Kabanata 9.

18.4K 627 22
                                    


Natalie:

Nang mawala sa paningin ko ang sasakyan ni David ay dali dali na akong tumakbo papunta samin. Walang pinag bago ang Richmond. Bagong mga mukha lamang ngunit ganoon parin ang bayan. Wala na akong sinayang na panahon. Sabik na sabik akong makita ang Inay at pati narin ang kapatid ko. Apat na taon, apat na taon ang tagal ng mawalay ako sakanila at labis labis ang aking pangu-ngulila.







Wala ng katok katok. Ng matunton ko ang aming kubo ay kaagad ko itong binuksan.







"Inay!" Hanap ko agad saking Ina. Bumungad sakin ang babaeng nakahinga sa papag. Payat na payat ito at halos hindi ko na makilala dahil sa pag bagsak ng katawan. Nakatingin lamang ito sakin at ini-angat ang kamay na tila inaabot ako.







Papalapit na sana ako ng biglang may lumabas mula sa kusina.







"Inay ito na ho ang sopas pasensiya na natagalan ako sa paglulut-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin. Ang hawak hawak na isang mangkok ng sopas ay kaagad niyang nabitawan at tumapon lahat sa sahig. Ang mga luha sa mata'y unti-unting nag labasan na para bang hindi inilabas ilang taon na ang nakakalipas.







"Ju-julian?" Nanghihina ako saking nasaksihan. Ang kapatid ko. Ang kapatid ko na sa murang edad ay siyang nag aalaga na saming Ina na tiyak na may karamdaman. Ang laki na niya, tansiya ko'y nasa siyam na taong gulang na ito. Si Julian, ang Julian kong iyakin noon na ngayo'y magbibinata na.







"A-ate!" Kaagad niya akong sinalubong ng yakap. Kay payat nito. Halatang sa murang edad ay siya ang nag tataguyod para lamang sa mga gamutan ng Ina. Kaagad ko siyang niyakap. Yakap na mahigpit na parang wala ng bukas.







"Ate bakit ngayon ka lang?" Luhaang tanong nito sakin ngunit hindi ko kaagad magawang sagutin dahil nakuha ng aking Ina ang atensiyon ko. Nanghihina ang mga tuhod kong lumakad patungo sa papag kung saan siya nakahiga.







"Oh Ina, anong nangyare Inay?" iyak ako ng iyak. Hindi ko lubos matanggap na saking matagalang panahong nawala ay ganito ang sasapitin ng Inay.







"A-anak, nagb-balik ka." Hirap ito sa pagsasalita.







"Ate, na stroke si Inay sa sobrang pagtatrabaho sa pabrika." Bungad sakin ni Julian.








"Naubos na rin ang ipon ni Ina para sana ipang tubos sayo sa mga kamay ng walang pusong Liohart na yan." Bakas ang galit sa mga mata ng batang si Julian. Sumagi saking isipan si David. Bago niya ako ihatid ay inabot niya sakin ang isang sobreng punong puno ng salapi. Isang makapal na sobre. Kabayaran daw ito ng paninilbihan ko sakanya.







Walang panahon para magsisihan ngayon. Kailangan magamot ni Inay sa lalong madaling panahon para maagapan ito.







Lumapit ako kay Julian na nagpupunas pa ng mga luha sa mata. "Simula ngayon hinding hindi na kayo pababayaan ng ate Julian. Wag ka ng umiyak ipapagamot natin ngayon din ang Inay." Sabi ko at inilabas ko ang sobre. Kitang kita ang pagkagulat sa kanyang mga mata.







"A-ate? San ka nakakuha ng ganyang kalaking halaga?" Tanong nito sakin.







"Hindi na mahalaga yun Julian." Sabi ko. Tumango naman ito tsaka nagsalita muli.







"Ah Ate? Ikaw ba ang nagpapadala ng pera samin buwan buwan? Mahigpit kasing pinagbilin noon ng Ina na wag na wag akong tatanggap ng pera kahit anong mangyare kaya-" Naputol ang sasabihin nito.







"Kaya ano Julian?" Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. Tsaka seryosong tumingin sakanya.







"Kaya eto hirap na hirap kami Ate at nagkasakit pa ang Ina dahil narin sa pride niya. Pakiramdam niya kasi na hindi talaga galing sayo ang pera at galing ito sa walang pusong si Mr. Lionhart na yun kaya hindi namin tinatanggap." Sabi nito. Anong sinasabi niya? Buwan buwan binalak ni David na sustentuhan ang pamilya ko? Bakit?







"Ayaw tanggapin ng Ina dahil nagsisikap siyang makaipon para matubos ka Ate at ni singkong kusing pina alalahanan na niya ako na wag na wag tatanggap ng pera." Sabi nito. Naging malinaw sakin ang pangyayare. Naging mataas ang pride ng aking Ina dahil sa kagagawan ni David. Dahil sa pag dakip sakin nito pero ang hindi ko maintindihan kung bakit? Bakit niya sinusustentuhan ang pamilya ko?







"Julian tsaka na natin yan intindihin. Kailangan natin madala ngayon ang Ina sa bayan ng Lourdes." Sabi ko.







"Ibig mong sabihin ipapagamot natin ang Ina sa hospital ng mga mayayaman Ate?" Tanong nito. Tumango naman ako sakanya at bumakas ang pag aalinlangan sa kanyang mga mata.







"Ako na ang bahala sa gastusin Julian. Wag kang mag alala kaya ni Ate to Julian okay?" Seryosong sabi ko sakanya. Ngumiti naman ito sakin bago tuluyang inayos na ang mga gamit na dadalhin namin. Ako nama'y inayos na ang Inay at binihisan ito. Pumara narin agad ako ng sasakyan upang idaan kami sa bayan ng Lourdes. Balak kong ipagamot ang Ina sa mamahaling hospital na alam kong may katiyakan ang kanyang kalusugan.







Nakarating narin kami at laking gulat ko na may nagpareserved na pala para samin. Binayaran narin lahat-lahat ng bills pati narin ang kwarto ng Ina. Inako ko lamang ito saking isipan at hindi ko na muna inalam dahil ang mas kailangan kong tutukan ngayon ay si Inay.







Ika dalawang araw na ng Ina rito. Gumagaan naman na ang lagay nito at kahit papano'y kumakain na. May nagpadala nanaman kasi kaninang umaga ng mga prutas at kung ano-anong pagkain. Tumahimik na lamang ako pero malaki ang hinala ko kung may alam ba si David dito.






Naglalakad ako papuntang pharmacy para bilhin lahat lahat ng gamot na nireseta ng doctor kay Inay. Nagulat nanaman ako ng bayad na pala lahat lahat ng bills at wala na daw akong dapat pang intindihin dahil binayaran na daw ito hanggang sa makalabas na si Inay. Nagtaka ako kung sino nga ba ang nasa likod ng lahat ng ito.







______

Kinagabihan tulog na si Julian pati ang Ina. Kalalabas lamang ng doctor at nurse para icheck ang lagay at i monitor narin si Ina. Kasalukuyan na akong nag aayos ng ipanlalatad na kumot sa sofa ng biglang bumukas ang pinto ng hospital. Ika limang araw na namin ngayon dito at talaga namang bumubuti na ang lagay ng Ina.







Tapos na ang oras ng pagdalaw kaya itinabi ko na muna ang kumot at kunot noong naglakad papunta sa pinto.







"Tapos na po ang oras ng pagd-" Natigilan ako. Sino nga bang dadalaw eh tatlo lang naman kami. Wala kaming kamag anak sa Richmond. At mas lalo akong nagulat ng makita ang lalaking papalapit sakin.







Nakapamulsa ito. Nakasuot na itim na tuxe. Nakataas ang buhok na ayos na ayos at mukhang bagong paligo.







Hindi nakatakas sakin ang mapupulang mga mata nito.







"D-David." Mahinang banggit ko sa pangalan nito.







Itutuloy.....



Hi guys please vote and comment for the next update thanks.

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now