Kabanata 4

24.1K 354 7
                                    

Kabanata 4

Uno

Unang beses na hindi lumabas ng bahay si yano. Nakahalukipkip lamang siya sa may sofa at tinutok ang sarili sa harapan ng tv.

Ako naman itong nakikinood lang rin sa kanya. Ngunit siya lang naman ang natatangi kong pinapanood. Bawat pagkurap niya ay namamasid ko. Kabisado ko narin yata ang pagbabago niya ng position sa bawat paglipas ng isang minuto. Ang paraan ng biglaang paghiga at pag upo niya ay alam ko narin. Napangiti ako. Magkasama kami ngayon, magkalapit lamang. Siya ay nasa sofa habang ako ay nasa kama, yakap ang mga binting kanina pa nanlalamig sa lakas ng aircon. We were like so near yet so far. Para siyang isang celebrity sa isang concert, habang ako iyong fan na nasa VIP seat. Malapit lamang ako sa kanya, nakatanaw at pilit siyang inaabot. Pero hindi ko magawang abutin. Maraming kaagaw, maraming mas malapit pa sa kanya. Hindi niya ako kayang hagilapin kahit magtatalon talon ako para magpakita lamang sa kanya. Kahit magsumigaw pa ako, malayo sa katotohanang marinig niya ang sigaw ko. There are so many voices out there, my thin and low voice dont do for there was much louder than mine.

Napailing ako at humalik sa tuhod ko habang tinatanaw siya mula sa sofa na kinalulugaran niya.

Kahit naman marinig niya ako, makita, at kilala ay suntok sa buwan kung bibigyan pa din niya ako ng pansin. Sa dami namin, may nag iisang babae parin siyang hahagilapin at iyon ang pagtutuunan niya ng pansin.

"Stop staring. You might fall hard. And be reminded that, you'll get hurt, hurt, and hurt again and again. Ayaw mo naman siguro niyon, diba devon?" Biglang panukala niya at nilingon ako, he wink at me na parang nang aasar.

Hindi ako umimik, tiningnan ko lamang siya habang bumabalik sa tv ang atensyon niya.

"Sabagay, mabuti na iyong masaktan ka. Nang maranasan mo naman, Mahirap naman kung kami lang ni kara ang nagigipit, This is all your fault. All your fault. Kaya dapat lang na masaktan ka rin. You deserve every peace of shit, devon" muli niyang isinatinig. Sa pagkakataong iyon ay sa tv lamang siya nakatingin.

Muli ay wala akong nagawa kundi pakinggan ang mga maktol niya tungkol sa kasalanan ko, sa mga kasalanan ko.

Gusto kong pumikit lang at magtakip ng tenga, pero hindi ko ginawa. Nanatili akong nakatingin sa kanya. The same position, at the same time.

"You know nothing.." I whisper. Alam kong narinig niya iyon. Totoo naman kasi, wala syang alam. Sa nararamdaman ko at sa mga patungkol sa akin. He didn't even bother to know. Hindi niya alam na sa lahat sa amin ako itong sobrang nasasaktan. Wala siyang alam eh. Dapat hindi na siya magsalita. Kasi hindi din naman niya alam na lahat ng lumalabas sa bunganga niya, masakit para sa akin.

"Ano ba ang dapat ko pang malaman maliban sa pagka-brat mo?" he said chuckling.

Nagsalubong ang tingin namin.

"Marami, yano." Sabi ko.

Siya ang unang bumawi sa titigan namin, inilingan niya ako at sinamaan ng tingin. He even raised his hand na parang sumusuko na sa akin.

"Well, I dont care. Save it, brat!" sambit lang niya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti kahit sa maliit na bagay na ito.

Natalo ko siya, finally! For the first time, sumuko siya sa akin.

Mababaw na siguro ako sa tingin ng iba dahil sa ganito kaliit na bagay ay ikinatutuwa ko na. Everything about yano, lahat nagiging worth it sa akin.

Sa tuwa ko'y agad akong tumayo at naglakad papunta sa sofa kung nasaan siya. Tinabihan ko siya kahit siya ay parang walang pakialam sa akin.

"Samahan mo ako bukas..." I happily said. Statement iyon at hindi tanong. Gusto kong isama talaga siya bukas, I want us to bond. Kahit alam kong ayaw niya akong makasama.

Pinulot niya ang remote at hininaan ang tv bago ako balingan ng tingin, his forehead gently creased. Ngumiti ako sa kanya.

"Go by yourself." sambit lang niya at muling nilakasan ang volume ng pinapanuod niya.

Hindi ako nagpatinag, hinawakan ko ang kamay niya na dahilan ng muling pagbalik ng atensyon niya sa akin.

"What?" he asked. Kunot na kunot ang noo niya.

"Let's buy brianna's thing." sambit ko, lalong mangunot ang noo niya sa sinabi ko.

"brianna?.." takang tanong niya pero bakas parin sa mukha niya ang inis dahil sa kakulitan ko.

Ngumiti ako at hinawakan ang umuumbok ng tiyan ko. Napapout ako ng maalala ko, siguro naipit ko siya kanina dahil sa pagyakap ko sa binti ko. Hope she's okay.

"Who the hell told you that he is brianna?" nagulat ako sa maktol niya. Napakurap ako at hindi naiwasang mapangiti ng maprocess ko iyon. He? How sure he is na lalaki ito? Oh god, I want a girl. And it seems na ayaw niya sa idea na iyon. He wants a boy.

"He's Uno, He's my junior, Yano Kim Jr." sambit niya habang sa tiyan ko nakatingin.

Hindi ko na talaga mapigilang mapangiti ng dahil dito, Kung kanina ay sobrang drama ng paligid ko, ngayon gusto ko nalang magpatayo ng bar ko at duon magsaya dahil masayang masaya talaga ako ngayon.

"Yano.." naiiyak ko bulong sa pangalan niya pero hindi iyon narinig. Halos mapatalon ako ng dumampi ang kamay niya sa tiyan ko, hinaplos haplos niya iyon. I can see how his eyes twinkled while caressing my tummy. I can see the admiration and I know he can't wait to see his little man. Oo, tanggap ko kung lalaki man ang nasa loob ko, kahit ano naman. Babae o lalaki, Basta anak ko, galing sa akin. Mamahalin ko parin. Lalo na at galing din ito kay yano.

"Tita kara said, If you already own the world, she will give you the universe" masayang tugon nito.

Fuck you destiny, your game is a damn hell, fuck off please. Okay na eh, bakit ba umeeksena ka pa gago ka! Kara naman eh, just this once. Sana naman kahit ngayon lang, akin muna si yano. Sa amin muna siya..

UNWANTED(COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin