Kabanata 32.

11.6K 374 23
                                    


"Julian yung mga sinampay ko sa labas ipasok mo na." Utos sakin ni Inay. Kauuwi ko lang din galing school. Hindi pa nakakauwi ang Ate pero alam naman namin na abala ito sa trabaho dahil nakakapagpadala parin naman siya buwan buwan. Masarap ang buhay dito sa Villa. Maraming mababait na tao at walang mapang abuso.







"Sige po Inay." Sigaw ko at nagtungo na ako sa sampayan. Bigla na lamang umihip ang napakalakas na hangin at nanigas ang aking buong katawan. May babaeng yumakap sakin at may ibinulong ito sakin. Hindi ko maintindihan kung anong lenggwahe yun dahil latin ito. Ngunit para bang kusa ng gumagalaw ang katawan ko. Kusang gumagalaw na parang isang puppet.





Third Person :

"Julian? Ibaba mo yan! Anong ginagawa mo anak? Asan mo makuha ang bagay na yan? Ibaba mo yan ngayon din! Diyos ko." Kabado ang Ina nito ng masaksihan ang anak na si Julian na hawak hawak ang isang baril. Itinutok ng binata ito sakanyang ulo kaya't halos mag hysterical na ang Ina.







"Julian! Maawa ka sa Nanay ibaba mo yan anak. Mahal ka ni Nanay please Anak pakiusap ko sayo." Nakaluhod na ang Ina nito. Nasa hardin sila ng Villa kung saan ay yumayakap sa katauhan nila ang malakas at malamig na hangin.







"Nay, patawad." Biglang umagos ang mga luha ni Julian sa hindi alam na kadahilanan. Nanigas ang katawan ng Ina nito. Walang magawa kundi ang mapatingin na lamang sa anak habang papalapit na ang kamatayan.







"H-hindi ko kayang kontrolin Nay. Malakas siya. Masiyado siyang malakas! Utos niya sakin na kapag hindi ko pinatay ang sarili ko siya ang papatay sayo Nay!" Umiiyak na sabi ng binata. Napalaki ang mata ng Ina nito. Kinutuban na tila may nalalaman sa kaganapan.







"Julian magkapatatag ka. Ililigtas ka ng Inay." Sabi nito at nagsimula ng mag dasal ng latin. Nagulat si Julian sa inasal ng Ina. Latin? Paano ito natutong mag dasal ng latin? Biglang lumakas ang hangin at ang babaeng yumakap kanina kay Julian ay biglang nagpakita. Sumisigaw ito sa sakit at hinagpis.







"Lumayo ka sa Anak ko! Isa kang Oarith!" Hindi alam ni Julian ang salitang Oarith na para bang isinusumpa ng Ina nito. Nagsusumigaw pa ng husto ang babae. May galit ito at hinagpis na para bang papatay ng tao.







"Anong pangalan mo Oarith! Sabihin mo kung ayaw mong patayin kita!" Galit na sabi ng Ina ni Julian. Bigla nalang nakagalaw ang binata at hindi makapaniwala sa orasiyon na ginagawa ng Ina. Nakikita niya kasing hirap na hirap ang babae sa pagsugod sa ina nito dahil sa sobrang lakas ng kapangyarihan ng ina niya. Kapangyarihan? Napakamot sa ulo si Julian. Uso ba yun sa panahon ngayon? Litong litong tanong ng binata sa sarili.







"Babalik ako! Babalikan ko kayo! Ang kailangan ko ay makuha ang ulo ng anak mong si Natalie! Papatayin ko siya! Papatayin siya ng isang Oarith na katulad ko!" Sabi ng babae at umusok ng kulay itim tsaka naglaho. Ano ang Oarith? Oarith ay isang uri ng masamang bampira at mangkukulam o witch.







Nang maglaho ang babae na hindi man lang naibigay ang pangalan ay napaluhod ang ina ni Julian sa labis na pagod. Napatakbo ang binata sa pag aalala sa ina.







"Nay! Ano yun? Ano yung nakita ko? Bakit kayo nakakapagsalita ng ibang lenggwahe?" Hindi kasi alam ni Julian ang pinaguusapan ng dalawa kanina dahil ibang lenggwahe ang ginamit nila.







"Julian anak magtiwala ka sa inay."







"Nay kailangan ko ng sagot. Madami akong gustong itanong sainyo." Pagpupumilit ng binata.







Huminga ng malalim ang Ina nito bago magsalita.






"Tagapag alaga ako ni Natalie noon pa man. Hindi mo siya tunay na kapatid Julian. Hindi tao ang ate mo kundi isa itong...." Nabitin ang sasabihin ng Ina nito ng mandilim ang paningin at nawalan ng malay dahil sa sobrang pagod at lakas ng kalaban kanina.







"Nay! Nay gumising kayo Nay! Ano si Ate? Kung hindi siya tao ano siya?" Naguguluhang tanong ng binatang si Julian.







Natalie:

Kumabog bigla ang puso ko. Hindi ko maintindihan pero biglang rumihistro sa isip ko ang pamilya ko.







"Are you okay?" Tanong ni David habang abala kami sa pag eempake ng ilang mga damit dahil luluwas na kami ng Villa.







"David kinakabahan ako. Pakiramdam ko nasa panganib ang pamilya ko." Sabi ko dito. Tumayo naman si David para salubungin ako. Hinagod niya ang likod ko para pakalmahin ako.







"Gusto mo bang dun na muna tayo tumuloy?" Tanong nito. Natuwa ako sa idea na yon. Kahit pa alam ko na baka hindi tanggapin ng Ina si David. Alam kong matatanggap niya ito ngayon pang nag dadalang tao na ako.







Itutuloy...

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now