Kabanata 39.

9.7K 301 19
                                    


Lunod sa alak si David ng bigla na lamang dumating si Veronica. Nakaupo parin ito sa kanyang swivel chair. Lumakas ang hangin at ramdam ang presensiya ni Veronica.



"Mahal ko naglalasing ka nanaman." Nakangising sambit nito ng bigla na lamang nandilim ang paningin ni David. Buong buhay niya'y gusto niyang paslangin ito. Hindi niya matanggap ang kapalaran na ito ang itinadhana sakanya.



Dahil narin sa sumpa mismo ni Veronica, nagulo ang tahimik niyang buhay. Papalapit palang ang dalaga rito'y kaagad siyang sinalubong ng sakal ni David. Naubo pa si Veronica dahil sa pagkakasakal nito sakanya na ubod ng lakas.



Isa siyang oarith the half dark witch and vampire ngunit sadyang napakalakas ni David dahil isa itong demonyo.



"I'll kill you! I will kill you!" Sigaw ng sigaw si David habang nasa ere si Veronica. Halos tumirik ang mata nito dahil kokonti na lamang ay malalagutan na siya ng hininga sa pagkakasakal ni David.



"S-sige! Patayin mo ako! Pero tatandaan mo na hinding hindi ka sasaya sa iba kahit mawala pa ako!" Nakangising sambit nito. Ang mga mata ni David ay namula na ng tuluyan na may halong itim. Nagmistulang demonyo na ito at nag igting ang pangil. Ang itim na kuko'y humaba. Hindi na niya kayang pigilan. Gustong gusto na niyang patayin si Veronica na dapat ay noon pa niya ginawa.



"Patayin mo man ako hindi na mag babago ang propesiya. Si Natalie ay para sa kapatid mo!" Nabingi na si David sa labis na galit. Kilala na nito kung sino ang lalaking kumidnap mismo sa asawa niya.



Mas nanaig ang kanyang kagustuhan na burahin sa kanyang landas si Veronica. Batid niya na kahit mawala man sa landas ang mangkukulam na ito'y may iba pang paraan para makuha niya muli si Natalie. May iba pang paraan para ipilit ang hindi talaga itinadhana sakanya.



Wala na siyang sinayang na oras at buong lakas niyang dinukot mismo ang puso ni Veronica. Wala itong nagawa kundi ang sumigaw sa pighati at sakit na nararamdaman. Ang buong mansion ay yumanig sa tining ng kanyang boses at alerto ang mga henchmen sa nangyayare.




Kaagad na nagtungo ang kanyang mga henchman sa kanyang silid aklatan at tumambad sa mga ito ang isang bangkay. Isang bangkay na kulay itim at umuusok na. Isang mabahong usok na parang nasunog. Ihinagis ni David ang puso nito sa kanila at nataranta naman ito sa pag iwas sa nakakadiring bagay na yon.



"Tsk useless. Clean that mess now!" Maawtoridad na utos mismo ni David at kinuha muli ang isang bote ng alak. Bakas pa kamay nito ang sariwang dugo na pagmamay-ari mismo ni Veronica. Taranta namang sinunod ng kanyang mga tauhan ang paglilinis sa bangkay. Naupo muli si David. Tinaggal niya ang necktie na kanina pa nakakabit sa kanyang leeg.




Ibinaba ang alak at nagsindi muli ng sigarilyo. Ganon lamang ang ginagawa niya. Nagpapakalunod sa alak at nagpapakalulong sa usok ng sigarilyo. Ilan naba ang napatay niya ngayon? Ilan naba ang napatay niya dahil sa init ng kanyang ulo.




...

David:

I woke up at the middle of night. What the fuck is happening? I don't know. I fucking need my wife now. To comeback, to be with me right now.




I feel dizzy when I about to stand. Napahawak ako sa table ko. I drag the bottle of alcohol shit walang laman. Naubos ko na pala. I heard a scream that caught my attention.




Lumabas ako ng opisina ko. What the heck was that fucking noise! This is my house no one has a right to scream so loud. Nakakairita. Yes it's irritating me so much.




Sinundan ko ang boses na yon. Where was that came from? I shouted too.




"Shut the fuck up!" It's stop.




Yes it's stop for a while.





Talira:

"Pakawalan niyo ako dito! Mga walang hiya kayo! Akala ko mabait ka David Lionhart! Walanghiya ka pakawalan mo ako dito!" Galit na galit kong kinalampag ang mga rehas.





"Shut the fuck up!" Isang malakas at baritonong boses ang nagpayanig ng buong lugar nato. Napaurong ang dila ko. Ang pawis ko na walang singlamig. Nanlalamig narin pati ang aking mga kamay.





Napaatras ako ng bumukas ang malaking bintuan. Madilim sa lugar na yon at isang bumbilya lamang ang nagsisilbing ilaw.





Isang malaking lalaki at nanlilisik ang mga pulang mata ang iniluwa ng malaking pintuan. Patungo ito sa kinaroroonan ko. Nakakunot ang noo nito. Bigla namang kumislap ang singsing nato na parang pambabae dahil sa isang maliit na bato nito. Singsing na ginawa niyang pendant.





Napapikit ako sa kislap na yon. Pag mulat ko ng aking mga mata'y halos mamatay na ako sa labis na takot. Nasa harapan ko na ang nilalang na to na may kakaibang mga mata walang iba kundi si David Lionhart.





"P-Pakawalan mo ako dito!"





Hindi ito nagsasalita ng bigla niyang hagipin ang buhok ko at napadikit ako mismo sa malamig na rehas. Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isat isa dahil nakatingkayad ako samantalang nakayuko siya. Isang malamig na bagay ang dumapo saking pisnge. Isang matigas na metal ito at nanlaki ang mga mata ko ng tutukan niya ako mismo ng baril sa mukha.





"I said shut up." Malamig na boses na pagkakasabi nito. Sobrang nakakatakot at nakakakilabot. Ngunit bakas parin ang kagwapuhan niya kahit na nakakatakot siya.





Tumulo na ang mga luha ko. Kailangan ko lang naman ay proteksyon sakanya laban sa mapang abusong mga kamay ni Luhen ang Dark Mafia. Sinikap kong makuha ang address ng mansion ni Lionhart at sinikap kong makatakas sa mansion ng Dark Mafia. Takot na akong mag isa. Natatakot ako sa kahihitnan ng mga desisyon ko.





"Babae kaba ni Luhen?" Walang emosiyong tanong nito. Natatakot ako. Hindi ako maaaring magkamali dahil tiyak na ipuputok nito ang baril saking ulo. Kailangan kong magpakatatag at kailangan kong sabihin ang totoo.





"Siya ang bumili sakin." Sagot ko. Napangisi naman ito. Ngisi ng isang demonyo.





"Then what the fuck are you doing here!" Sigaw niya sakin. Padabog siyang kumalas sa pagkakahawak saking buhok at may kinuhang maliit na bagay sa kanyang bulsa. Isang phone.





Nanlaki ang mga mata ko ng magsimula itong mag dial. Alam kong tatawagan niya ang Dark Mafia.






"Wag please wag. Maawa ka. I'm begging you. Lahat gagawin ko wag mo lang ako ibigay sa lalaking yan." lumuluha kong sabi sakanya. Napahinto naman ito at kumunot ang kanyang noo. Sana'y magbago ang isip niya. Sana'y hindi niya ako ibalik kay Luhen dahil kailangan ko siya. Kailangan ko siya bilang proteksyon ko.





Itutuloy...

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now