Kabanata 23.

13.5K 480 32
                                    


"David sabihin mo pano mo nalamang buntis ako?" Nasa silid na kami habang nakaupo ako sa kama. Siya nama'y nagsalin ng redwine sa baso at printeng nakaupo malapit sa fireplace.







Ibinaba niya ang hawak na baso at seryosong napatingin sakin pati narin sa tiyan ko. Noon pa ma'y kinukutuban na ako sa pagkatao ni David. Para bang may nililihim ito o tinatago sakin. Para bang may sekretong nakakubli sa katauhan niya. Hindi  ako manhid para hindi maramdaman o mapansin ang mga bagay na yon. I know He's not normal. Pero ano nga ba siya?







Huminga siya ng malalim at nagtungo sa direksiyon ko. Lumuhod siya upang magpantay kaming dalawa. Aamin na ba siya? O hahayaan pa niyang ako na ang tumuklas ng pagkatao niya.







"I'm not what you think. Masahol pa ako sa Demonyo Natalie. You'll never want to know the truth behind my mask." Makabuluhang sabi niya sakin.







"Pero David paano mo mapapaliwanag sakin to? Paano mo nalaman na buntis ako sayo? At.. At isa pa.." Naputol ang sasabihin ko ng sumagi sa isipan ko ang noong pagkagat nito saking leeg. Napahawak ako sa parteng yun. Alam ko, alam kong hindi panaginip ang lahat ng yun. He's hiding things to me. Nagtatago nga ba? May tinatago nga ba?







"I'm Immortal. I am a Vampire." Pinutol niya ang agam agam sa isipan ko.







"H-huh?" Natameme ako. Ano daw? Biro ba to? Kasi hindi magandang biro to. How come. Papaanong magkakaroon ng bampira sa panahong to? I can't imagine. Sabi ko sa sarili ko.







"You can't Imagine right? How could you explain it to me? I can read what's on your mind. At kung paano ko nalamang buntis ka? I hear it. Naririnig ko ang dalawang tibok ng puso mula sayo." Sabi nito. Napahawak ako saking bibig sa pagkagulat. He revealed himself. Totoo? Papaano?







"Don't push yourself Natalie. It's okay if you don't want to believe." Sabi nito at napatayo na. Lalabas na sana siya ng pigilan ko siya.







"David wag kang umalis. Pupuntahan mo nanaman ba si Veronica? Sino ba siya David? Alam mo bang nasasaktan ako? Mahal kita eh. At naniniwala ako sayo, noon pa man alam kong may iba na sayo. Ang mapupulang mga matang yan hindi normal yan David. Ang maputlang balat mo na hindi na halos naaarawan? Hindi ako manhid David. Pero sa kabila ng lahat ng yan mapa aswang kapa o ano? Maligno man o engkanto mahal talaga kita David. Tanggap kita. Tanggap ko kung ano ka at tanggap kong hindi ka normal." Isang mahabang lintanang sabi ko. Mahigpit lang ang pagkakayakap ko sakanya.







Napahawak naman siya saking mga kamay na nakayakap mismo sakanya. Alam ko, hindi naman ako manhid eh. Unang beses ko palang tumuntong sa mansion na to'y nakaramdam na ako ng mga weirdong bagay. Alam ko yun, alam ko dahil isang beses kong naabutan si David na umiinom ng dugo na nakapack. Oo nakapack yun na parang kinolekta pa sa hospital. Alam ko yung sekreto ng pulang malaking pintuan dahil may malaking fridge dun at alam kong dun siya mismong nag iimbak ng mga dugong binili niya sa hospital.







Kitang kita ng dalawang mata ko yun dahil naabutan ko din si Madam Hilga na kumuha ng delivery. Isa itong malaking kahon. Inutusan niya akong itulak ang malaking kahon ng di sinasadya'y may isang pack ng dugo ang nalaglag sa sahig. Sa sobrang pagka curious ko'y pinakatitigan ko pa ang nakalagay. Isang type a blood. Kunot noo ako kung para saan yon ng maabutan ako ni Madam kaya't wala akong nagawa kundi ang iwanan nalang sakanya ang malaking kahon.







Naputol ang pagbabalik tanaw ko ng maramdaman kong gumalaw si David papaharap sakin. Punong puno ng lungkot ang mukha nito. May nasabi ba akong masama? Nagtapat lang naman ako at nagtapat din naman siya sakin. Tinanggap ko naman siya ng buong buo ngunit bakit siya malungkot?







"Natalie, Veronica is my mate." Sabi nito sa malungkot na tono na boses. Napabitaw ako sakanya ng pagkakayakap at napaatras ako. Ibig sabihin ba nito'y hindi niya ako kailan man pipiliin dahil may mate siya?







"Hindi ko maintindihan David." Naguguluhang sabi ko.







Huminga siya ng malalim at nagsimulang lumapit sakin.







"Remember the day na kinausap ako ni Derek? It was all about my Great Grand Father's last wish. Hiling niya na pakasalan ko si Veronica. Matagal na dapat kaming kasal pero ayoko. Tumanggi akong magpakasal dahil hindi ko alam kung paano magmahal. And the curse? Yes I was curse by Veronica's mother. Sinumpa akong hindi liligaya sa piling ng kahit sinong babae kaya't hinding hindi rin ako pwedeng magmahal. I was blackmailed by her Mom."







Ipinagpatuloy pa niya ang pagkukwento habang tahimik at seryoso akong nakikinig.







" I did everything, kinulong ko si Veronica sa pag aakalang mawawala nag sumpa. But every each day she's ruining my life." Kitang kita ko ang lungkot sa mapupulang mga mata ni David. Parang nagsusumamo ang mga ito at nakikiusap na gustong gusto ng kumawala sa sumpa. Now He's torn between me and Vedonica.







"Mahal mo din ba si Veronica?" Tanong ko habang nakahawak sa mukha nito.






Agaran naman ang kanyang sagot.







"Ikaw ang mahal ko Natalie. And I'm afraid to lose you if we continue this."







"Bakit? Mahal din kita David. Wag kang matakot."







"It's because of the curse Natalie. You'll die if you continue to love me. I don't want to lose you both." Sabi nito habang nakahawak sa tiyan ko. Naramdaman ko ang tibok sa bandang puson ko ng hinawakan niya ito. Para bang nakikiusap ito.






"Do you feel the beat?" Nakangiting sabi niya sakin. Pinilit niyang ngumiti kahit pa may lungkot ang mga mata nito.







Tumango ako.








"David. Wag kang matakot. Malakas ako at kaya kitang ipaglaban."







"Natalie." Banggit niya sa pangalan ko at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.







"Wag mo kaming iwan ng anak mo David please mahal ka namin." Mangingiyak na sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at pinunasan ang mga luhang dumadaloy saking pisnge.







"Can you promise me one thing?" Tanong niya sakin.






"Kahit ano David." Ngumiti ito at hinalikan ako saking mga labi. Isang dampi lang yun bago muling nagsalita habang magkadikit ang aming mga noo sa isa't isa.







"Don't leave me no matter what. Stay by my side. Stay alive Natalie. Stay alive." Sabi nito na tila nagsusumamo.







Itutuloy...

The Shade Of A CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon