Kabanata 52.

8.7K 277 28
                                    

Charlotte:

"Hindi niya ako mahal."

"Shhh wag mo sabihin yan. Baka madami lang iniisip ang daddy mo." Naawa ako sa batang si Talia. Hinahaplos ko ang kanyang itim at makintab na buhok habang naka upo ito sa kanyang kama at nakabusangot ang mukha dahil sa ama niya.

"Teacher dito ka nalang tumira please?" Nagulat ako sa sinabi nito.

"Ha?"

"I said dito ka nalang tumira para may kakampi ako." Malungkot ang mga mata nito. Narito kami sa kanyang silid ngayon.

"Hay alam mo Talia gusto na kitang iuwi nalang sa bahay ko kaso siyempre hindi naman pwede yun. Ikaw talagang bata ka wag mo isipin ang daddy mo mahal ka non." Hindi ako sigurado sa mga sinasabi ko pero kung ito ang magpapasaya sa bata ay gagawin ko.

"Asan ba ang mommy mo?" Natahimik naman ito dahil sa tanong ko.

"Sorry Talia you don't have to answer that."

"Namimiss ko na ang mommy." Malungkot na sabi nito. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko para sa bata pero parang dinudurog ang puso ko kapag nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata niya.

Napatingin ako sa wrist ko at nagulantang ako sa oras. 7pm na.

"Talia mauuna na ako ha. May lesson plan pa si teacher para bukas eh." Sabi ko.

"Ganon nakakalungkot naman teacher." Malungkot na saad nito. Napakatalinong bata niya sa edad lamang na limang tao'y parang matanda na ito mag isip.

"Ganito nalang bibisitahin nalang kita araw araw. Ako na ang mag hahatid sayo pauwi ayos lang?" Sabi ko ng magliwanag ang kanyang mukha sa tuwa.

"Talaga teacher?"

Tumango tango naman ako.

"Oo talagang talaga." Sabi ko at marahang pinisil ang maliit at matangos nitong ilong.

"Talangang talaga? Peksman?"

"Oo pekman." Sabi ko sabay taas ng kanang kamay ko.

"Yehey!" Kaagad niya akong niyakap at niyakap ko rin siya. Kung nasan man ang ina ni Talia sanay umuwi na siya dahil alam kong naghahanap ng kalinga ang bata.

...

Lumabas na ako ng silid ni Talia ng siya'y makatulog.

"Nako napakalaki ng mansiong to paano ako makakalabas? Anak ng tokwa oh." Napakamot ako sa ulo ko at nagpalinga linga kung saan ang tamang lagusan.

Pagbaba ko ng napakahabang hagdan ay sumakit ang tuhod ko.

"Aray para naman akong matanda neto nirarayuma na ako sa haba ng hagdang yun."

Maglalakad na sana ako ng magulat ako sa matandang babaeng nakataas ang kilay at masama ang titig sakin.

"Ay kabayo!" Hindi ko sinasadyang masabi at napatakip ako saking bibig. Tumaas pa lalo ang kilay ng matanda at tumikhim.

"Anong ginagawa mo pa dito ng ganitong oras?" Pataray na tanong nito sabay tumingin sa napakalaking orasan. Napatingin din ako sa orasang yon at mas lalo akong nagulantang ng makitang alas nwebe na ng gabi. Kaagad akong tumingin sa orasan ko alasyete parin.

"Anak ng?" Napakamot ako sa batok ko dahil sira na pala ang batirya ng orasan ko.
"Maaari ka ng umalis. Ayaw ng Lord na may pagala galang kung sino sino sa mansion niya." Pataray na sabi niya. Ang taray talaga ng matandang to mukhang hindi na dinalaw ng buwanang dalaw. Malamang Charlotte matanda na yan. Napailing ako dahil sa katangahan na nasa isip ko.

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now