Kabanata 14.

15.5K 510 19
                                    


Natalie:

Hating gabi ng maalimpungatan ako, nasa tabi ko si David at mahimbing itong natutulog. Napabalikwas ako ng tayo ng may marinig akong sigaw at iyak ng isang babae. Tila nang gagaling ito sa ibaba ng na parang kulob. Nilingon ko si David na nakadapa parin sa pag tulog. Kitang kita ko pa ang itim na malaking asong naka pinta sa kanyang likod. Napakalaki ng kanyang tattoo. Hindi ko na ito pinansin ng madinig ko muli ang sigaw.






Para matiyak ay dumapa ako mismo sa sahig dahil tila nang gagaling ang sigaw sa ibaba mismo ng sahig ng silid ni David. Nagulat pa ako ng may makapang parang makausling bakal na siyang lagusan paibaba. Naningkit ang mga mata ko sa pagtataka, natatabunan kasi iyon ng makapal na pulang carpet. Minabuti kong wag nalang makialam ngunit sadyang hindi kaya ng konsensiya ko.






Lakas loob kong hinawi ang pulang carpet dahan dahan at tumambad nga sakin ang maliit at tila sikretong lagusan papunta sa ibaba. Kumabog ang dibdib ko. Pinagpawisan ako ng malamig kahit pa malakas ang air-con dito sa silid. Nanginginig pa ang kamay ko habang dahan dahang ini-angat ang nakausling bakal na parang nakalimutang ikandado.






Pagbukas ko ay madilim at lamig ng hangin ang tumamabad sakin. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan at kinapa ko muna ang phone ko para buksan ang flash light at magsilbing ilaw. Maingat ko ring isinara ang pinto dahil mahirap na baka magising si David at mahuli pa niya ako.






Sinikap kong hanapin kung saan nang gagaling ang tinig na yon. Inilingon ko ang aking paningin sa bawat sulok na kayang abutin ng aking mga mata. Madilim lamang at maalikabok sa loob na tila matagal ng naabandona.







Napukaw ang atensiyon ko ng marinig ko ang pag hikbi na nanggagaling sa isang babae. Mas lalong lumalakas ito at alam kong papalapit na ako sa kanyang kinaroroonan.






Sa gulat ko'y nabitawan ko ang phone ko. Tumambad kasi sakin ang isang magandang babae na naka kadena sa leeg at sa magkabilang kamay. Mahaba ang buhok nito na kulay itim at ang mga mata'y pulang pula din na tulad kay David. Wala siyang saplot. At natatakpan lamang ng kanyang sobrang habang buhok ang dalawa niyang dibdib. Dinampot ko muli ang phone ko at itinutok sakanya ang ilaw dahil hindi sapat ang ilaw ng buwan na nang gagaling sa nag gagaling sa maliit na butas.






Duon ko lamang nakita ang kabuohan nito. Nakakulong siya sa napakalaking kulay gintong hawla. Nang makita niya ako'y kaagad nanlisik ang kanyang mga mata na tila sabik na sabik at takam na takam. Ang pulang mga mata'y galit na galit. Sobrang putla din ng balat nito na parang hindi naaarawan kailan man.






"M-miss ayos ka lang ba?" Tanong ko rito. Pautal utal pa ako dahil magpasa hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. Tila naalala ko muli ang nangyare sakin noon. Hanggang ngayon ba'y nangongolekta parin ng babae si David? Hindi ko alam. Sumakit na ang ulo ko sa kakaisip na paano kung isa nga lang pala ako sa mga koleksiyon niya.






"Ikaw ba ang bagong babae ng Demon Mafia?" Tanong nito sakin. Napanganga ako. Napaurong ang dila ko at hindi makakilos sa binitawan niyang salita.






"Pwes kung ikaw makinig ka! Magiging kauri kadin namin! Gagawin din niya ito sayo. Wag kang magpakasaya kung inaakala mong magiging maginhawa ang buhay mo sa lalaking yun. Dahil kulang pa ang salitang demonyo sa isang David Lionhart. Hindi mo alam ang sikreto niya. Kaya kung ako sayo mag isip kana hangga't maaga pa." Nagulat ako ng nagwala ito at halos sunggaban ako. Mabuti na lamang at naka kadena parin ito at napaatras ako.






Tumawa siya bigla na parang nasasayahan. Hindi ko na siya maintindihan.






Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Wala siyang pina lagpas at tila sinusuri ako. Umaamoy amoy pa ito sa ere na hindi ko maintindihan. Tumalikod na ako at akmang aalis na ng magsalita siya.






"He already marked you. You will never escape from this, from him." Sabi nito sa malamig na boses. Lumingon muli ako sakanya. Hindi ko alam ang sinasabi niya.






"He never do that thing. Pero bakit sayo? Anong meron sayo?" Sabi nito at nakangisi.






"Hindi kita maintindihan. Anong sinasabi mo?"






Tumawa muli ito na parang nasisiraan na ng bait. Nang bigla na lamang...






"What are you doing here?" Halos mamatay na ako sa takot at kaba ng marinig ko ang baritono at napakalalim na boses na yon.






Lumingon ako at kitang kita kong nag tatagis na ang panga nito sa labis na galit. Ang mga mata'y mas lalong tumingkad sa pagkapula. Rinig ko ang pag hinga niya ng sobrang lalim at alam kong anumang oras ay sasabog na to sa galit.






"D-David."






"I said what are you doing here?! You want me to kill you huh?!" Malamig at galit na galit na sigaw nito sakin.






Itutuloy...

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now