Kabanata 13.

18.2K 562 13
                                    

Tahimik lamang si David sa pagmamaneho. Paluwas na kami ng probinsiya at napag desisyunan kong maagang umuwi bukas dahil kelangan kong dalawin ang Inay.







Hanggang sa makarating kami ng mansion ay tahimik lang ito. Nag lakad na siya ng akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse para lumabas pero naunahan niya agad ako. Hindi nalang ako umimik ng pag buksan niya ako ng pinto.







Pag baba ko'y inayos niya ang itim na coat na nakapatong saking balikat. Hindi ko naman kasi maintindihan ang klima dito na akala mo'y uulan na ng yelo sa sobrang lamig.







"Are you okay?" Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko. Nagulat ako dahil hindi ito ang David na nakilala ko. Tumango nalang ako dahil hindi ko naman din alam kung paano ko siya kakausapin.







Inakbayan na niya ako ng makapasok kami ng mansion. Nakasalubong agad namin si Madam Hilga pati narin si Kenya at ang ilan pang mga kasambahay na nagsipag yukuan. Pansin ang pagkagulat sa kanilang mga mata ngunit hindi nalang umimik at magalang na yumuko.







Ako nama'y nakaramdam ng pagkailang dahil sa hindi dapat nila ako niyuyukuan. Dapat ay kasama ko rin sila dahil isa rin akong kasambahay lamang. Ngunit sumagi sa isip ko ang sinabi ni David, oo nga pala narito nga pala ako para mag panggap bilang asawa niya.







"Maligayang pagbabalik My Lord." Sabi ni Madam Hilga. Tumango lang si David. Maging ang mga tauhan niya'y nakayuko lamang ng kami ay naglakad papasok ng mansion.







Tuloy tuloy lang kami hanggang sa makarating sa kanyang silid. Napakalaki talaga ng silid nito at ang lamig lamig. Niyakap ko ang sarili ko ng isara niya ang pinto. Narinig ko pa ang mga yabag nito bago ko maramdaman ang hangin na humahaplos saking leeg papunta sa balikat ko. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga saking batok papunta sa aking tenga.






Tinaggal niya dahan dahan ang coat na nakapatong saking balikat. Ngayon ay tumambad na dito ang balikat ko pati narin ang aking leeg dahil naka ipit ako paitaas.







"Hmmm." Rinig kong ungol niya habang inaamoy ang aking buhok pababa saking leeg. Umangat ang kanyang mga labi saking pisnge at ginawaran ako ng isang mainit na halik. Dampi lamang iyon ngunit libo libong kuryente na ata ang nagwawala saking mga ugat sa katawan. Kinabahan ako hindi dahil natatakot ako kundi nakaramdam ako ng kakaibang init ng katawan.







Ang kanyang malalaking mga kamay ay sinakop ang aking balikat at hinaplos ang mga braso ko pababa. Napapikit ako dahil kada dikit ng kanyang balat saki'y siya namang kuryente sa katawan ang aking nadarama.







Hinawi pa niya ang aking buhok na nakatali dahil sa haba nito at mas lalo akong nag init ng halikan niya ang batok ko paakyat saking tenga. Naramdaman ko ang pag gapang ng kanyang dila saking balat at hinihingal na ako ng malalim.







Nang makarating siya saking tenga'y hinalikan niya ito at naramdaman ko ang init ng kanyang bibig at naramdaman ko din ang pag gapang muli ng kanyang dila.







"Ahhh!" Hindi ko napigilan, nagpakawala ako ng ungol dahil sa ginawa niya. Narinig ko naman ang pag tawa nito ng mahina. Namula ako lalo sa hiya. Baka naman kasi isipin niyang ganon ganon lang ako kadaling makuha.







Tumigil na siya at inayos ang aking damit. Humarap din ito sakin at pinakatitigan ako. Bigla namang nag ingay ang tiyan ko. Oo nga pala halos wala akong kain kanina pa. Napangisi naman ito dahil sa narinig at kinuha ang kanyang bell para tawagin ang isa sa mga kasambahay.






________

Katatapos ko lang kumain. Busog na busog na ako habang si David ay hindi kumain. Hindi ba siya nagugutom? Nakatingin lang kasi sakin to habang kumakain tapos nag sindi siya ng sigarilyo at nanood muli sakin hanggang sa matapos na akong kumain. Hindi na kami lumabas ng kanyang silid. Nagpahatid lang siya ng pagkain na pinaluto pa niya sa kanyang private chef. Sobrang sarap din ng pagkain kaya't halos maubos ko na.







Seryoso lamang siyang nakatingin sakin. Ako naman ay umiinom nalang kunyare ng tubig kahit pa busog na busog na ako. Sino ba namang hindi mapapainom kung isang David Lionhart ang nasa harapan mo at titig na titig lamang sayo.







Napansin ata niya ang pag ilag ko ng kanyang mga titig kaya't tumayo na ito at humarap sa kanyang malaking bintana. Nag salin ng red wine at nilagok lamang ito saba'y sindi muli ng sigarilyo. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun. Ayoko naman kasing mag titigan nalang kami dito buong mag damag. Hindi ko kaya para akong malulusaw.







"Sleep with me tonight Natalie." Sabi niya na parang inuutusan ako. Wala naman akong magawa dahil trabaho ko to at isa pa'y malaki dapat ang utang na loob ko sakanya dahil hindi niya pinabayaan ang pamilya ko at ang gamutan ni Inay.







___________

Walang naganap saming dalawa. Pinauna lamang niya akong matulog habang nakasandal lang siya sa bintana at nakatitig sakin ng gabing yon. Hindi ko na rin namalayang nakatulog na pala ako at ngayong umaga'y maaga akong gumising dahil pupuntahan ko pa ang Inay sa hospital.







Ilang oras din ang biniyahe ko. Tulad noon piniringan ako ni David. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa niyang gawin yon baka kasi ayaw niyang isapubliko kung saan siya naninirahan.







"I'll fetch you later." Sabi niya lang sakin ng ako'y makababa at pinaharurot na ang sasakyan.



______

Pumasok na ako sa loob at sinalubong ako ng Inay na may malaking ngiti sa mga labi.





"Anak! Nako mabuti nalang at dumating kana. Eto pala si Attorney Taller." Pagpapakilala sakin ng Ina sa isang magandang babae.







"Hi I'm Carisa Mendez Taller your Attorney. I'm here to give you this." Sabay abot sakin ng ilang mga papeles.







"B-bahay at lupa?" Mahinang sambit ko. Napakunot noo naman ang ina.







"Anak, hindi mo naman sinabi sakin na nakapundar kana pala para sa bahay natin. Nako maraming salamat talaga anak." Sabi ng Inay na hindi na naka swero dahil mukhang magaling na ito.







Lumabas na kami ng hospital at nagtungo sa bahay at lupa na sinasabing saamin na ngayon. Inihatid kami ni Mam Carisa at nagulat ako sa bahay na bumungad samin.







Isa Villa ito. Isang napakagandang Private Villa. Namangha din ang Ina sa labis na laki ng bahay. Maging si Julian ay hindi makapaniwala. Kaagad namang nag paalam si mam carisa dahil may appointment ma raw ito. Laking pasasalamat ko naman ng tumunog ang phone ko.







Tinignan ko agad ito. Unregistered nunber.




"I hope you like it."




Kilala ko na kung sino to. Walang iba kundi si David Lionhart.







Gabi na ng maglipit kami ng kinainan. Tinignan ko ang orasan ko dahil alam kong susunduin ako ni David. 7pm na ng gabi ng mag beep muli ang phone ko.







"Let's go." Text nito. Napangiti ako sa hindi ko alam na kadahilanan. Hindi alam ni Inay at ni Julian ang buong pangyayare pero sana balang araw ay maintindihan din nila.




Itutuloy.....




Hi guys please vote and comment for the next update thanks!

The Shade Of A Curseजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें