Kabanata 7.

21.5K 755 56
                                    

⚠ SPG SCENE!

Nang mawala siya saking paningin ay inalalayan akong tumayo ni Kenya siya ang naging ka lapit ko rito. Ngunit ako lamang ang bukod tanging babae ang binihag ng Mafia Lord. Ang sabi sakin ni Kenya mahigpit raw na ipinagbabawal bumaba ng basement dito sa mansion dahil nakakulong daw duon sa isang babasaging kahon ang mga babaeng koleksyon ni David.


Maswerte nga daw ako dahil nakakagala pa ako dito sa mansion. Inisip ko na ayos narin ito kesa naman ikulong niya ako muli sa malaking hawla.



"Ehem. Magsipag trabaho na kayo." Basag ni Madam Hilga. Madam ang itinatawag nalang namin rito dahil yun ang utos niya. Babalik na sana ako sa paglilinis ng tawagin niya ako.



"Natalie itigil mo yan." Sabi niya sakin. Napalingon ako sakanya.


"H-ho?" Utal utal ko pang sabi.




"Sabi ko itigil mo yan. Ano bang trabaho mo rito? Hindi ba't ang Lord ang kailangan mong trabahuin?" Napalunok ako sa kanyang binitawang salita. Ang buong akala ko'y mas magiging ayos na ang lahat dahil kapag naging isang kasambahay ako dito sa mansion ay maliit na pursyente lamang ang pagkakataong mag krus ang aming landas dahil gagawin ko ang lahat maiwasan lamang ito.



"Oh ano pang tinatayo tayo mo diyan? Umakyat kana sa taas. Dumiretso ka sa silid ng Lord yung kulay itim na malaking pintuan. Hinihintay kana niya. Wag mong pag antayin ng matagal alam mo naman kung paano siya magalit." Sabi nito at kinuha sakin ang gamit kong panlinis.



Nanghihina nanaman ang aking tuhod ng tahakin ko ang daan pataas at hanapin ang itim na malaking pintuan. Halos mabingi narin ako sa lakas ng pag tibog ng puso ko. Sa loob ng apat na taon ay ngayon nalang muli kami maghaharap. Muli'y kailangan ko nanamang tibayan ang aking loob at makipagsapalaran.



Sa sobrang pagka nerbyos ko'y natunton ko na pala ang sinasabi ni Madam. Huminga na ako ng malalim. Kailangan kong kayanin ito. Kakatok na sana ako ng bumukas bigla ang pinto. Para bang alam na alam ang presensiya ko. Kaagad na akong pumasok ang nilibot pa ng aking paningin ang malaking parisukat ng bawat kanto ng silid. Mga pulang kandila ang nakatirik at ang ilan ay namatay ng biglang humangin.




"Come here." Nagulantang ako ng marinig ko ang boses na yon. Ang baritonong boses na malalim at malamig. Walang kabuhay buhay at walang anumang emosyon.




Nahagip siya ng aking pangin na nakaupo sa parang tronong upuan malapit ito sa fire place at duo'y mas masisilayan ang kanyang mukha. Napalunok ako, naka itim siyang long sleeve at naka bukas ang dalawang botones nito. Tayo tayo pa ang buhok na waring katatapos lang maligo.




Ganon parin ito. Walang pinag bago hawak hawak ang isang stick ng sigarilyo at mukhang lasing dahil may isang bote ng alak sa gilid niya na paubos na.




Lumapit na ako sakanya, nakayuko lamang ako dahil naiilang ako sa mga titig niya sakin. Ang mga pulang mata na yon ay may epekto talaga na parang naaakit ako kung tititigan ko.




"Look at me." Sabi nito. Wala akong magawa kundi tumingin sa mga mata niya na nag aalab na. Hindi ko alam kung bakit. Mukhang galit, hayok o sabik ang mga ito. Napangisi siya muli. Isang ngisi ng demonyo na nakakatakot.




"Nothing's changed." Sabi nito. Siguro'y sinuri niya ako dahil apat na taon siyang nawala.




"Parang awa mo na. Palayain mo na ako." Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para sabihin yon. Ang ngisi sakanyang mukha'y natakpan muli ng pagkaseryoso.




The Shade Of A CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon