan sila. Sana pala ay hindi nalang ako nagising noon. Sana pala ay natuluyan nalang ako dahil pagod na pagod na ako sa nangyayari sa akin ngayon. Why do I need to wake up when I was faith to died so soon then. Sayang yung chances eh. Nasasayangan ako dahil sinayang ko iyon.

"MAY mga kaibigan akong magagaling na doctor sa U.S, maghanda ka, luluwas tayo. Kunin mo lahat ng pwedeng makuha, Ma, call Richard to get private plane. Aalis tayo after niyong mag impake." agarang bungad sa akin ni papa at mama ng dumating sila, madaling araw na sa bahay. They have their packed up things with them.

Hinila ako ni mama at agad binigyan ng yakap. Naiiyak ako dahil namamanhid na ang katawan ko at ang alam kong mahigpit na yakap na iyon ay naging parang hangin lang na kumapit sa katawan ko. Nagsimula ng humagulgol si mama kaya hindi ko narin napigilan ang mga luha ko. Hindi ako makahinga. Parang binalot ng ilang libong karayom ang dibdib ko. Nang humiwalay si mama sa yakap ay sinakop niya ang mukha ko ng kanyang dalawang palad.

"Why you did not tell us, anak" naiiyak na namang saad ni mama. Hindi ako nakasagot. Hindi ko kayang sumagot.

Para siyang pinagbagsakan ng lupa ng tingnan niya ang kabuuan ko at pagkatapos niyon ay muli siyang humagulgol at muli akong niyakap.

"Mama.." I said in between my sobs. Nakita ko si papa na naiiyak na rin.

"Anak ko... anak ko..." Paulit ulit na sambit ni mama. Nakikita ko rin kay papa na nagpipigil humagulgol.

"Gagaling ka, okay? gagaling ka. Kahit maglabas tayo ng million, kahit maubos ang pera natin. Gagaling ka... Gagaling ka.." patuloy ang pag iyak ni mama.

Umiling ako at mahinang ngumiti. Tumango ako sa ngayong naiiyak na ring si papa.

"I already accepted my destiny, ma, pa.. Wala na akong ikagagaling pa. We can't find donor, sino bang may gustong mag donate ng puso para lang mabuhay ako? Ma, pa! wala... malabo.." lathala ko sa kanila.

"God has a better plan, for me. For all of you, kaya nangyayari ito. Siguro ay mas ikabubuti ko ito. Ma, pa... pagod na pagod na po ako. Gusto ko na ring magpahinga.."

Sa sinabi kong iyon, lalo lamang humagulgol ang mama ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

"Ma... all we can do now, is to accept the fact..." umiling iling siya habang umiiyak.

"We cant just accept, because this is not the fact. Anak. Gagaling ka. Makakahanap tayo ng donor mo. We cant just give you up, anak. We cant.." pagmamatigas ni mama. Bumitaw siya at mabilis na kinuha ang maleta na nakahilera sa gilid ng kama. Siya narin ang nagkarga ng mga damit at kakailanganin roon. Wala akong ibang magawa kundi ang panoorin ang umiiyak at nagkakanda ugaga kong ina. Ito iyong kinatatakutan ko kapag nalaman nila ang sakit ko. Ito iyong ayaw ko sanang makita. Ang mahirapan sila ng dahil sa sitwasyon, ang masaktan sila...

"Ma, pa... Handa na po ang mga gamit ni uno." tinig ng isang pamilyar na tinig mula sa bukana ng pintuan.

Hindi agad ako nakakuha ng lakas upang masilip at makumpirma kung sino ang nagsalita. But before I can move on with what I just heard. A pair of arms, pulled me to a tight hug from the back.

Wala pa man ay nakumpirma ko na kung sino nga ito.. The person who I have been longing for. Iyong taong, sobrang miss na miss ko na. Napapikit ako ng maramdamang mas humigpit pa lalo ang yakap niya. At tuluyan na ngang muling nagpadaloy ang mga mata ko ng sunod sunod na luha, at ang paglabas ng hikbi sa aking bunganga. Sa muling pagpitik ng hikbi ko ay siya ring pagkabasa ng balikat ko. Umiiyak rin siya. Umiiyak siya.

"I miss you.... please do me a favor... Stay awake, devon. Please, keep your eyes open. For me, for uno, for mama and papa. Please"

UNWANTED(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon