Kabanata 8.

20.3K 663 29
                                    


Masakit yung katawan ko ng magising ako. Maggagabi na pala. Minabuti ko ng tumayo habang tulog parin si David. Nakayakap pa siya sakin kaya dinahandahan ko ang pag alis ng kanyang kamay. Ang sakit sakit ng pang ibaba ko. Para bang namamaga at nahihirapan akong maglakad. Biruin mo 5'6 lang ang tangkad ko at siya nama'y 6'4 malaking tao siya para sakin at malaki talaga ang sakanya.





Napaupo muna ako saglit at napatulala.
Tama ba tong ginagawa ko? Tama bang magpagamit ng magpagamit sakanya? Naramdaman kong namamasa na pala ang aking mga mata at napahikbi ako ng tahimik. Ayoko siyang magising dahil baka magalit siya. Isang napakababang uri na tuloy ang tingin ko saking sarili. Wala akong pinag kaiba sa mga babae niya na pampalipas oras lang niya.





Pinunasan ko na ang mga luha ko at isa isang dinampot ang kapiraso ng aking damit. Iika ika pa akong pumunta sa kanyang banyo at napaupo saglit sa bowl. May mga dugo paring lumalabas sa pagkababae ko. Labis ang sakit dahil sa pagkakapunit. Napayuko muna ako ng maramdaman ko ang kamay na humahaplos saking buhok. Napaigtad ako sa gulat dahil hindi pa ako nakakapag suot ng damit.






"L-lord." Uutal utal ko pang sabi. Nakangiti siya sakin. Sa unang pagkakataon ay ibang ngiti ang nasa mukha niya. Umaliwalas ang kanyang mukha na parang hindi si David Lionhart ang nasa harapan ko. Kaagad kong tinakpan ang kaya kong takpan. Sobrang hiyang hiya ako. Napaka baba ko lamang sa kanyang paningin at alam ko yon.






"Pa-patawad po gumamit pa ako ng banyo niyo. Lilinisin ko nalang-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng lumuhod siya saking harapan. Likas na talaga sakanya ang kakaibang kulay pulang mga mata at aminado akong napaka kakaiba at ganda ng mga ito.







"Don't be sorry." Sabi nito na may ngiti.







"Papakawalan niyo na ba ako?" Tanong ko dahil nakangiti ito.






Ngunit nag iba ang kanyang tingin ng sabihin ko yon.






"No. You can't satisfy me because I always craving for you. Your taste is my addiction." Napanganga ako sa sinabi nito. Mukhang papatayin nalang niya ako kapag nagsawa na siya kakagamit sakin. Napayuko nalang ako at napangiti ng mapakla. Naramdaman ko naman ang kanyang pag alis kaya't nagmadali na akong mag bihis at nilinis muna ang banyo bago lumabas.






Nagulat pa ako ng makita ko siyang nakasandal sa labas ng kanyang banyo at hinintay ako. Hindi ko na magawang tumingin sakanya dahil nakikita ko nanaman ang pananabik sa kanyang mga mata. Lalaspagin niya ako hanggang sa mag sawa ito at tuluyang wakasan ang aking buhay. Iyan ang nakatatak saking isipan na kahit kailan ay hindi na mawawaglit.






Katulad na lamang ng binanggit sakin ni Kenya. Ilang babae na raw ang nag daan sa buhay ni David at walang awa niya itong pinatay pagkatapos niyang pag sawaan. Kung kaya't patuloy siyang nangongolekta ng mga kababaihan sa Richmond.






"Lalabas na po ako." Sabi ko. Tumalikod na sana ako para umalis ng bigla niyang hilahin ang braso ko at nagulat ako sa biglaang pagyakap niya sakin. Rinig na rinig ko ang pag tambol ng kanyang puso. Malakas ito at sobrang bilis. Hindi ko alam kung normal yun dahil ang bilis talaga ng pag tibok nito. Napahinga siya ng malalim, malalim na malalim. Kaya't pati ang puso ko ay tila nakikipag karerahan na sa pag tibok.







"Natalie what have you done to me? You made me crazy and craving for you more." Hindi ako makapag salita sa sinabi niya. May sakit ba siya? Bakit tila nag iiba ang ugali nito. Idinikit niya ang ulo saking leeg at mahigpit akong niyakap. Para ba kaming kinakapos sa pag hinga sa yakap palang. Nanghina na ang mga tuhod ko at nakaalalay naman siya sakin.







"A-ano pong ginagawa niyo? Hindi ko maintindihan." Sabi ko rito. Umayos siya ng tayo na parang nahimasmasan. Binitawan niya ako at inilagay ang mga kamay sa kanyang bulsa.







"Nothing. Mag bihis ka pupunta tayo sa pamilya mo." Sabi nito at tumalikod sakin. Nanlaki ang mga mata ko. Talaga? Totoo ba ang nadinig ko?







"Don't stay still. If you don't want to change my mind." Naalarma ako at kaagad na lumabas. Tinahak ko agad ang pinto ng aking silid. Nagtataka pa ang ibang katulong dahil sa mga ngiti ko saking mga labi. Ang iba nama'y nakita pa akong lumabas mismo sa silid ni David. Hindi ko na muna ito inisip at prinoblema. Kaagad ay naligo ako at isinuot ang puting T-shirt at isang skinny jeans pants. Hindi pa man natutuyo ang aking buhok ay lumabas na ako.







Naabutan ko pa si Madam Hilga na nasa baba ng sala.






"Hinihintay kana ni Lord sa labas." Tumango naman ako dito at lumabas na. Nakita kong nakasandal lang si David sa itim niyang Ferrari. Naninigarilyo lamang ito. Suot suot ang puti ding T-shirt at pants. Nakataas ang kanyang buhok na parang nag lagay ng wax. Nag ahit narin siya ng beard kaya umaliwalas ang kanyang mukha at mas lalo siyang gumuwapo.







Ng makita niya ako'y itinapo na niya ang hawak na yosi. Pumasok na ito sa sasakyan at binuksan automatiko ang bintana.








"Get in." Sabi nito. Masaya naman akong pumasok sa loob. Bago kami umalis ay may ibinigay siya sakin.







"Blind fold yourself." Utos niya sakin. Marahil ay ayaw niyang makita ko ang daanan paalis ng mansion. Sinunod ko naman ito at piniringan ko ang sarili.







Kahit naiinil sa biyahe ay ayos lang. Umabot ng mahigit tatlong oras at inihinto na niya ang sasakyan. Siya na ang nag tanggal sa piring ko.







"You're free now Natalie." Nagulat ako sa binitawan niyang salita.







Free? Bakit? Hindi ko alam kung bakit ako nalungkot sa sinabi niya. Pero hindi ba't ito talaga ang gusto ko?








"From now on act like you doesn't know me." Sabi nito. Para akong tinusok ng ilang karayum sa dibdib. Pero diba dapat masaya ako dahil hindi niya ako pinatay.







"Pero." Pinutol niya ang sasabihin ko.







"No more buts. Your family is waiting for you." Sabi nito na hindi man lang ako dinapuan ng kahit anong tingin. Napangiti ako dahil sa halo halong emosyon. Bakit hindi ko kayang umalis? Pero apat na taon akong nangulila saking pamilya. Sa huli ay nakapag desisyon ako.







Bumaba na ako ng kanyang sasakyan. Hindi na ito muli pang lumingon sakin at pinaharurot na niya ang itim niyang Ferrari.







Hindi ko talaga alam saking sarili kung bakit umagos ang mga luha ko sa pag alis ni David. But he set me free, dapat ay masaya ako.







Pero bakit nalulungkot ako?



















Itutuloy....




Hi guys please vote and comment for the next update thanks!

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now