Kabanata 43.

9.4K 343 18
                                    


Natalie:

Nanghina ako sa katotohanang ipinagtapat sakin ni David. Di ko na napigilan ang pagluha ko.







"Hey please don't cry. Baby please." Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko tsaka tarantang pinunasan ang mga luha ko.







"Bakit ngayon mo lang sinabi sakin ha! Bakit?" Hindi ko napigilang sampalin siya ng napakalakas. Kung tao lang si David malamang sira na yung mukha niya. Sa lakas ng aking sampal ay napalingon ito ng malakas sa gawing kanan niya. Hindi siya nanlaban at hinayaan lang niya ako.







"Magsalita ka!" Isang malakas muli na sampal ang binigay ko sakanya. Napapikit lang ito marahil sa pag tiis ng sakit. Tumulo na ang dugo nito sa ilong at sa bibig dun lang ako nahimasmasan. Ayokong saktan ng ganon ang lalaking mahal ko. Ayokong pagbuhatan ito ng kamay.







Tumayo ako at lumayo sakanya. Naglakad ako malapit sa bintana. Hindi ko alam kung saan ako kakapit dahil para bang matutumba ako. Hindi ako tao pero bakit madali akong manghina dahil lamang sa katotohanang nalaman ko. Galit at puot na ang nabuhay sa puso ko. Napahawak ako sa babasaging salamin ng bintana. Sumigaw ako ng napakalakas at ramdam ang pag yanig ng buong mansion.







Napasandal ako humawak saking tiyan. Naramdaman ko ang mabilis nitong pag laki at sakit. Hindi pa ngayon anak, hindi pa ngayon ang tamang oras para lumabas ka.







Pero hindi, kasabay ng galit ko'y lumaki ang tiyan ko at lalong sumakit. Kaagad na lumapit sakin si David ng tumulo ang mga dugo sa hita ko.








"Natalie!" Kaagad niya akong sinalo ng matumba ako.







"Manganganak na ako!" Tarantang sabi ko sakanya. Buong lakas naman niya akong binuhat.







"Saan mo ako dadalhin? David!"







"I'll take you to the hospital." Seryosong sabi nito. Mukha naman kaming normal na tao. Hindi naman siguro malalaman ng mga doctor na hindi pangkaraniwan ang tulad namin.







Napakagat ako sa balikat ng asawa ko. Napabaon pa ang matalas kong pangil dahil sa sakit at kirot ng tiyan ko. Tiniis naman ni David ang sakit ng aking pagkagat at buong lakas akong binuhat pababa ng hagdan. Ang mga henchmen nito'y maging ang mga katulong kabilang na sina Madam Hilga at Talira'y gulat na gulat sa itsura naming mag asawa.







"Get out of my way!" Sigaw nito sa ilang nakaharang sa daan. Nagsipag luhuran naman ang ilan sa takot. Ang iba nama'y nangatog sa pagiging demonyo nanaman ni David.







"Arayy!" Daing ko. Huminga ako ng malalim atsaka bumuga. Doble doble pala ang pasakit kapag lalabas na ang bata.







"We're almost there honey." Tarantang sabi ni David habang mabilis na nagmamaneho. Wala na itong pakialam sa protocol na sinusunod sa daan. Wala din namang magagawa ang mga tao dahil kilalang kilala ang Mafia Lord na si David Lionhart.







[Hospital]
Third person:



Tatlong oras ng nag aantay si David sa waiting area. Balisa ito at hindi mapakali. Ano nga ba talaga ang tunay na pakiramdam ng maging isang ama? Yun at yun ang katanungan nito.







"I hope she's doing fine. My angel. My Natalie." Napakagat labi na ito sa kaba. Halo halong emosiyon na ang nararamdaman niya ngayon. Hindi maibsan ang kabang bumabalot ngayon sa puso ng isang demonyo. Oo buong buhay nito'y ngayon lamang natakot ng ganoon. Hindi niya alam ang maaaring mangyare kapag napahamak ang mag ina niya.







"David!" Napabalikwas ng tayo ito ng marinig ang boses ng kapatid. Dumating si Derek. Ngunit mas bumakas ang pagkagulat sakanyang mukha ng kasama pala nito si Shannon lalo na si Sabrina.







"How's Natalie?" Unang bungad ni Derek.







"I don't know." Bakas ang pag aalala nitong sagot sa kapatid. Buhat buhat ni Shannon si Sabrina.







"Tito David!" Gustong magpakarga ngayon ng bata dito. Natahimik ang tatlo ng magsalita muli si Sabrina.







"Mom let me go. I want to be with tito David." Sabi ng bata. Kaya nama'y tumingin muna si Shannon kay David at sinenyasan ito na iaabot na ang bata. Tinaggap naman agad ni David ito at masayang niyakap si Sabrina. Kumabog ang puso ni David. Yung kabog na para bang unang beses palang niyang nayakap ang batang si Sabrina ngunit may katanungan parin sa isipan nito. Hindi niya maramdaman ang tinatawag na lukso ng dugo.







"I miss you tito." Isiniksik ni Sab ang ulo sa dibdib ni David. Hinaplos naman nito ang ulo ng bata ng lumabas bigla ang Doctor.







"Mr. David Lionhart?"







Kaagad na napalingon si David at ibinaba ang batang si Sab.







"It's a baby girl." Masayang sabi nito. Nanlaki ang mga mata ni David at akmang pupuntahan na niya ang kanyang mag ina ng hilahin ni Sab ang kamay nito.







"I want to go with you." Sabi nito. Napalingon sakanya si David.







"No." Malamig na pagkakasabi ni David na siyang ikinagulat ni Derek at Shannon. Halos maiyak na si Sab ng hawakan siya ni Derek para makapasok na si David.







Malamig na tingin lamang ang binitawan ni David sa bata maging sa ina nitong si Shannon. Napahawak naman sa bibig si Shannon dahil kaagad itong kinutuban sa kinikilos ni David.







....

Pumasok si David sa silid. Tulog pa si Natalie habang nasa tabi nito ang sanggol. Naluha siya ng makita ang sanggol na kawangis ng kanyang pinakamamahal na si Natalie. Lahat dito'y walang pinag kaiba. Sobrang ganda ng bata na parang manika lamang na natutulog. Maya maya'y idinilat bigla nito ang mga mata. Maliit lamang yon ngunit nabigla si David dahil nagawa agad ng kanyang anak na idilat ang mga mata sa mabilis na panahon.







Namangha siya sa kulay ng mga mata nito. Sing kulay ng dugo na kumikinang. Sobrang ganda ng mga mata ng anak niya. Umiyak ito bigla na parang naghahanap ng makakain. Nataranta si David.







Kinuha niya ang bata upang patahanin ngunit walang nangyare. Duon siya nakaisip ng paraan. Kinagat niya ang sariling kamay at ipinainom sa anak ang katas ng kanyang dugo. Duo'y napatahan niya ang bata at ng mabusog ito'y nahimbing muli ang pagtulog.








Sobrang ganda. Yun ang unang masasabi mo kapag tinitigan mo ang sanggol. Ang kulay ng buhok nito'y katulad na katulad ng kanyang ina. Kulay itim na itim at may kaunting kulot. Ang balat ay namumula mula pa at sobrang puti. May maliit na ilong at magandang mga labi. Namana din nito ang mahabang pilik mata ngunit sakanya namana ang singkit at pulang mga mata nito.







"You're so beautiful my little angel." Pumatak ang mga luha sa mata ni David habang pinagmamasdan ang nahihimbing na sanggol.







"You're so beautiful." Sabi nito habang nakatitig na ngayon sa natutulog na si Natalie.







"Talia." Talia ang nabanggit ni David na gusto niyang ipangalan sa anak.







"Talia." Bulong nito at sumilay ang mga ngiti sa mga labi ng munting si Talia.







Itutuloy...

The Shade Of A CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon