Kabanata 23

26.8K 390 18
                                    

Kabanata 23

Son

"Da--da!" sigaw ni uno ng makita ako. Buhat siya ng ninang danna niya. Masaya itong yumakap sa akin. Agad ko naman siyang kinuha kay dans.

"Thank you, dans." I muttered. Ngumiti lamang siya at lumiko ang tingin sa gilid namin. Napangiti ako habang sinundan ang tiningnan nito. My wife, devon.

Isang taon na si Uno, isang taon narin siyang natutulog. Hindi man lang niya naranasang ma-breast feed ang anak niya. Hindi man nito napanuod lumaki ang sanggol niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Mainit iyon.

"Tibay niya no? nakakaya na niyang hindi ka makita" pagbibiro ni danna. Ngumiti ako habang hinahaplos ang kamay ni devon. At buhat buhat ang anak namin. Naramdaman ko ang pag abot ni uno sa kamay ng kanyang ina na hawak ko. Umupo ako sa may upuan sa harapan ko upang maabot ni uno ang kamay ng kanyang ina. Nang mahawakan na nito iyon ng tuluyan ay tumingala siya sa akin at tumawa.

"Mama!" sigaw nito na hindi nautal. Hindi mawari ang sayang nararamdaman ko habang pinapanood ang paghaplos nito sa kamay ng ina.

"She probably the happiest if she'll see how her son love her so much. I adore you for not forgetting to remind how precious his mom is, yano. Thank you, salamat dahil hindi mo hinayaang hindi niya kilalanin ang ina dahil lang sa sitwasyon niya" danna said.

Tinanguan ko lamang siya habang pinagpatuloy ang panonood ko sa paglalaro ng anak ko sa kamay ng kanyang ina.

"Isang taon na... kaya mo pa ba siyang hintayin, yano?" danna asked. Natigil ako sa panunuod kay uno at nabaling ang tingin ko kay danna ang atensyon ko.

Napangiti ako ng mapait at umiling.

"She waited for me more than a decade. Wala pa 'to sa isinakripisyo niya" saad ko.

Nakita ko ang paglabas ng malaking ngiti ni danna ng marinig ang sinabi ko.

"Paano kung paggising niya, ayaw na niya? She's hurt. Nawalan siya ng ulirat na isinusuko ka na."

Napaigting ang mga panga ko.

"Maghihintay ako. Hihintayin ko siya." mahinang sagot ko habang nakatingin sa tulog na si devon. Napangiti ako habang tinititigan ang maamo nitong mukha. Kaya madaming naaadik dahil sa kanya eh, nawawalan sila ng direksyon sa buhay dahil sa pambabasted niya. She's so pretty. Maganda ang balat niya, fair ang kulay. Cute ang height niya. Iyong babaeng ang sarap ipitin at yakapin ng mahigpit dahil ang petite. Hindi siya payat na payat, sakto lang. Kaya siguro hindi ko nahalata na may iniinda pala siya.

Naramdaman ko ang kamay ni danna sa kaliwang balikat ko. Una on the other hand seems so curious sa mga pinag uusapan namin ng ninang niya. Inayos ko ang buhok nito dahilan upang tingalain niya ako. Nginitian ko siya at magana naman siyang tumawa.

Isinuklay ko ang mga daliri sa tubong buhok ni uno. 

"Do you want to hug mama, uno?" I asked na agad naman niyang tinanguan ng mabilis. Napangiti ako ng dumantay siya agad sa bed na kinahihigaan ni devon at agad siyang yumapos at kumuha ng mahigpit na yakap dito.

"Ask her to wake up already because you already misses her so bad." sambit ko sa anak ko. Pilit kong pinipigilan ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko. Sabi nila, walang kasiguraduhan kung gigising siya. The doctor said, she's not fighting anymore. Hindi na siya lumalaban at iyon ang isa sa nagpapahina ng loob ko. Kung wala lang si uno ay baka naisipan ko na siyang unahan marating ang kamatayan. I cant let her go....

"Aalis na ako. Bye baby boy!" pagpapaalam ni danna na agad ko din namang tinanguan. Pinanuod ko lamang kung paano magsara ang pinto na nilabasan niya.

"Mama!" masayang masaya si uno habang hanggang ngayon ay nakapulupot parin ang maliit niya braso sa katawan ni devon.

Hinaplos ko ang mukha ng asawa ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Lahat sila, isinusuko ka na. They say that its better for you to rest already, dahil alam nila na iyon iyong gusto mo. Sumusuko ka na ba talaga, devon?

"Paki-usap, lumaban ka. Your son is waiting for you. Huwag namang ganito devon. Alam kong hirap na hirap ka, pero please lang, lumaban ka pa. Diba matapang ka? Kahit para sa anak mo, lumaban ka. Lumaban ka, dev"

Nakita ko ang pagtitig sa akin ni uno, matapos kong sabihin ang mga iyon. Napangiti ako at hinalikan siya sa noo.

"You should wake up, wife. You should see how handsome your son is. Kamukha mo ang anak mo. Namana niya ng mga mata at ilong mo. Kulay lang yata ang namana niya sa akin." ngayon ay para naman akong gago na natatawa sa mga pinagsasabi. Kung nakakapagsalita lang ng tuwid si uno ay alam kong tinawag na niya akong baliw. Fuck, Call me gay pero wala eh, kapag ganito ang sitwasyon. Mawawala talaga ang pagka-masculine ko. Iyong tipo ng pagkakataon na araw araw nakikita mo ang taong mahal mo, nahahawakan, nasasabi ang mga gusto pero heto, wala kang magawa kundi hintayin kung kailan siya makikinig sa mga hining mo, kung kailan siya sasagot sa mga tanong mo, at kung kailan mo siya tititigan na kanya ring nilalabanan. It hurt to see your love ones about to face death. Iyong buhay niya na walang kasiguraduhan.

Labis kong pinagsisihan kung bakit ngayon lang ako namulat sa aking nararamdaman. Napaka
tanga ko. Hindi ko man lang siya nayakap at nahalikan ng punong puno ng pagmamahal.

"Da--da! da--da!" sigaw ni uno, sa gulat ko ay muntik pa akong mawalan ng balanse sa pagkakaupo. Takteng bata 'to oh! Pagtingin ko kay uno ay itinuturo niya ang kamay ng kanyang ina na mahinang nagpipilantik at gumagalaw. Sa gulat ko mula sa nakikita ko ay hindi ko alam kung sisigaw ako o maiiyak ng pagtingin ko sa mukha niya ay nakamulat na ang mga mata niya. Nanginig ang labi ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. Ngayon lang sa isang taon kong muling makikita ang mga magagandang mata niya.

"De--von.." uutal utal kong tawag sa kanya dahilan ng pagbaling niya sa akin at sa anak ko.

******************************
A/N:

Tragic ending talaga dapat 'to eh. Kaso mahal ko kayo 😁😁 lol.

UNWANTED(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon