Kabanata 58.

8.4K 323 173
                                    


ILANG araw na ba ang nag daan? Ilang araw na kaming nasa hospital. Lumabas ako ng banyo matapos kong itapon lahat ng isinuka niyang pagkain. Hindi tinatanggap ng katawan ni David ang pagkaing tao kahit na mortal na ito. Bakit? Ano bang mali?

"David kailangan mong magpalakas."

"What's this?" Tukoy nito sa ikakabit sa kanyang swero upang daluyan ng pagkain.

"Natalie!" Sigaw ni David at tinanggal ang swero mula sa kanyang ilong. Galit ito. Alam kong ayaw niyang humantong kami sa ganitong sitwasyon pero ano'ng magagawa ko? Gusto kong mabuhay siya.

Nanlilisik ang mga mata nito sa nurse kaya naman pinalabas ko na muna ito para makausap ang asawa ko.

"David please. Hindi tinatanggap ng katawan mo ang pagkain. Baka pwede natin daanin sa ganito." Nagsusumamo kong sabi. Iniwas nito ang tingin sa akin at patuloy ang kanyang pagmamatigas.

"I'm not dying Nathalie. Parte ito ng sumpa." Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay.

"David please. Nagmamakaawa ako sa 'yo… kailangan ka namin ni Talia. Kailangan ka namin ng anak mo." Natigilan ito at tumingin sa akin.

"I am not going to die. I promise that." Malakas ang kanyang loob. Pero ang kanyang katawan ay patuloy ng bumibigay. Maya maya lang ay nakatulog din ito. Hindi ko siya napapayag na saksakan muli ng swero. Masyadong mahirap paki usapan si David kahit na ang kanyang katawan ay humihingi na ng tulong.

Tumawag ako kay Madam Hilga upang kamustahin si Talia. Matapos ang tawag ay kaagad akong bumalik ng silid at pinagmasdan ang asawa ko. Malaki ang binagsak ng kanyang katawan. Ang kanyang balat ay namumutla na. Mahinang-mahina na ito. Napa upo ako sa gilid ng sofa at napahilamos ng mukha. Iniyuko ko ang aking ulo. Ilang araw na akong hindi makatulog at ilang araw nang patuloy na gising ang utak ko.

Dis oras ng gabi nang kumatok ang doctor at pumasok. Sinuri nya muli si David at pinasakan ng injection ang swero nito. Idinaan na sa injection ang pagkain niya. Wala na kaming magawa dahil sa pagmamatigas nito.

"Mrs. Lionhart, we need to do something. Kailangan niyong mag desisyon dahil humihina na ang pag tibok ng puso niya. His cancer may affect his heart rate. Bumabagal ito at ano mang oras ay maaari siyang atakihin sa puso." Natulala ako hanggang sa ito'y makaalis. Kailangan kong makagawa ng paraan sa lalong madaling panahon.

Natauhan lamang ako nang marinig ang mahinang pag tawa ni David. Tumingin ako sa kanya. Gising ito at alam kong narinig niya ang lahat ng sinabi ng doctor.

"This is bullshit." Natatawang sabi nito. Namumutla na pati ang kanyang mga labi. Lumubog na rin pati ang kanyang pisngi ngunit nananatili pa rin siyang matigas.

"Kailangan ka namin ng anak mo." Iyon ang sinabi ko sa kanya.

"I told you Natalie I'm not going to lose this game." Matapang nitong sabi. Bumuhos ang mga luha ko. Lumapit ako sa kanya at lumuhod upang mag pantay kami.

"Isa ka ng mortal. Bakit hindi mo matanggap 'yon?" Matagal siyang walang imik at nang mag salita ito'y agaran naman ang kanyang desisyong umuwi.

"Hindi tayo uuwi!" Napasigaw ako sa labis na galit. Halo halong emosiyon na ang nararamdaman ko. Bakit hindi siya nakikisama? Ayaw ba niyang mabuhay? Gusto ko siyang tanungin ng mga bagay gaya no'n ngunit sinikap kong pigilan ang sarili.

"Please let me rest. I'll tell you soon why…" Nanghihina nitong sabi. Tumawag ako agad kay Madam Hilga at ibinalita rito ang desisyon ni David. Maging siya ay naniwala kay David at sinabing hindi gagaling sa hospital ang asawa ko.

DAHAN DAHAN kong inalalayan ito sa kanyang pag higa sa tubig ilang araw nang kami ay mag desisyong umuwi. Dito siya natutulog. Sa isang malaking tub na puno ng tubig at yelo. Hindi ko alam kung bakit ngunit iyon ang kanyang kagustuhan.

"Much better." Sabi nito nang mahiga na.

"Ilang araw pa David? Baka hindi kayanin ng katawa mo ang lamig." Ngumiti lang ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Our daughter… I want to see her." Hiling nito. Kaagad akong lumabas at isinama si Madam Hilga habang hawak si Talia.

"Madam dito lang muna kayo. Papasok na kami sa loob." Sa labas ng silid ko ito pinag hintay. Karga ko si Talia at ipinakita sa kanyang ama.

"Beautiful." Nanghihina nitong sabi. Ngumiti naman ako para gumaan ang pakiramdam niya. Masiyadong mahirap ang nagdaang mga araw para sa aming dalawa.

Huminga siya nang malalim at ipinakiusap ang katahimikan. Gusto niyang magpahinga. Lumabas naman kami ni Talia habang si Madam Hilga ay naghihintay.

"Kailangan niya ng lakas. Hindi niya lubos na matanggap ang unti-unting pagiging mortal. Kusang bumabalik ang dugong bampira na nananalaytay sa kanyang ugat."

"Madam ano'ng ibig niyong sabihin?" Nakitaan ko ng liwanag ang mukha nito. Liwanag na nag pagaan ng aking damdamin.

"May pag-asa hija. May pag-asa dahil lumalaban siya." Si David ang kanyang tinutukoy.

"Maghintay pa tayo. Kailangan nating hintayin ang pagbabalik niya sa dati. Ang pagbabalik ng Lord Lionhart."



ITUTULOY…

KONTI NA LAMANG AT MALAPIT NA PONG MAG TAPOS ANG STORYANG ITO. MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG SUPORTA:) VOTE AND COMMENT FOR THE NEXT CHAPTER^^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now