Kabanata 36.

10.9K 372 20
                                    


[Her Mate]

"Hindi na muna tayo uuwi ng mansion." Seryosong sabi sakin ni David ng makapag checked in na kami sa isang napakagandang resort. Nakarating kami sa probinsiya at napag alaman kong pag mamay-ari rin pala niya ang island na ito.






Para kaming nasa isang paraiso dahil sa ganda ng tanawin. Mula kasi sa kwarto mo'y mayroong veranda at sliding glass door na tanaw na tanaw ang kabuohan ng buong dagat. Kumikinang ito sa sinag ng buwan at mga bituin sa kalangitan. Isang buong nakakapagod na araw ito at sawakas ay mahihiga na ako sa kama.






Nahiga ako sa malambot at malaking kama at napatingin sa kisame. Habang si David nama'y nakaupo malapit sa fire place at nagsindi muli ng sigarilyo. Routine na kasi niya ang araw araw na paninigarilyo dahil ito ang pampakalma niya.






"Bakit hindi tayo sa mansion tumuloy?" Nilingon ko siya habang ako'y printeng nakahiga at ito nama'y nakadekwatrong upong lalaki lamang at seryosong nakatingin sakin.






"It's dangerous." Sabi nito. Napakunot noo naman ako at magtatanong pa sana ng biglang tumunog ang phone nito na may tumatawag. Itinaas niya ang kamay niya sakin at sinenyasang sasagutin lamang niya ang tawag sabay sindi muli ng sigarilyo at nagtuloy na ito sa veranda.






Kahit ilang pulgada ang layo sakin ni David ay kusang naririnig ng aking tenga ang mga pinaguusapan nila ng nasa kabilang linya. Simula ng malaman kong hindi ako normal ay unti-unting nagbabago ang kakayahan ko katulad na lamang ng napakalinaw na paningin at malakas na pandinig.







"I'm with my wife. What? I said find her! I'll call you back later." Pagputol niya ng tawag ng maramdaman niyang nasa likod na niya ako at nakasandal ako ngayon sa babasaging pintuan.






"Honey." Ngayon lamang ito pinagpawisan na tila may tinatago sakin.






"Hindi mo kailangang maglihim sakin David. Alam kong nakatakas si Veronica sa mansion." Sabi ko. Bumuntong hininga naman ito at lumapit sakin tsaka hinawakan ang magkabilang braso.







"I won't let that bitch hurt you." Sabi nito na may pag aalala sa mga mata.






"David, kaya ko ang sarili ko." Hinaplos ko ang mukha nito at pumikit siya para namnamin ang mga ito.






Napagpasiyahan na naming matulog dahil lumalalim na ang gabi. Pinauna na niya ako habang nakatabi siya sakin at hinahaplos ang aking buhok hanggang sa ako'y tuluyang makatulog.




Third Person :

Nagising muli si David ng makarinig ng boses ng babaeng tumatawag sakanya. Nanlilisik ang kanyang mga mata at tinignan ang buong paligid kung natunton ba sila ni Veronica.






Tumayo ito at naglakad ilang hakbang lamang ng may itim na kukong bumaon ng kakaunti sakanyang leeg.






"Mahal ko pinahirapan mo naman akong hanapin ka." Tinig ni Veronica na nasa likuran ni David. Himbing na himbing parin sa pag tulog si Natalie at walang kamalay malay sa pangyayari.






Dahan dahang naglakad si Veronica paharap kay David at nanlilisik pa ang mga pulang mata nitong nakatitig sa nahihimbing na si Natalie.






"Bakit siya David? Bakit patuloy mo akong inilalayo sayo? Alam mong tayo ang itinadhana para sa isa't isa."






Hinawakan siya ng mahigpit ni David sa braso ng akmang lalapitan nito ang nahihimbing na si Natalie.






"I can't love you back!" Mahina lamang at namamaos ngunit lalaking lalaki ang boses ni David. Kumunot ang noo ni Veronica at sinamaan ng tingin ang binata.






"Bakit? Pinangako mo sakin noon na kapag hindi ko pinatay si Shannon ay sasama kana sakin. Pero anong ginawa mo? Naghanap ka nanaman ng iba!"






"Shh lower your voice! She might hear you." Saway ni David dito.






"Bakit? Hindi paba niya alam?" Nakangising tanong ni Veronica.





Umiling si David.






"Oh David kung ako nalang sana. Edi sana hindi ka nahihirapan sa sumpa." Napangisi muli si Veronica. Bago naglakad palabas ng glass door.






"Magpakasaya kana ngayon. Dahil sisiguraduhin kong saakin parin ang bagsak mo. See you again mi amor." Sabi nito at tumalon sa veranda.






Tulala si David sa mga nangyare. Hindi niya pwedeng sabihin kay Natalie ang nakaraan nilang dalawa ni Shannon sapagkat alam niya sa sariling masasaktan ito. Ngunit ano nga ba ang nakaraan ng dalawa?






Natalie:

Nagising ako dahil nakaamoy ako ng dugo. Dugo na masarap. Hindi ko maipaliwanag kung bakit malakas ang epekto nito saakin at halos mabaliw ako sa paghahanap ng nilalang na yun na nagmamay-ari ng dugo.





Wala si David ng magising ako. Saktong umaga na at nanumbalik na muli ang sigla ko maliban na lamang sa uhaw. Oo uhaw na uhaw ako at itong dugong naaamoy ko'y hindi ko kayang tanggihan.






Lumabas ako ng resort. Wala pang katao tao ng tumakbo ako habang nauulol na hinanap ang amoy na yun. Nanlilisik na ang mga mata ko sa pagkahagok sa kanyang dugo.






"Sino ang nagmamay-ari ng dugo nito? Nakakabaliw na. Asan ka? Hindi kita makita." Kausap ko na ang sarili ko at namalayan ko nalamang na nasa gubat na pala ako malapit sa resort. Isang malaking island kasi ito. Tinakbo ko ng tinakbo ang daan at nararamdaman kong papalapit ng papalapit saakin ang nagmamay ari ng mabangong dugo.







Nanlaki ang mga mata ko ng matanaw ang nagmamay-ari ng dugo. Wala akong inaksayang panahon at kaagad na tumakbo papalapit dito. Kakagatin ko na sana siya ng lumingon ang isang lalaking ito na may hawak hawak na baril.






Kaagad niyang itinutok ito saking ulo at may ngisi ng isang demonyo sa labi.






"Craving for my blood huh?" Baritono ang boses nito. Maamo ang mukha nito na mala adonis. Matangkad din na tansiya ko'y nasa 6'3. Katamtaman ang balat at alam mong tao ito.






"Si-sino ka?" Takang tanong ko dahil sa lakas niya. Hawak hawak niya ang braso ko at nahuli niya ako habang nakatapat ang baril sa ulo ko.







"Demon Hunter."






Itutuloy...

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now