Kabanata 37

21.1K 272 25
                                    

Kabanata 37

Death

"As long as I want to live. Yano, my time has ended." she whispered and after giving me a quick kiss on my lips, she free herself by closing her eyes.....

Isang matinis na tunog ang umalingawngaw sa buong kwarto hanggang sa nabingi ako sa mga iyak at sigawan ng mga tao sa loob nito.

Everything in slow motion, and I think I want to just close my eyes too and end my life. Uno run to me and he is crying. Niyakap ko ang anak ko ng mahigpit.

"Mama!" pa ulit ulit niyang sigaw. Wala akong ibang naramdaman kundi ang pangmamanhid. Wala akong ibang nagawa kundi ang magpa agos sa mga taong pilit akong pinapalayo. Mahigpit akong kumapit sa damit ni uno na mahigpit ring nakayakap sa akin. Pareho kaming walang ibang nagawa kundi ang panoorin ang paulit ulit na pagpump sa aking asawa.

Pa ulit ulit ko ring inuusal ang katagang... Please...

Hindi ko maituloy tuloy na please, wala akong maidugtong at nakakainis. Nakakainis kasi sa unang pagkakataon ng buhay ko, wala din akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Nakikisabay ang bawat paghikbi sa mga pasigaw na iyak ng mga nasa paligid.

Parang nangyari na ito dati. Noong mga panahong pinapanganak niya si uno. Mga panahong nakaramdam ako ng takot. Takot at sakit.

Ayoko na ulit mangyari ang ganoon. Sana hindi na ulit mangyari 'yon. Mga pag aalala na kung baka hindi na siya magising pagkatapos ng lahat.

"Do the operation! I'll be her heart donor.."

Tila baga tumigil ang ikot ng oras at mundo sa akin pagsasalita. Ang doctor na abala sa pagpa-pump kay devon at ang mga taong tila umatras ang mga iyak at luha. Nawala ang mamumurong ingay at napalitan iyon ng nakakabinging katahimikan. As if on cue, tumunog ang life machine na nasa tabi ng kama ni devon na ang halos patuwid ng linya roon ay nagkusang nangulot. Sabay na sabay na buntong hininga ang pinakawalan ng lahat.

Lumapit sa akin sa yanna, danna, cad, lou at albert, punong puno sila ng pag aalala at napupuno rin ng luha ang kanilang buong mukha. Umiiling si albert habang malaya niyang tinapik ang balikat ko.

"Tingin mo ba gusto yan ni devon, yano? Anong katangahan yang pinagsasabi mo" saad nito.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa akin ng anak ko, si uno. Hinaplos ko ang buhok nito at otomatiko siyang napaangat ng tingin sa akin.

"Dada, is mama okay na?" inosenteng tanong nito. Bago pa ako makasagot ay binuhat na siya ni cad. Tinanguan ko siya at bago nito ilayo sa amin ang anak ko ay pinalis ko na muna ang mga luha nito.

"That wont do to devon, yano. She wont like your idea." muli ay satinig ni albert.

"She's asleep. Hindi niya malalaman." nanghihina kong sambit.

"Bro.." louise muttered. Inilingan niya ako ng tingnan ko siya.

"Hindi ko kaya..." pagsisimula ko at tila baga parang isang otomatikong makina ang aking mata na bigla na lamang magbubuhos ng luha.

"Hindi ko kayang panoorin siyang halos malagutan na ng hininga. Unti unti akong pinapatay ng sakit habang wala akong magawa kundi ang panoorin siyang nilalabanan iyon." mahinang saitinig ko.

"Tingin mo ba magiging masaya si devon sa desisyon mong iyan yano? God, she'll blame herself!" inis na asik sa akin ni danna. Pulang pula ang gilid ng mata niya na sa kanilang lahat, halata mong hindi pa natatapos umiyak. Napatumo ako at pilit na tinatakasan ang katotohanang, gusto na siyang isuko ng lahat.

"Yano, we...." bumuntong hininga si cad, nakabalik na pala siya rito sa pwesto namin. Hindi ko man lang namalayan. His bloodshot eyes were twinkling with water. Na ilang saglit lang ay napakawalan na niya.

"It hurt for us to see her that way as well but, honestly? Hirap na hirap na siya. Mahirap rin ito sa amin pero, bro. Kailangan na nating tanggapin. Let her have peace and let her rest. She's been through a lot already. Huwag na nating ipagkait sa kanya ang kalayaan, pakawalan na natin lahat ng sakit na pumupuno sa kanyang katawan. Hindi siya bumibitaw kasi umaasa tayo, alam niyang masasaktan tayo, pero this time, isipin naman natin siya. Nahihirapan na siya ng sobra. This life, this world had been so cruel to her. Kailangan na niyang lumayo sa masalimuot na mundong ito."

Dumaloy ang malamig at mapait na luha sa aking mga mata ng makita ang sabay sabay nilang paghagulgol dahil sa sinabi ni cad. Nagyakapan sila na wari'y huli na nga ang lahat, na parang wala na talagang pag asa. I am so fuck up! Gusto ko mang magalit sa kanila dahil sa pagsuko nila, ay hindi ko magawa. Lahat ng sinabi ni cad ay tama. Masakit man ay iyon ang katotohanan.

"I cant--"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng may biglang bumalibag sa pintuan. Patakbong lumapit sa akin si Karen. Halata ang pagtataka kina danna. Kung bakit nandito ito ay hindi namin alam, pero marahil katulad ko ay nagtataka rin sila sa biglaang pagdating nito na puno ng dugo at pawis ang nakaluhestro dito.

"Yano.." she whispered. Bahid sa boses niya ang pagod at lungkot. Ibinigay niya sa akin ang isang piraso ng papel na natintahan na ng dugo. Agad ko iyong inabot at sa panimulang basa ko. Nadagdagan ang lungkot na nararamdaman ko. Tang*ina!

"As you read this, I hope my heart still beats and my pulse still kicks. I know, killing myself can't make you mine again, yano. And this is the only way to have you back. I am heartily donating my heart to devon. Huwag kang mag alala yano, buo ang desisyon ko ng gawin ko ito dahil ito na lamang ang paraan upang mapasaakin kang muli. My heart will always beats for you, babe. Always remember that.

Love, Kara"

"She want to give her heart to devon, yano.." naiiyak na sambit ni karen, ang kambal ni kara.

******************************
A/N:

This is the last chapter guys! Epilogue will be posted soon. A long journey everyone, Thank you for being part of it. This story is not perfect yet you made it amazing. I felt loved for all the votes and comments. Sa mga napaiyak, nabanas, at nainlove sa istoryang 'to! Thank you! Love you guys. Dont worry, may epilogue pa naman.

UNWANTED(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon