Kabanata 10.

19.2K 657 33
                                    


Napaatras ako habang pa abante naman siya. Hindi parin ako makapaniwala na siya nga ang nasa harapan ko. Seryoso lang itong nakatingin sakin ngunit may pinag bago. Alam kong may nag bago dahil ang madilim nitong aura ay tila maaliwalas ngayon. Kalma lamang at hindi nagwawala ang David na nasa harapan ko ngayon.







"L-lord." Nahimasmasan ako tsaka ako yumuko. Alam kong kahit wala na ako sa puder nito ay kailangan ko parin itong galangin dahil siya ang may ari ng Richmond na isa lamang sa kanyang mga lupain.







Nagulat ako ng sunod sunod na ang mga yapak nito papunta sakin at ng mag angat ako ng tingin ay hinila niya ang aking kamay tsaka ako mariin na sinalubong ng yakap. Ang isang kamay namay nakaalalay mismo saking bewang.







Hindi ako makahinga sa tensyon na nararamdaman ko. Anong nangyayare sakanya? Bakit siya ganto ngayon? Hindi ko na talaga siya maintindihan. "You woman why you doing this to me? What's with these feelings? I can't understand. You're driving me crazy." Nanigas ang aking katawan sa mga salitang binitawan niya. Ang puso ko'y hindi ko maintindihan sa pagkaripas ng tibok. Sobrang bilis nito at ngayon pati ang hininga ko'y kakapusin pa ata.







Umurong ang dila ko habang nakayakap lang siya. Rinig at dama ko ang pagtibok ng kanyang puso. Malakas at mabilis katulad ng akin. Pinagpapawisan ako ng malapot at malamig kahit pa naka todo na ang air-con rito sa silid kung saan naka confined si Inay. Mabuti na lamang at tulog na tulog ang dalawa kundi tiyak na aatakihin ang Inay kapag nasaksihan niya ang nangyayare ngayon.







Pero ano bang nangyayare sakin? Ni hindi ko man lang siya mapigilan dahil sa madaling salita'y hindi ko talaga siya pinigilan gawin sakin ngayon ang ginagawa niya.







"Talk to me where's your tongue? Tsk idiot." Hindi nagbago ang harsh niya sa pagsasalita. Naroon parin ito na tila taglay na talaga ng lalaking ito. Ewan ko? Marunong ba manligaw ang isang to? Dahil sa pananalita pa lang ay alam mong hindi mo ito sasagutin. Pero may iba talaga, imbis na mabwiset ako ay napangiti ako na hindi ko mawari. Ganto ba talaga kapag nakakamiss ang isang Lionhart? I found it cute dahil halata ang pagpipigil niya ng galit.







Bumitaw siya ng pagkakayakap at tumingin sakin. Nakakunot noo nanaman ito na palagi naman niyang ginagawa. Likas na talaga sa lalaking to na hindi mo makikitaan ng sweetness. It's not his thing. Ganito talaga siya.







"I said talk." Utos niya sakin na hinihintay ang sasabihin ko. Ano bang sasabihin ko? Mag iisang linggo ng ako'y pinakawalan nito tapos ano pang gusto niyang marinig sakin.







"Uh eh Lord anong ginagawa niyo dito?"







Halata nanaman ang irita sa kanyang mukha kaya hinila ko siya papalabas ng kwarto dahil mahirap na at baka biglang magwala ito o sumigaw. Pero hindi naman siguro niya gagawin dahil pansin kong pinakakalma niya ang sarili na hindi naman niya ginagawa noon.







Nang kami'y makalabas ay duon naman ako natameme. Parang naputol nalang dila ko pag labas namin ng silid at nahimasmasan na si David Lionhart na nga pala ang nasa harapan ko. Isang Mafia Lord. Isang makapangyarihan sa lahat at walang kinatatakutan. Ang lalim lang ng pagiisip ko ng lumapit pa siya sakin na nakasimangot at hinihintay ang sasabihin ko. Halos tingalain ko narin ito dahil sa labis na katangkaran.







"A-ano pong ginagawa niyo rito?" Tanong ko ng sawakas ay magkaron ng lakas ng loob.







"You will work for me. Your job is not yet done Natalie at sasama ka sakin sa ayaw o sa gusto mo kung ayaw mong magwala pa ako rito. You know me. You know what I can do." Direktang sabi nito. Napatulala lang ako na nalatitig sa mapuputi niyang pantay na pantay na mga ipin. Pataas sa mapupulang mga mata niya papunta sa matangos na ilong niya. Napanganga lang talaga ako ng mga oras na yon kaya't hindi ako nakasagot. Ang gwapo niya. Halos hindi na ako makasagot dahil sa kagwapuhan niya.







Nang mapansin ng mga tao at mga nurses at doctors na si Mr. Lionhart ang kausap ko ay nagsiyukuan ang mga ito. Walang gustong makialam sa pinag uusapan naming dalawa. Naasiwa tuloy ako dahil pati sakin ay nakayuko na sila. Isa lang naman akong ordinaryong babae.







"Let's go." Sabi niya sakin. Pero naalala ko ang Inay pati ang kapatid ko. Paano naman sila? Napatigil ako habang nakahawak lang siya sa kamay ko at hila hila ako.







"I can't. Hindi ko pwedeng iwanan sa gantong lagay ang Ina at ang kapa-"







"Talk to them tomorrow. Sasama ka sakin ngayon." Sabi niya. Hindi ko alam pero nagpadala naman ako sa marahang pag hila niya sakin. Naglalakad lamang kami habang nakayuko ang lahat ng tao. Sa paglabas ng hospital ay nakaabang agad ang apat na tauhan nito at apat din ang mga sasakyan. Isa na roon ang nasa pinaka unahan ang itim niyang Ferrari.







Pumasok na ako sa loob ng pagbuksan niya ako ng pinto. Nang siya'y makapasok ay kaagad niya akong siniil ng halik. Halik na sabik na sabik at uhaw na uhaw. Hindi siya ganito at ngayon lamang. Hindi ko maiwasang hindi mapaungol dahil sa sarap na taglay non. Mainit ang kanyang labi na malambot. Ang dila niya na masarap sa pakiramdam dahil sa init rin na taglay nito. Pinisil niya ang magkabilaang dibdib ko na mas lalong nagpalakas ng ungol ko. Mabuti na lamang at naka double tinted ang sasakyan nito kaya walang makakakita.







Tumigil na ito at tumingin sakin.







"Your job is to be my Woman. You're all mine now Natalie. I'm the only one who could have all of these." Sabay haplos niya sa mga labi ko pababa saking dibdib at pababa saking pagkababae. Namula ako sa kanyang ginawa at mabuti na lamang at humawak na siya sa manibela matapos niyang ikabit ang seatbelt ko.







Nakangiti ito. Sa unang pagkakataon ibang ngiti nanaman ang kanyang binitawan sakin. May pagmamahal, may tuwa may pag asa sa kanyang mga matang puno ng liwanag.







Masaya siyang nagmaneho habang nakabuntot naman saming likod ang mga tauhan niya.







"Oh I forgot to tell you. Bumili ako ng bahay at lupa duon na titira ang pamilya mo." Sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko sa binitawan niyang salita.








Itutuloy.....







Hi guys please vote and comment for the next update thanks!

The Shade Of A CurseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang