Kabanata 46.

9.5K 295 13
                                    


[Find her]

Third Person:

Hindi kakikitaan ng liwanag sa loob ng mansion ng Dark Mafia. Tanging mga dugo't sira sirang mga gamit ang masasaksihan sa loob mismo nito. Wala namang magawa ang kanyang tauhan kundi ang panoorin lamang kung paano nito wasakin at basagin ang ilang mga kasangkapan.







Tila nagsawa ang binata kaya't naupo ito sa kanyang mamahaling swivel chair at kinuha ang mamahaling plasenta ng tao, Na nakasalin sa mamahaling baso. Dugo ang kanyang iniinom na mas nagpapalakas sakanyang katawan. Hindi niya matanggap ang pagtakas ni Lady Talira.







Gumuguhit parin sakanyang isipan ang takot na takot na mukha ng dalaga. Takot na para bang sinasabing hindi siya kayang tanggapin nito. Niligtas lamang niya ang buhay nito ng tamaan ng bala at tumagos sa puso. Patay na ang katawan ni Talira ng mga oras na yon ngunit nabuhay lamang ng kagatin siya ni Luhen sa leeg upang salinan ng immortal na kapangyarihan.







"Balita?" Walang emosiyong saad ng binata sa kabilang telepono. Tumawag ang isa sakanyang kanang kamay na henchman. Si Laximus na siyang pinagkakatiwalaan nito.







"Nahanap ko na." Napangisi naman si Luhen sa nasagap na impormasiyon.







"Tinatalo mo ba ako Lionhart?" Lumabas sakanyang labi matapos patayin ang tawag.




..-..

Natalie:

"Hmmm hmmm hmmm.. La la la.." Pinag hehele ko si Talia matapos maubos ang dugong ipinainom ko sakanya. Nahihimbing naman ang tulog nito saking mga bisig. Nang tuluyan na siyang makatulog ay inilapag ko na ito sakanyang kunan.







Wala naman si David dahil may inaasikaso pa ito sa kumpanya. Sinilip ko muna ang munting prinsesa ko bago ko sinara ang pinto. Halos mapatalon ako sa gulat ng si Talira ang tumambad sakin. Bakit hindi ko napansin ito? Namumutla ito na parang may dinadaing.








"Ayos ka lang ba?" Nagulat ako bigla ng hawakan ko siya. Nakuryente ako bigla at katawan nito, ang katawan nito'y hindi pangkaraniwan ang lamig. Kaagad niya ding iniwas ang sarili at yumuko sakin bago nagmadaling umalis.







...

Third Person:

Abala si Lionhart sa pagpirma ng mga proposals. Tumambak na kasi ang mga kailangan niyang gawin dahil sa ilang linggo itong hindi pumasok. Nakakunot lang ang noo nito at tuloy lang sa pagpirma ng mag ring ang teleponong nasa tabi lamang niya. Inilapag muna niya ang ballpen pati narin ang salamin sa mesa at pinindot ito.








"Mr. Lionhart my bisita po kayo." Saad ng sekretarya nitong lalaki na nasa kabilang linya.







"Can't you see I'm busy?" Nakakunot noong sabi nito. Nautal utal naman ang kanyang sekretarya.







"S-sorry po Mr. Lionhart pero emergency daw po." Napabalikwas ng tayo si David. Naka loud speak naman ang nasa kabilang linya kaya't dinig parin niya ito.







"Kinuha niya ang phone sa bulsa ng si Natalie agad ang rumihistro sakanyang isipan. Hindi naman niya makontak ito kaya't mas lalo siyang kinabahan.







"S-Sir nandiyan pa po ba ka-" Namatay ang telepono dahil sa malakas na suntok ni David. Sinuntok niya dahil sa pagkairita at dahil sa kaba na nararamdaman. Kaagad niyang kinuha ang susi ng kotse at iniwan ang mga papeles sa mesa. Lalabas na sana to ng bumukas ang pinto at iniluwa ang isang magandang babae.








"Shannon?"







"S-Sir nagpumilit po kasi siyang pumasok. Sorry po S-"







"You're fired." Hindi na naituloy ng assistant nitong lalaki ang sasabihin ng sesantihin niya agad ito.







Lumabas na ang lalaki na bagsak ang balita. Naiwan sa loob si Shannon at si David.







"David we need to talk."







"Ano pabang pag uusapan Shannon?" Iritang sabi ni David.







Ngunit ng lumayo ito'y lumapit parin si Shannon sakanya.







"David."







"What?!" Nasigawan na siya nito.







"Pano ako makakamove on sayo? Mahal parin kita David. I need you."







Napahilamos sa mukha si David. Ayaw na niyang balikan pa ang ganitong usapan. Mahal niya ang asawa't anak at hindi niya ito ipagpapalit nino man.







"Shannon look, I love Natalie. May anak kami. We're great. We're fine. I'm completely happy."








"Naghahanap na ng ama ang bata David." Singit nito.







"Okay, ipakilala mo ako kay Sab as her father. Pero hanggang dun lang. She needs to know everything Shannon."







"Kilala mo si Sab David. Matagal na siyang mag isa. Matagal na siyang nangangailangan ng pag aaruga ng isang ama. Ngayon ipagkakait mo ba sakanya? Aaminin mo ba ang totoo sa anak mo David? Masasaktan siya."







"Mas masasaktan siya kapag nagsinungaling tayo. She's a great girl. She's smart. Maiintindihan niya- hey! Hey Shannon!" Bigla na lamang nag collapse Si Shannon.







Kaagad itong binuhat ni David para dalhin sa hospital. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang bumagsak ang pangangatawan nito.







....

"She's fine now." Sabi ng doctor na tumingin dito. Pagpasok naman ni David sa loob ay nagulat siya sa naging itsura ni Shannon.







Ang katangian ng isang bampira ay bigla na lamang nawala ng parang bula dito. Nakatulala lamang ito sa kisame ng mapansin si David.







"Eto na yung sumpa David. Tao na ako. Maaaring mamatay din ako tulad ng mga babaeng nagmahal sayo noon." Umiiyak na sabi ni Shannon. Naguguluhan si David at hindi maintindihan. Ngayon lamang niya nalamang posible ngang maging tao ang isang bampira.







At ito....







Ito na nga ang sumpa ni Veronica.











Itutuloy...

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now