Kabanata 54.

9.7K 303 26
                                    


"Bakit hindi ka muna matulog? Mahaba pa ang biyahe."

"Ayos lang ako hindi naman ako inaantok." Sabi ko kay Charlotte. Napatango naman ito. Ngunit hindi pa man kami nangangalahati sa daana'y biglang kumirot ang aking tiyan. Kaagad akong napahawak dito at pinakiramdaman ko ang pananakit.

"Natalie anong nangyayare sayo?" Hindi ko agad nasagot ito. Mas dinaing ko ang pananakit ng aking tiyan.

Sobra, sobrang sakit nito na hindi mo gugustuhing maranasan. Kaagad na itinabi ni Charlotte ang sasakyan sa tabi. Habang hawak hawak ko ang aking tiya'y kaagad siyang lumabas ng kotse ang binuksan ang pintuan sa gilid ko.

"Dinudugo ka!" Tarantang sabi nito. Halos mawalan naman ako ng malay sa sakit. Patuloy ang pag agos ng pulang likido saking binti.

"Dadalhin kita sa hospital!" Nataranta ito at kaagad na isinara ang pinto. Pag pasok sa loob ay dali dali naman niyang pinaandar ang sasakyan. Huminga ako ng malalim pinapawi saking isipan ang pupwedeng mangyare sa anak ko. Oo alam ko dahil nararamdaman ko. Buntis ako kompirmado.

"Kaya mo paba? Tiisin mo muna malapit na tayo sa hospital nasa kabilang bayan yon." Sabi nito habang nagmamadaling nagmaneho. Nakita ko naman sa side mirror ang aking mukha putlang putla na ako sa sakit at pinagpapawisan. Kung ganap na bampira lamang ako ay alam kong hindi ko ito sasapitin.

...

Nakarating kami ng hospital at hindi parin nawala ang pagdurugo ko. Napaiyak na ako sa labis na takot. Ayokong mawala ang bata. Hindi ko ito makakaya.

"Ang anak ko!" Nagwawala na ako habang hawak hawak ng mga nurse ang magkabilang braso ko. Kaagad akong hinihiga sa kamang de gulong at nilagyan ng oxygen. Nahihirapan narin akong huminga dahil sa labis na pagiyak.

...

Third Person:

Nakatayo lamang si Charlotte habang tinitignan ang papalayong si Natalie. Napakagat muli ito sakanyang kuko dahil sa labis na kaba. Hindi niya alam kung ano ang maaaring sapitin ni Natalie gayong nagdadalang tao nga ito.

Naisipan niya munang pumunta sa kanyang sasakyan dahil nalimutan niya ang kanyang gamit. Sa kanyang paglalakad ay hindi niya maiwasan ang mangamba sa babae.

Pagbukas at pagkabukas niya ng pinto'y bumungad ang maliit na bag na pag mamay-ari ni Natalie. Wala siyang sinayang na panahon at kailangan niyang makahanap ng paraan kung paano matatawagan mo masasabihan ang asawa nito.

Paghalungkat palang niya ng gamit ay may cellphone doon. Kaagad niya itong kinuha at pumwesto siya sa may likurang banda ng kanyang sasakyan. Pagbukas ng phone ay nagmadali siyang hanapin ang contact duon dahil mamamatay na ang batirya nito. Sinubukan lamang niyang buksan yon at nag bakasakali.

Pag bukas pa lamang ay kaagad na nagring ang phone ni Natalie. Nangangatog ang kamay ni Charlotte na sagutin ang tawag.

"Hello Wife where are you?" Boses ito ng isang lalaki. Baritono at malalim. Bakas ang labis na pag alala.

"Hello!"

"Hello!" Halos mabingi siya dahil sa pagsigaw nito. Dala lamang yon marahil ng pagkasabik nito sa asawa.

"S-Sir." Putol ni Charlotte.

"Who the hell are you!" Galit na tanong nito sakanya. Napalunok naman ang dalaga dahil sa lamig at kakaibang kilabot ang naramdaman nito ng magsimula ng mag iba ang tono ng pananalita ng lalaki.

"Sir kaibigan ako ng asawa niyo. Nasa hospital ho siya eh."

"Anong sabi mo!" Napapikit muli ang dalaga sa lakas ng tinig ng lalaki.

"Puntahan niyo nalang siya sa address na-" Naputol ang kabilang linya. Napakunot noo si Charlotte dahil sa pagkawala ng kanyang kausap.

Charlotte :

"Huh? Anak ng bakit ngayon pa?" Namatay ang phone na hawak ko. Napasandal ako saking manibela at kumuha ng malalim na hangin. Kailangan kong makagawa ng paraan para makontak ang asawa niya. Napalingon ako muli sa bag ni Natalie may nakausling maliit na papel roon kaya't kinuha ko.

Nabuhayan ako ng loob ng may makita akong address dito. Lionhart's Mansion.

Napatigil ako dahil kilalang kilala si Mr. Lionhart ano ang koneksiyon niya kay Natalie? Napaisip ako.

Bumaba muna ako ng sasakyan at nagtuloy sa loob ng maliit na hospital. Inalam ko kung ano ang lagay nito at nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong ayos na ito. Ngunit napawi yon dahil sinabi sakin ng doctor na nakunan si Natalie.

Nakakalungkot na balita ito para sakanya. Sinikap kong wag pangunahan ng lungkot at kinausap muna ang doctor na ilipat na ng magandang kwarto si Natalie at pakibantayan. Kailangan kong umalis para ibalita sa asawa niya ang lahat.

....

"Dammit!" Ibinalibag ni David ang hawak hawak na phone ng mamatay ang tawag sa kabilang linya. Pinaulit ulit pa nitong kontakin ang asawa at nagbabakasakaling makahanap ng impormasiyon kung nasan ito.

Sugatan si David, sugatan ito dahil nakipag basag ulo ito noong mga nakalipas na oras. Isang kilala at makapangyarihan ang kanyang pinatay. Ngunit hindi pa tuluyang naghihilom ang mga sugat nito dala narin ng pag abuso niya. Hindi na siya nakakainom ng mainit na dugo.

Unti-unti niya din napansin ang ilang pagbabago sa kanyang sarili. Ang matutulis na pangil ay nawala na lamang bigla. Ang mga matang kulay pula'y nagmistulang asul at normal. Ilan lamang yan sa mga pagbabago na nagaganap sakanya.

Kinuha nito ang sigarilyo at sinindihan. Napahawak sa kanyang sentido habang nakayuko. Nakabenda parin ang kanang kamay nito at bakas parin ang mga basa sa pisnge at sugat sa ibabang labi nito.

....

Charlotte:

Hindi ko alintana ang oras. Madilim na daanan na ang tinatahak ko. Maya maya'y namatay bigla ang makina ng sasakyan ko.
"Shit bakit ngayon pa! Malapit na ako oh ngayon kapa nagloko." Sabi ko at pinaghahampas ang manibela.

Wala naman ding mangyayare kung patuloy akong maiinis. Bumaba na ako at sinuot ang jacket ko sa lamig.

Pagtapak ko'y ingay ng maliliit na sanga at mga tuyong dahon ang madidinig mo.

Nagtataasang mga puno at makapal na hamog. Nagpatuloy ako saking paglalakad. Bumungad sakin ang napakalaking gate at mansion. Dali dali akong tumungo sa gate at pinindot ang button doon.

Mukha ng isang matanda ang lumabas sa screen nito. Nakasimangot lamang ito.

"Umuwi kana bawal ang maligaw dito." Pataray na sabi nito.

"Ah eh malayo pa ho ang tinahak ko. May importante lang po akong sasabihin tungkol kay Natalie.

"Ang reaksiyon ng matanda'y biglang nag bago. Kaagad na bumukas ang awtomatikong gate at pumasok ako. Saking paglalakad ay sinalubong ako ng matanda sa harap ng mansion.

Napalinga ako sa labis na ganda nito. Sobrang laki at hindi ko na matanaw ang kabuohan nito.

"Magmadali ka hinihintay ka ng Lord." Sabi nito. Napaatras ako dahil naalala ko nga palang si David Lionhart ang Mafia Lord Rank# 1 ang siyang nakatira dito.

"Ah eh mawalang galang na ho hindi po ba dito nagtatrabaho ang asawa ni Natalie?" Ikinakunot ng noo nito ang binitawan kong katanungan.

"Piliin mo ang bawat katagang sasabihin mo Hija. Si Lady Natalie ang asawa ng Lord." Natameme ako sa binitawang salita nito.

Kasal na pala si Mr. Lionhart at kay Natalie pa.

Itutuloy..

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now