Kabanata 38.

9.5K 293 6
                                    


Lionhart's Mansion

"My lord.."





"Don't talk." Malamig na pagkakasabi ni David. Isang tauhan nanaman niya ito na nasa harapan niya. Pinaghahanap na kung nasaan ang kanyang asawa na si Natalie ngunit walang balita.







"Patawad My Lord ngunit hindi parin namin nakikita-"







"I said don't talk you bastard!" Sumabog ang mainiting ulo na si David at pinaulanan ng bala ang isa sa kanyang henchman. Tao lamang ang mga ito kaya't bumuglagta ito sa sahig kasabay ng umaagos na dugo. Galit na galit si David at nagiigting ang kanyang pangil. Halos mawasak na niya ang hawak hawak na baril sa tindi ng pagkakahawak nito.







Ang ibang mga henchman ay nangangatog na ngayon sa takot. Ngayon nalang muli nila nakita ang kanilang panginoon na nasa ganoong paguugali. Brutal na pumatay.







"Find her or I'll kill you one by one." Malamig na pagkakasabi nito tsaka kinasa ang baril. Naihi na ang isa sa kanyang mga henchman. Ang isa nama'y nahimatay sa pagiibang anyo muli ni David. Ang mga mata nito'y kasing pula ng dugo at may halo ng itim kung saa'y nagiging isang demonyo nanaman ito.







Biglang may kumatok sa ganoong eksena. Nanlisik ang mga mata ni David at pinaputukan na mismo ang door knob. Kasabay non ang pagpasok ng isang babaeng nangangatog ang buong katawan. Dalagita at sariwa. Naliligaw ba ang isang binibining ito?







"Who sent you here!" Galit na sabi ni David.







"Are you David Lionhart?" Buong tapang na tanong ng isang dalagita.







"Who are you!" Galit na tanong ni David.







"Ako si Talira. Please help me. Someone's following me. The Dark Mafia." Nangangatog na sabi ng dalaga. Napakunot noo si David. Ito ba ang babaeng pinag aagawan noon sa bidding?







"I don't have time for you." Bastos na pagkakasabi ni David tsaka inutusang ikulong ang dalagita. Ang matandang babae na dala ang mga alagang aso nito'y nagalak ng sawakas ay may babae muling binihag si ang kanilang panginoon. Simula kasi ng dumating sa buhay nito si Natalie ay pinalaya niya ang lahat ng babaeng nasa koleksyon nito.







"Bitawan niyo ako! Kailangan ko lang ng proteksyon! Kailangan ko ng tulong mo!" Sigaw nito kay David ngunit bingi na ito at ang tanging nasa isipa'y si Natalie. Nasaan ang asawa niya? Bakit hindi niya maramdaman ang presensiya nito?







Natalie:


"Lumayo ka sakin!"







Paatras ako habang siya'y paabante. Papaanong naging isang Demon Hunter ang lalaking to na isa palang demonyo.







"Lumayo ka sakin!" Sigaw ko. Humaba ang aking mga kuko't nanlilisik na ang mga mata ko. Hindi ko alam ang binabalak niya. Parehong pareho sila ni David ng mga mata ngunit ang pagkakaiba'y kaya niyang kontrolin ang sarili. Kaya niyang maging demonyo at kontrolin ang kapangyarihang ito.







David I need you. Bulong ko saking isipan. Napahinto ang lalaki at seryoso lamang itong nakatingin sakin.







Hindi ito nagbitaw ng anumang salita at bigla na lamang akong tinalikuran. Hindi ko alam kung ano bang binabalak niya. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isipan nito.







Nakahinga ako ng maluwag ng siya'y lumabas ng silid. Isa siyang tao. Isa siyang tao na nagbabalat-kayo lamang dahil ang totoo'y demonyo siya.







Nililinlang ba nito ang mga nasasakupan niya? Pinapaniwala ba niyang isa siyang tao? Hindi ko alam naguguluhan na ako. Kailangan kong magpakatatag dahil kailangan ako ng asawa ko. Mas lalong kailangan ako ng anak ko.




..-..



Lionhart's Mansion



Balisa si David na nakaupo mismo sakanyang swivel chair. Isang malaking palaisipan sakanya kung sino ang kumidnap sa kanyang asawa. Nakatanggap kasi ito ng sulat. Sulat na may bahid ng dugo at marka ng isa ring Demonyo. Oo may marka ang demonyo na tulad ni David. Napapaisip siya kung sino pabang demonyo ang nabubuhay sa kasalukuyang ito bukod sakanya.







May naka lagda sa sulat na initials ng pangalan. S.R. sino ang nag mamay-ari ng sulat na to? Habang nilalagok niya ang alak ay maraming upos narin ng sigarilyo ang nagkalat sa pulang carpet ng kanyang sahig. Luglog ito sa alak. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyareng masama sakanyang mag ina.







Napabalikwas siya ng tayo ng sumagi sa isipan ang initials na S.R. napakunot noo ito. Hindi kaya't tama ang kanyang hinala? Lukso ng dugo ang siyang pinanghahawakan niya para sa pagkilala kung sino ang mesteryosong lalaki na bumihag sakanyang magina.







Sa lalim ng kanyang pagiisip ay kumatok sa pinto ang matandang babaeng alagad nito. Kaagad niyang pinapasok ito na may batid marahil na balita.







"My Lord, ano pong gagawin natin sa babae?" Nakangising tanong ng matanda.







Napakunot noo muli si David at dahil sa sobrang daming nangyare at labis na pagiisip nito sa problema'y nakalimutan niya ang binihag niyang lapastangang babae na si Talira.







"I don't know. I don't have time for this." Agarang sagot nito.







"Pano kapag nalaman ng Dark Mafia na nasaatin ang babae niya? Baka lalo kayong mapahamak kung hindi niyo ibabalik ang babae?" Saad ng matanda rito.







"Ikaw na ang mag asikaso. Wala akong pakialam sa problemang yan." Inis na sabi ni David. Yumuko naman ang matanda bilang pag respeto sa kanilang panginoon. Paglabas nito ng silid ay sumabog na si David sa galit. Pinag susuntok nito ang bintana na gawa sa bullet proof hanggang sa magdugo ang kanyang kamao at mag crack ang bintana. Nagsisigaw siya na parang nababaliw. Nangangati ang kanyang mga kamay. Gusto niyang pumatay. Gusto niyang pumatay dahil sa labis na galit.








Itutuloy....

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now