Kabanata 7

23.1K 323 6
                                    

Kabanata 7

Nightmare

"No!" rinig kong sigaw ni yano mula sa sala. Malakas ang sigaw na iyon dahil rinig na rinig hanggang dito sa kwarto.

"Fuck!" muli ay sigaw nito at pagkuwan ay nakarinig na ako ng nagbabasagang gamit. May pag aalala akong tumayo at tumakbo upang silipin ang nagyayari sa sala. Isang galit na galit na leon ang aking nakikita mula roon. Para siyang hayop na hindi nagpapapigil sa galit. Bakit?

Alisto akong bumaba ng hagdan at agad na pumulupot sa kanya upang pigilan siya sa patuloy na pagsira ng mga gamit namin.

"Yano, ano ba!" sigaw ko. Impit akong napadaing ng malakas niya akong itulak. Tumama ang tagiliran ko sa kahoy na mesa. Dumaloy ang kirot mula sa tyan pababa ng binti ko. Fuck!

"Kasalanan mo ang lahat" sigaw niya sa akin. Ngunit wari'y wala akong narinig, namuo ang mga luha ko habang dinadamdam ang kirot na nararamdaman ko, nanginginig kong hinawakan ang kumpol na dugo mula sa binti ko.

"Fuck, Ako lang ang pwedeng pakasalan ni kara." frustrated na sigaw muli ni yano. Napapailing akong napatingin sa kanya. Ang kirot at sakit na nararamdaman ko ay biglang nawala. Ang namumuong luha at biglang umatras. Pinilit kong tumayo upang harapin siya.

Alam kong alam na niya na ikakasal si kara kay albert, iyon ang dahilan ng pagwawala niya.

"This is all your fault!" sigaw muli niya sa akin at agad na sinampal. Muli ay natumba ako. Duon na bumuhos ang mga luha ko. Kasabay ng panginginig ng buong katawan ko ay ang patuloy na pag agos ng dugo sa binti ko. Ang anak ko.

"B-baby ko..." hagulgol ko habang nanginginig na pinagmamasdan ang dugo na lumalabas sa akin. No! hindi pwedeng mamatay ang anak ko.

Iiling iling akong nagsusumigaw habang walang magawa. Gustong gusto kong magtatakbo upang humingi ng tulong pero wala akong lakas. Nanginginig sa sakit ang buong katawan ko.

"Anak ko.. baby ko.." paulit ulit kong sambit sa pagitan ng pag iyak. Nanghihina ang buong katawan ko. At mula pa ngayon, sinisisi ko na ang sarili ko. Marami akong pwedeng gawin upang mabuhay ang anak ko pero ang hina hina ko para gawin ang mga iyon. Wala akong kwentang ina.

PAGMULAT ko ay mukha ni mama ang agad na bumungad sa akin. Agad kong hinaplos ang aking tyan at nagpumilit na tumayo.

"Anak..." agap sa akin ni mama.

"Ma, how's my baby?" naiiyak na namang tanong ko.

"Anak..." muli ay saad niya. Hinaplos niya ang nakaharang kong buhok. Nakita ko ang pag aalinlangan na pagtingin ng aking ina. Namuo ang malat na kaba sa aking kaibuturan at muling naluluha.

"Hey, bakit anak nananaginip ka ba?" agap na tanong nito ng maaninagan ang paghahanda ko ng magwala. Nananaginip? Agad kong nilibot ng tingin ang kwartong kinalulugaran ko. Sa pakiwari ng unang tingin ay alam mo na agad na hindi ito ospital o klinika. Nagbuga ako ng malalim na buntong hininga ng maprosesong nasa bahay ako nina mama at nandito ako ngayon sa kinamulatan kong kwarto. Jusko, panaginip lamang nga ang naganap na trahedyang iyon, hindi ba? Panaginip lang, isa iyong masamang panaginip na kung hindi ako pinalad magising ay nagdulot sa akin ng pagkabangungot.

"Anak ano ang napaginipan mo, mukhang masama ang paggising mo." haplos ni mama sa aking mukha, napangiti ako. Namimis ko ang mga paglalambing na ganito ni mama.

Kinalma ko ang sarili ko at pilit na inaalala kung bakit ako nakarating sa bahay namin.

"N-nawala daw ang baby ko ma." naiiyak kong pagsumbong. Agad lumihistro ang awa sa mga mata ng aking ina. Mukhang alam na niya kanina pa kung ano ang napaginipan ko ngunit nag alangan siya at kusa akong tinanong upang siguraduhin. Ngumiti ito at hinalikan ako sa noo.

"Dont overthink anak, mukhang stress ka masyado sa pagbubuntis mo at kung ano ano nalang ang napapanaginipan mo. Ingatan mo ang sarili mo, devon. Nung dumating ka dito ay nahimatay ka rin at bumungad ang kung ano anong panaginip sayo. Anak, alalahanin mong maselan kang magbuntis. Kung may inaalala ka mang problema, isantabi mo nalang muna. Makakasama iyan sa anak at sa sarili mo." lathala ni mama. Umupo ako upang makaharap siya ng husto. Wala akong magawa kundi ang tumango sa mga itinuran niya.

"Mas makakabuti yatang dumito muna kayo ni yano upang maalagaan ka ng maayos, pareho kayong bago lang sa ganitong sitwasyon, kakakasal niyo lang at wala pa kayong alam masyado sa buhay mag asawa, hindi pa magandang magsarili kayo. Sa nakikita ko ngayon ay hindi ka rin niya masiyadong naaalagaan." suhestyon niya. Agad akong umiling kay mama. Hindi kami maaaring tumira kasama sina mama, masyadong malupit sa akin si yano. Hindi niyon mataim ang magpanggap na okay kami sa harap ng aming mga magulang. Noong ikinasal nga kami ay suntok sa buwan kung magagawa niya akong lambingin sa harap nila. At baka lalo lang siyang mainis sa akin kung papayag ako sa gusto ni mama.

"Kaya na namin ito ma. Hindi kami matuto kung hindi kami susubok. Kailangan naming matutong magsarili ni yano para naman sa ganoon ay maiwasan na naming umasa sa inyo. Bumubuo na po kami ng pamilya, ma. Hindi maganda kung aasa pa kami sa inyo. Inaalagaan naman ako ng husto ni yano, kaya wag na po kayong mag alala." pagdedepensa ko.

Hindi parin mawala wala sa isip ko ang napaginipan ko kani-kanina lang. Jusko, hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling magkakatotoo iyon. Higit sa pagmamahal ko sa mga magulang ko at kay yano. Ang sanggol sa sinapupunan ko ay higit na nakakalamang roon. Mahal na mahal ko ang anak ko, wala pa man siya sa mundo. At kalahati ng mundo kong iyon ang mawawasak kapag nawala ko siya. Siya rin ang katangi-tanging humahawak sa relasyon namin ni yano na kahit ihip ng hangin ay kayang matibag. Hindi ko kakayanin kapag nawala ito sa akin.

"Madam, narito na po si sir yano" rinig kong sambit ng katulong mula sa labas. Pinapasok agad siya ni mama upang makausap ng maayos, inutusan nitong papuntahin rito sa kwartong kinaroroonan ko si yano. At pagkatapos ay agad itong nagpaalam sa akin, umalis siya kasama ang katulong.

Ilang sandali lang ay bumakas muli ang pintuhan luran si yano. Agad nangunot ang gwapo niyang mukha ng makita ako.

"Nahimatay ka raw.." saad niya, hindi iyon pagtatanong kundi isang lathala. Pinilit kong ngumiti sa kabila ng mga naglalaro sa isipan ko. Ang naging panaginip ko at ang kasalang kara at albert, maging ang pagpapatira sa amin rito nina mama.

"Mag ingat ka kasi." inis nitong turan ng maupo siya sa tabi ko. Nagulat ako ng ilapat niya ang likod ng palad niya sa noo ko.

"Punong puno ka ng pawis. Malakas naman ang aircon. May masakit ba sayo?" tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Nakatitig lang ako sa lukot niyang mukha habang pinupunasan ang mga pawis ko sa mukha.

"Umiyak ka ba?" tanong muli niya ng maaninag yata ang mga namuong luha ko.

"Nanaginip kasi ako.." sagot ko habang inaalalang muli ang masamang panaginip ko. Nanginginig ang mga labi ko habang tumititig sa kanya.

"Yano, nawala daw ang anak ko.. nakunan daw ako.." para akong batang nagsusumbong sa ama na katatapos lang pinalo ng sariling ina. Agad namuo ang pag aalala sa mukha ni yano ng marinig ang sinabi ko.

Walang pag alinlangan niya akong kinabig papalapit sa kanya at ikinulong sa bisig niya. Hindi ko alam kung bakit nagbukas ang pintuan ng pag asa sa akin. Ito ang unang pagkakataon na yakapin niya ako.

"Hush.... nothing will happen to our baby.. okay?" bulong niya sa akin, napahagulgol ako hindi dahil sa kabang dulot ng panaginip ko, kundi dahil sa lambing ng boses ni yano habang inaalo ako. Hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ko.

"Naniniwala ako sayo, you promise to protect him, right?" pagpapatuloy niya.

"Alam kong hinding hindi mo siya pababayaan, devon.." muli ay saad niya. Sa pagkakataong iyon ay agad akong nakalma. God, paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol kina albert at kara kung ganitong ang bait bait niya sa akin ngayon? Ayokong sirain ang nasimulan niyang lambing sa akin. Ayoko ng tapusin ang ganitong trato niya sa akin. Let me have you, yano. Just for once.

UNWANTED(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora