Kabanata 48.

8.8K 286 22
                                    

Natalie:

"Maawa ka. Wag. Wag hindi ko alam ang ginagawa ko." Saad ni Talira ng sakalin ito ni David.

"David! Tama na." Wala akong magawa para pigilan ang sarili ko. Hindi ko na ito kilala. Hindi na siya ang asawa ko dahil isa na muli itong halimaw. Ang ugat ay bumabakat na ngayon sa buong katawan nito. Ang mga mata'y matalas pa sa patalim at sing pula ng dugo. Hindi na siya nakikinig. Hindi nanaman nito kontrolado ang sarili ng bigla na lamang humangin ng malakas dahil sa isang nilalang na dumating at sinugod si David.

Kasing bilis ng kidlat ang galaw nito at napatalsik bigla ang asawa ko sa babasaging salamin dito sa kusina dahilan para bumalik ito sa normal.

"David!" Kaagad ko itong sinalubong ng makitang tumutulo na ang dugo nito sa ulo dahil sa lakas ng kanyang pagkabagsak.

"Hayop ka!" Sigaw ng lalaki at pasugod na pumunta sa kinaroroonan ng asawa ko. Bigla naman akong hinila ni Madam dahil magsasalpukan ang dalawa. S-sino ang lalaking to? Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ng lubusan ang kanyang katauhan. Siya, siya ang Dark Mafia.

Ngunit anong ginagawa niya dito?

Hawak hawak niya si David sa magkabilang kwelyo nito. Nanlilisik ang kanyang kulay pulang mata sa asawa ko. Hindi parin tumitigil ang pag agos ng dugo nito mula sa ulo.

Sasakmalin na sana niya si David ng biglang umiyak ang anak namin, si Talia.

Napahinto ang Dark Mafia at lahat kami'y napatingin sa taas dahil sa boses ni Talia na umiiyak. Alam kong gutom na ito kaya siya umiiyak. Nakaramdam ako ng kaba ng makitang napangisi ng mala-demonyo ang Dark Mafia. Kaagad akong bumalikwas ng takbo dahil hindi ko alam kung ano ang binabalak nito.

Ngunit hindi pa ako nangangalahati'y kaagad na hinatak ni Luhen ang buhok ko dahilan para mapasigaw ako sa sakit.

"At saan ka pupunta?" Bulong nito sakin.

"Bitawan mo ang asawa ko." Saad ni David na hindi mo na kakikitaan ng kahit anong ekspresiyon. Sobrang dilim na ngayon ng awra nito.

"Bitawan mo ang asawa ko Luhen." Sabi nito at kinasa ang hawak hawak na baril. Hindi ito nakatingin kay Luhen maging sakin. Nagulat ako ng hatakin niya si Talira at tutukan ng baril sa ulo.

"M-maawa ka wag mo akong papatayin." Sabi nito sa asawa ko.

"Bibitawan mo ang asawa ko o pasasabugin ko ang ulo nito?" Walang emosyong saad ni David.

Bumakas ang pagkagulat sa mga mata ni Luhen ng makitang nakatutok ang baril sa ulo ni Talira. Hindi ko maintindihan dahil nanginginig ang kamay nito. Bakit? Bakit siya nanginginig? Natatakot ba ito para kay Talira?

Kaagad na binitawan ni Luhen ang pagkakasabunot sakin.

"Ibaba mo ang baril." Utos nito kay David. Napangisi naman ng mala demonyo ang asawa ko at sinampal ng napakalakas si Talira.

"Ahhhhh! Nasasaktan ako!" Saad nito ng makatanggap ng dalawang malakas na sampal galing kay David.

"Damn you! Don't you dare to hurt what's mine!" Sigaw at nanginginig na ang boses ni Luhen.

"Same to you." Pabalang at bastos na saad ni David dito. Hinila agad ni Luhen si Talira at ganon din sakin si David. Masama parin ang titigan ng dalawang ito na magpapatayan na.

"Hindi pa ako tapos sayo. Mr. Lionhart." Saad ni Luhen ang Dark Mafia at saka mabilis na tinahak ang daan kasama si Talira paalis mismo ng mansion. Napaupo naman ako sa sahig sa labis na panghihina.
"Natalie!" Pag aalala sakin ni David.

"Kunin mo si Talia David. H-hindi ko na kaya pang umakyat. N-nanghihina na ako-" Naputol ang sasabihin ko ng magdilim ang paningin ko.

"Natalie!" Yun ang huli kong nadinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.

The Shade Of A Curseजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें