Kabanata 34.

11K 346 16
                                    


Natalie:

Nanghina bigla ang aking mga tuhod dahil sa mga katagang binitawan ng Ina.




"Anong sinasabi niyo Nay? Kasal na kami ni David at eto oh tignan niyo ang umbok ng tiyan ko. Buntis ako Inay. Buntis ako at anak ni David ang dinadala ko." Pilit ang ngiti kong sabi dito.







"Natalie bakit mo ginawa sakin ito? Bakit ka naglihim? Hindi mo alam ang ginawa mong kasalanan. Hindi mo pa kilala ng lubos ang pagkatao ng lalaking yan kaya't makinig ka sakin anak para ito sa kaligtasan mo at ng iyong magiging anak.







Hinawakan niya ang aking magkabilang pisnge at kaagad akong umiwas dito. Napaatras na lamang ako habang si David ay tahimik lamang na nakikinig sa Ina.







"Paano niyo ako makukumbinse? Mahal ko siya. Ako ang mag dedesisyon para sa sarili ko Nay. Matanda na ako. Alam ko na ang tama at mali. Ngayon pano niyo ako makukumbinse diyan sa sinasabi niyo? Ni wala kayong katunayan." Pinagdiinan ko ang mga katagang yon sa Inay. Hinawakan naman ni David ang kamay ko para pakalmahin ako.







Bumuga ako ng mabigat at malalim na paghinga. Magulo, magulo ang sitwasiyon ng pamilya ko ngayon. Naguguluhan na ako. Puro nalang problema na wala ng katapusan.







"Kilala mo ba talaga ang pagkatao niya?" Seryosong tanong sakin ng Ina.







"Walang anumang inilihim sakin ang asawa ko. Lahat ay alam ko na." Kaagad na sagot ko.







Napahawak naman siya sa kanyang bibig at nabigla.







"Ibig bang sabihin ay alam mong nakipagtalik ka sa hindi pangkaraniwang nilalang?"







"Oo Inay. Tama kayo. Sandali, may nalalaman ba kayo sa pagkatao ni David?" Kunot noong tanong ko. Bumuga ito ng malalim na paghinga.







"Panahon na para malaman mo ang katotohanan Natalie. Hindi kita tunay na anak. Anak ka ng mga Uvliforez. Ang totoo mong pangalan ay Natalia Uvliforez. Panahon na rin para malaman mo ang tunay na pagkatao mo." Sabi nito. Napakunot noo ako. Anong ibig niyang sabihing ako ay si Natalie Uvliforez? Ano ang totoong pagkatao ko?







"Tulad ni David hindi ka rin normal na tao Natalie." Pagsisimula na nito. Nakinig lamang ako sakanya.







"Isa akong tapat na kasambahay noon ng pamilyang Uvliforez. Naninilbihan ako sainyo ilang taon na ang nakakalipas. Ang mansion niyo'y hindi pangkaraniwan at nakatirik ito sa hindi kailan man matatapakan ng mga tao. Isa akong puting mangkukulam. At ikaw ay nag iisang anak at tagapagmana ng lahing bampira sa angkan ng mga Uvliforez. Dahil sa karangyaan ng pamilya mo maraming nainggit na mga masasamang bampira na kabilang rin sa mga sindikato. Sinalakay noon ang mansion niyo at inihabilin ka sakin ng iyong ina na si Solidad Uvliforez upang itakas ka at palakihing parang normal na tao. Namatay ang ama mo Natalie sa pagtatanggol sa iyong Ina. Si Solidad nama'y hindi bampira kundi isang tao kung kaya't malaking kaguluhan ang nangyare noon sa angkan ng mga bampira. Nang masawi ang ama mo ay nacomatose ang iyong Ina ng tatlong taon at binawian din ito ng buhay."









"Dahil sa isa akong puting mangkukulam, matagal ko ng nakita na isang makapangyarihang nilalang ang manghihimasok sa buhay mo at papaibigin ka nito. Kapag ikaw ay napaibig na ay papaslangin ka niya dahil nakasaad na ito noon pa man sa propesiya. Matagal kana dapat wala Natalie, pinilit ko lang sa abot ng makakaya kong itago ka sa lalaking ito na nag ngangalang David Lionhart."







"Hindi. Hindi totoo yan. Paano ako magagawang patayin ng sarili kong mahal?" Hindi na halos rumihistro sa utak ko ang mga katagang sinabi ng Ina. Nagkatinginan kami ngayon ni David at humigpit lamang ang paghahawak kamay namin. Walang gustong bumitaw.







"Isang oarith ang nakikita kong nagbigay ng malubhang kaparusahan sayo." Kausap ngayon ng Ina si David. Napaisip ako sa kanyang sinabi.







"Ang sumpa ni Veronica." Nasambit ko ng magkatagpi tagpi unti unti ang mga katanungan saking isipan kung saan nga ba talaga nagmumula ang sumpa.







"Hindi niyo mababago ang tadhana. Hindi kayo ang itinadhanang magmahalan. David, ikaw ay para sayong kapareha (mate) hindi si Natalie iyon kundi isang Oarith ang siyang itinadhana sayo noon pa man." Sabi ng Ina.







Napapagod na ang utak ko. Napapagod na ang sarili ko gayung marami sekretong ibinunyag hindi lamang sa pagkatao ko.







"Hindi ko mahal si Veronica." Sabi ni David.







"Hanggat itinatanggi mong tanggapin ang siyang itinakda para sayo'y hindi kailan man mapuputol ang sumpa. At ang kabayaran ng maling pagiibigan niyong dalawa'y buhay ni Natalia." Sabi ng Ina.







Ngayo'y naliwanagan ako kung saan nga ba at bakit nagkaron ng sumpa si David. Kung bakit kailan may hindi ito liligaya sa piling ng iba at kung bakit namamatay ang lahat ng mga babaeng iibig dito.







"Anak mahal kita. Napamahal kana saakin. Kaya't hanggang maaga pa'y putulin niyo na ang ugnayan niyong dalawa. Ayokong mawala ka anak. Ayokong mawala ka sakin dahil napamahal kana ng lubos."







Ngunit hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala sakin si David. Mahal ko siya at kailangan ko siyang ipaglaban.







"Mahal kita Inay. Mahal din kita Julian. Pero patawad. Kamatayan ko man ang magiging kabayaran ng lahat ng to'y hindi ko kayang iwanan ang mahal ko." Huling habilin ko saking pamilya bago namin tinahak ni David ang daan palayo.







Mahigpit lamang ang pagkakahawak niya saking kamay na tila ayaw niya akong mawala sa buhay niya.







Itutuloy...



A/N: Oarith is a fictional word. Term lang to para sa isang black witch and vampire.







The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now