Kabanata 55.

10K 329 28
                                    


"Tuloy ka." Agad akong pinatuloy ng matanda. Humagpas agad saking balat ang malamig na simoy ng hangin.

"Nasa itaas ang Lord." Sabi nito. Napatitig ako sa kalakihan ng mansion na to. Parang palasiyo sa laki at tiyak na maliligaw ka.

Yakap ko ang sarili ko sa kaba na hindi ko maintindihan.

Sinamahan na ako ng matanda pagtuloy hanggang dito sa loob. Saming paglalakad ay natatanaw mo ang naglalakihang mga chandelier sa malawak na kisame. Ang sahig ay kumikintab at maaaninag mo ang sarili mong repleksiyon.

Tinahak namin ang napakahabang hagdan patungo sa pangalawang palapag. Kakaiba na ang sahig dito dahil puros carpet na kung kaya'y hindi mo na maririnig ang pag echo mismo ng bawat yapak mo.

Nagtuloy tuloy kami hanggang sa pinaka dulo at bumungad sakin ang napakalaking pinto.

"Hanggang dito nalang ako Hija tumuloy kana." Sabi nito. Kakatok pa sana ako ng pigilan niya ako.

"Hindi na niya gusto ang pag katok. Mas mainam kung tutuloy kana at sabihin mo ang pakay mo." Sabi nito.

Bumigat naman bigla ang dibdib ko sa kaba. Hindi ko alam kung papaano haharapin ang taong napaka makapangyarihan at malaki ang impluwensiya.

Pinihit ko na ang door knob at pagpasok ko'y laking gulat ko ng may babasaging bote ang inihagis at ito'y tumama sa gilid ng pinto malapit sakin.

"Sino ka!" Baritonong boses ito at nakakatakot. Malakas ang kanyang pagsigaw na sumalubong sakin.

"Kayo ba si David Lionhart ang asawa ni Natalie?" Tanong ko. Tinibayan ko na lamang ang aking loob para matapos ang aking sasabihin.

"Pano mo siya nakilala?" Bigla na lamang siyang lumabas sa madilim na parte at nasilayan ko ang angking kagwapuhan niya. Nakahubad ang pang itaas niya na kukurba ang pagkatikas nito.

Hindi agad rumihistro sa utak ko ang mga tanong niya dahil sa pagkatulala sakanya hanggang sa maramdaman ko ang pag hawak niya saking kwelyo at paglapit ng mga mukha namin.

"Asan ang asawa ko! Sagutin mo!" Bumungad sakin ang malamig at matigas na bagay na yon na siyang nagpagising ng natutulog kong sarili. Baril, baril ito na nakatutok sa mukha ko.

"S-Sandali ibaba mo yan. Nagpunta ako dito para ipaalam sayo ang nangyare kay Natalie." Naramdaman ko ang pag higpit ng kanyang kamay sa aking kwelyo na tila mapupunit na ito.

"Asan ang asawa ko!" Pawis na pawis na ito at tumalsik pa sa mukha ko ang laway niya. Namutla siya bigla na para bang nanghihina. Bigla niya akong nabitawan at akmang babagsak siya sa sahig ng pasanin ko siya. Sa pagkakataong yun ay mas naging malapit ang mukha namin sa isa't isa. Nakatitig lamang ako sakanyang maamong mukha.

Hingal na hingal ito na para bang magkakasakit o may sakit na dinadaing. Kaagad kong hinawakan ang kanyang noo at nagulat ako ng malamang inaapoy na pala ito ng lagnat. Itinulak niya ako dahilan para mawalan siya ng balanse at tuluyang bumagsak sa sahig.

"Dalhin mo ako sakanya." Hinihingal na sabi nito. Bigla bigla namang sumulpot ang matandang babae at nagulat sa nasaksihan.

"Lord!" Aalalayan na niya ito ng hawiin pabalang nito ang kamay ng matanda.

"Anong nangyayare sainyo?" Parang gulat na gulat ang matanda.

"Ah normal lang po yan nagkakalagnat talaga tayong mga-" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng putulin niya ito.

"Wala kang alam mas mabuti kung manahimik ka nalang. Kailangang magpahinga ng Lord." Sabi nito.

"Hindi! Kailangan ko ng makita ang asawa ko!" Sigaw nito at pilit na tumayo. Namumutla parin siya habang namumula naman ang dalawang pisnge at tenga dahil sa taas ng lagnat. Nagtuloy tuloy siya sa cabinet at kinuha ang itim na kasuotan at itim na jacket.

Mabilis niya itong sinuot.

"Let's go." Sabi niya sakin. Nagkatinginan kami ng matanda dahil dun.

"What are you waiting for? We have to go!" Sigaw niya sakin at padabog na naunang lumabas ng silid.

Kaagad akong sumunod dito. Sinundan ko siya at napansin ko ang mabigat na pag hakbang ng kanyang mga paa. Para ba itong pagod na pagod.

Napag desisyunan na sasakyan ko ang gamitin. Sumama din ang ilan sa mga tauhan niya na dala dala ang mamahalin nitong sasakyan.

Nasa loob na kami ng aking lumang sasakyan. Tahimik lang ito at walang imik magmula ng sabihin ko ang nangyare kay Natalie. Na nakunan ito at naka confine mismo sa hospital.

Pag lingon ko sakanya'y kitang kita ko ang panginginig nito sa galit. Ang kamaoy naka kuyom at halatang nagpipigil.

"Sorry sa nangyare." Sabi ko. Hindi siya nagsalita at nakatingin lamang ng diretso sa daan.

Umabot na ng ilang oras at nakaramdam ako ng pagod at antok. Pasado alas kwatro na ng madaling araw at nasa daan padin kami. Nakaramdam na ako ng pagkalam ng aking sikmura ngunit tiniis ko na lamang ito dahil malapit na kami.

....

Natalie:

Naramdaman ko ang mga mainit na kamay na humahaplos saking mukha. Naalimpungatan ako at kaagad na nagbukas ng aking mga mata. Naramdaman ko na nasa bisig ako ng kung sinuman.

"Natalie." Pamilyar sakin ang boses na yon. Sa pagbukas ng aking mga mata'y kumabog muli ng ganon kabilis ang puso ko. Nakita ko ang asawa ko na nakayakap sakin at nakangiti.

"David." Hindi na napigilan pa ng mga luha ko at isa isa na tong tumulo. Pinupunasan naman niya iyon at pinapatahan ako ngunit hindi ko talaga kayang pigilan.

"Shhh you're safe now." Sabi nito at lumapat sakin ang mainit niyang mga labi.
Matapos niya akong halika'y napalingon ako. Nasa loob kami ng sasakyan niya. Nakita ko ang isa sa mga tauhan niya na nagmamaneho at katabi nito'y si Charlotte na tahimik lamang.

"Asan tayo?" Tanong ko.

"Uuwi na tayo." Agad niyang sagot sakin. Bigla namang pumasok sa isipan ko ang nangyare kanina. Tinignan ko ang damit ko na bago na at wala ng bahid ng anumang dugo.

"David buntis ako." Masayang balita ko dito. Bigla namang nalungkot ang mga mata nito sa binitawan kong salita.

"Hindi kaba masaya buntis ako sayo." Nakangiting sabi ko. Kaaagad niya akong niyakap ng mahigpit at narinig ko ang tahimik na pag iyak nito. Oo umiyak siya na ikinagulat ko. Bigla naman akong nakaramdam ng pananakit sa ilalim na parte ko sa may bandang puson ko. Napahawak ako sa parteng yon.

Bigla nalang umagos ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na napigilan ang sakit. Sobrang sakit.

Mas hinigpitan pa ni David ang pagkakayakap sakin habang ako'y walang hinto ang pag iyak. Iyak lang ako ng iyak dahil alam ko na. Alam ko ng hindi nakaligtas ang anak naming dalawa.


Itutuloy..

The Shade Of A CurseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang