Kabanata 29.

11.8K 381 24
                                    


Bigla na lamang akong nakaisip ng hindi maganda. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at tinalon ko ito. Nagpreno agad si Derek sa pagkakagulat. Hawak hawak naman ni Shannon si Sabrina kaya't hindi niya ako nahawakan agad. Nagpaikot ikot ako sa talahiban. Naramdaman ko pa ang ilang sangang gumasgas saking balat. Pero wala na akong pakialam. Buong lakas akong tumayo habang hawak hawak ang tiyan ko. Babalik ako sa mansion. Hindi ko makakaya kung may mangyayareng hindi maganda kay David. Mamamatay ako, mamamatay ako kapag nawala siya sakin.







"Natalie!" Pagsisigaw ni Derek ngunit mabilis akong nakatakbo pabalik. Natunton ko agad ang mansion at walang alinlangang pumasok. Pagpasok ko'y bumungad sakin ang puros wasak ng mga kagamitan at ilan pang bahid na mga dugo. Narinig ko ang pag sunod ni Derek kaya't nagmadali ako. Buong lakas kong binuksan ang malaking pinto kung saan ang trono ng Empre kitang kita ng dalawang mata ko ang lahat.






Hawak hawak ni David ang ulo mismo ng Empre. Napahawak ako saking bibig. Nakaupo na mismo si David sa trono at hapong hapo ito dahil sa labis na pagod. Pinugutan niya mismo ng ulo ang sarili niyang kadugo. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon tungkol dito pero wala na akong pakialam. Binitawan ni David ang ulo nito at sinipa palayo. Nakatitig ito sakin at dahan dahang naglakad papalapit. Ganon din ako sakanya hanggang sa naglapit muli ang aming katawan at sinalo ko ang papasalubong niyang pag bagsak.







Bumagsak siya. Bumagsak ang katawan niya sakin dahilan para mapabagsak din ako.







Pagod na pagod ito at naliligo na sa sariling dugo. Ang mga mata'y hindi parin nag babago ng anyo.







"You're idiot." Sabi niya sakin sa mahinang boses. Napangiti ako dahil sa ganong kalagayan nakakapagmura pa ang lokong to. Hinawakan ko ang kanyang mukha at siniil ko ito ng mainit na halik. Hinawakan naman niya ang ulo ko upang maglapat pa ito ng todo.







Ilang minuto din kaming tumagal sa paghahalikan hanggang sa..







"Ehem.." Tumikhim si Derek na nasa likuran na pala namin.







"Lalabas muna ako." pagpapaalam nito. Napangiti naman ako dahil dun. Buong akala ko kanina'y mawawalan na ng ama ang anak ko. Akala ko'y mawawala na sakin si David.







"Tinakot mo ako!" inis na sabi ko at tsaka ngumuso. Napangisi naman ito at dahan dahang umupo para magpantay kaming dalawa.







"Oh bakit ka nakangisi diyan? Hindi mo ba alam tinakot mo ako? Pano nalang kung mawala ka sakin? Pano nalang huh? Naiisip mo ba ang magiging anak natin David?" halos mangiyak ngiyak na ako. Kaagad naman niyang pinunasan ang kakaunting luha ko at bumuntong hininga.






"I'm immortal Natalie. I can't die here." Sabi niya. Eh bakit si Arturo at ang Empre namatay?







"I told you before that I am a Vampire and also there's a demon inside me. Hindi ako mamamatay." Sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Tama nga sinabi nga niya sakin yun. Pero bakit naiiba siya sa mga kauri niya? Bakit may demonyo sa loob ng katawan niya?







"It just because of Veronica's parents. They curse me to be like this. To become a Demon." Sabi niya. Ngayon ay unti unting nagliliwanag na ang lahat sakin.







"Wag na muna nating pagusapan yan sa ngayon. Pwede bang magsaya nalang muna tayo?" Hawak ko ang magkabilang mukha niya habang sinasabi ang mga katagang yon. Napangiti naman ito sakin at pinagdikit niya ang aming mga ulo.







"Tara na kaya baka maubusan ka ng dugo. Ah ano sang hospital ba kita dadalhin?" Tarantang tanong ko. Siya nama'y seryoso lang na nakaupo habang ako hindi na magkanda ugaga. Madami kasi itong sugat at hindi biro ang mga tinamo niya. Bigla na lamang kumunot ang noo niya ng makita ang mga gasgas saking braso at tuhod. Oo nga pala nakalimutan kong tumalon ako at nagpagulong gulong kanina.







"What happened?" Tanong niya habang hinahawakan ang mga sugat ko. Hindi naman ako makapag salita at nagulat ako ng isa isa niyang hinalikan ang mga ito.







"Take care of yourself Natalie." Pag aalala niya sakin. Tumango tango naman ako. Hinawi niya ang buhok na nakasabit saking tenga at hinalikan ako sa pisnge papunta sa tenga.







"I love you." Bulong niya sakin. Kung nakikita lang niya ang mukha ko sa mga oras na yon sobrang pula ko na.







"I love you too David." Sabi ko sakanya at tinitigan niya ako ng seryoso saking mga mata.







"If you love me then marry me." Sabi niya.







Hindi agad ako nakapagsalita. Kasal? Hindi ba siya nagbibiro? Hindi ko alam kung ano ba ang takbo talaga ng isip ni David. Nagtatalo ngayon ang puso't isipan ko. Pero magkakaanak na kami. Magkakaanak na kami kaya mas lalong kailangan ko siya.







"Will you marry me?" Seryosong tanong niya sakin at nagulat ako sa hawak nito. Isang singsing na may simpleng di kalakihang diamond ito pero halatang mamahalin at rare ang batong ginamit dito.







"Marry me please." Determinadong sabi niya sakin.






Itutuloy..

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now