Kabanata 6.

20.4K 665 41
                                    


Kinaumagahan matapos kong kumain saking kulungan ay iniluwa ng malaking pulang pinto ang babaeng matanda na naka itim na belo. Bulag ang kanyang isang mata kaya tinatakpan ito. Nakatingin lang ako sakanya. May hawak hawak siyang bote ng alak na halatang araw araw umiinom. Itinabi muna niya iyon at lumapit saking kulungan.






Nanlaki ang aking mga mata ng hugutin niya mula sakanyang bulsa ang sandamakmak na susi. Iba't ibang klase ng susi ito. Baka sasamahan niya muli ako sa banyo para maligo at dumumi iyon naman kase lagi ang trabaho niya. Pero katatapos ko lamang gumamit ng banyo kaya laking pagtataka ko ng buksan niya bigla ang kulungan.







Ilang linggo narin ang inilagi ko sa mansion na ito.







"Lumabas ka. Hindi kana diyan matutulog." Sabi nito. Nagliwanag ang aking mga mukha dahil sa binitawan nitong salita. Dahan dahan akong tumayo at kumapit muna ako sa rehas dahil namamanhid nanaman ang aking mga binti dahil sa matagalang pag upo. Ng ako'y makabwelo ay dahan dahan kong inihakbang ang aking mga paa palabas ng hawla.






Ilang araw narin ang lumipas ng huli kong masilayan si David. Hindi na ito nagagawi rito sa opisina niya simula ng mangyare yung putukan. Yung marami siyang pinatay na tao. Hindi ko parin alam ang dahilan kung bakit sa opisina pa niya napiling makipag barilan, at inis na inis ang mukha nito kaya nasaktan niya ang sarili dahilan para mag dugo ang kamay niya dala ng mga bubog. Hindi ko parin talaga maintindihan dahil bigla na lamang itong lumabas.







Napansin ko rin na ilang araw ng tahimik ang mansion. Palagi kasing umaalingaw ngaw ang nakakatakot na boses ng Mafia Lord na yon. Palaging sumisigaw o di kaya'y may pinapatay araw araw. Ganon siya ka brutal. Inilibot ko ang aking paningin ng kami'y makalabas sa pulang pinto. Hindi rin kasi ako nakakuha ng pagkakataong masilayan ang kabuohan ng mansion sapagkat labis ang tensyon at kaba ang aking naramdaman ng mga oras na unang beses akong tumuntong dito.







Sawakas ay binasag na ng matanda ang katahimikan.






"Wala ang Lord. Umuwi na ng America." Sabi nito sakin. Ako nama'y labis ang tuwa at may halo ding lungkot na hindi ko maintindihan.







"Ibig po bang sabihin maaari na akong-" Pinutol agad ng matanda ang sasabihin ko. Buong akala ko nama'y makakauwi na ako sa bayan ng Richmond at muling makakapiling ang Ina at ang kapatid ko ng biglang magsalita ang matandang babae.







"Hindi. Dito ka lang hanggang sa mag dalaga ka. Yun ang mahigpit na kabilin bilinan ng Lord." Sabi nito at tumingin sakin na may kunot ang noo at nakasimangot. Mukha talaga siyang mataray at nakakatakot ito. Bumunot pa siya ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito. Ganito palagi ang nakasanayang gawin ng matanda.







"Hilga, tawagin mo akong Hilga." Pagpapakilala niya sakin. Tumango naman ako bilang pag sang ayon. Hindi man ako makatakas dahil bantay sarado ang mansion ay kahit kaunti'y nabawasan ang aking pangamba na walang anino ng Mafia Lord dito sa mansion.







_______

Lumipas ang buwan, taon at ako'y apat na taon ng naninilbihan bilang katulong dito sa mansion. Ganap na akong dalaga. Sa una'y mahirap ang trabaho ko dahil nag uumpisa palang ngunit nakasanayan ko narin ito kaya mas gumaan na.







Tanghaling tapat. Katatapos lang namin kumain ng mga kasama kong kasambahay at nagpunta na kami sa kanya kanya naming naiwang trabaho dahil takot kaming masermonan ni Mayordoma Hilga. Yun ang tawag sakanya rito. Dahil isa siyang Mayordoma.







Habang ako'y abala sa pag kuskus ng sahig upang kumintab ay nakarinig ako ng ugong ng sasakyan. Hindi ko na ito inabala dahil baka isa lang yun sa mga henchman. Ganon naman kasi ang eksena dumadalaw ang mga tauhan ng Mafia Lord dito para asikasuhin narin ang iba pa niyang naiwang importanteng bagay.







Hapong hapo na ako habang nakaluhod sa sahig at kuskos lamang ng kuskos hanggang sa bumukas bigla ang napakalaking pintuan ng mansion. Nasilaw ako dahil tumatama ang araw papasok sa loob. Kasabay non ang pag baba ng Mayordoma at sinalubong ang taong iniluwa ng pinto. Ang mga katulong ay kanya kanyang yukuan sa tabi habang nasa gitna naman ako at hindi ko alam ang nangyayare.






Sawakas ay tuluyan ng nakapasok ang lalaki. At buhat buhat naman ng mga henchman ang mga bagahe. Nanlumo ako at nanlambot ang aking mga tuhod ng makita ang mga pulang mata na yon. Apat na taon na ang lumipas hindi ako pupwedeng magkamali. Kahit apat na taon ang itinagal ay kilala ko ito.







Ang salubong niyang kilay na bumagay sa matatapang nitong mga mata. Ang matangos na ilong at manipis na labi. Hinding hindi ko pwedeng makalimutan lalong lalo na ang mga mata na yon. Ang galit na mata na yon. Ang kakaibang kulay na mga mata na yon.







Napatitig ito sakin na hindi mababakas ang kahit ano mang emosyon. Tulad noo'y hindi nag bago ang itsura nito. Parang hindi nga tumanda sa loob ng apat na taon. Parang ako lang ang tumanda.







"Lord." Nagsiyukuan at luhuran na ang lahat pati ang mga henchman. Ako nama'y hindi na nagawang tumayo at lumuhod narin tsaka yumuko. Alam kong nasa gitna ako ng dadaanan niya. Ngunit wala akong magagawa dahil traydor ang aking mga tuhod na bigla na lamang nanghina at hindi na kaya pang tumayo.







"Honey let's go to your play room." Nagulat ako ng may boses na babae. Hindi ko agad ito napansin dahil sa pagkakatitig ko kanina kay David. Tama si David nga ang nag balik at may kasama itong babae. Babae na sobrang iksi ng suot na mukhang nakuha lamang niya sa club.







"Honey tara na." Pangungulit sakanya ng babae. Hindi ko maiwasang hindi mapaangat ng tingin at laking gulat ko na nakatitig padin siya sakin.







"Honey ano ba? San kaba nakatingin?" Iritang sabi ng babae na may makapal na makeup at kulay blonde ang buhok.







"Sino ba yan? At busy kang titigan? Hoy babae wag ka ngang paharang harang diyan!" Nagulat ako ng sipain ako ng babae ngunit mas nagulat ako sa sumunod na nangyare. Isang putok nanaman ng baril at napaupo ang babaeng may daplis sa kanyang pisnge. Tanggal ang isang tenga nito at takot na takot na tumingin kay David.







"Ahhhhhhh!" Sigaw ng babae ng sunod sunod siyang paputukan sa balikat, kamay, mga binti tagiliran ng tiyan. Walang umawat dahil dito, ang Mafia Lord ang batas. Pagapang na lumayo ang babae habang ako'y hindi makapaniwala sa nasaksihan ko.







"W-wag. T-tama na please. Ma-maawa ka. H-hindi ko na kaya." Sabi ng babae na bumubula na ang bibig ng sariling dugo.







"What? Did you say something? I can't hear you." Ngising sabi ni David. Isang ngisi ng demonyo. Iyak ng iyak ang babae hanggang sa naringgi na si David at pinaputukan na ito sa puso at sa ulo.







Gulat na gulat lang ako dahil sa tabi ko lang ito. Bumulagta na ang katawan at pagapang na saakin ang napakaraming dugo.







Walang sali-salitang nag lakad muli ito habang nakayuko lahat. Grabe kakauwi palang niya isa nanamang buhay ang nawala.







Itutuloy.....






Hi guys please vote and comment for the next update thanks!

The Shade Of A CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon