Kabanata 12.

18.1K 502 17
                                    


Natalie:

"David please the for sake of my wedding party." Sabi ni Cazandra ng magsimula na kaming maglakad ni David.






"Pagsabihan mo ang asawa mo." Gigil na sabi ni David dito. Hindi ko talaga alam kung anong nangyayare. Bigla namang nagsitayuan ang iba pang mga lalaking naka itim na may mga hawak hawak na baril. Tila mga tauhan ito ng sinasabi nilang Lucio.







"Let him go." Sabi ni Lucio ng makalapit ito kay Cazandra. Napaigting muli ang panga ni David habang matalim na nakatitig kay Lucio. Hindi ko alam kung ano ba ang pinagmulan ng alitan nila dahil kanina lamang ay maayos itong nag usap.







"No Lucio pati pa naman ba sa wedding party natin mag aaway parin kayong dalawa? Please stop this." Sabi ni Cazandra.







"Ladies and gentlemen, the bidding for these beautiful ladies will be starting now!" Nagulat ako ng mamatay ang buong ilaw. Kasabay roon ang pag labas mismo ng mga babasaging kahon sa stage. Hindi lang basta babasagin dahil napukaw ang pansin ko ng makita ang mga kababaihang nakakulong sa bawat kahon.







Agaw pansin ang kanilang itim at maiksing pananamit. Hindi ko alam kung ano ang mga itsura nito dahil naka maskara sila habang naka kadena ang mga leeg na parang aso. Sumagi saking isipan ang nangyare sakin noon ng dakpin ako ng mga henchman ni David. Biglang nanlamig ang aking mga kamay at napalunok ako.







Tumingin sakin si David at nahalata niya ang takot saking mga mata.







"Cazandra stop this bullshit!" Inis na utos nito kay Cazandra. Nagdilim ang mukha ni David galit ito sa kaganapang nasa intablado ngayon.







"Hindi ba't ito ang gusto mo Mr. Lionhart? I've planned this for you as a welcome party." Sabi ni Lucio na nakataas na ang sulok ng bibig at naliligayahan sa nakikita.







"Wag na tayong mag malinis pa dito. You're the top rank Mafia Lord David, gawain mo ang mangolekta ng babae hindi ba? Then go bid for the fresh flesh!" Sabi nito. Hinawakan ko si David sa kanyang kamao dahil naninigas na ito sa galit. Hindi ko man alam ang nakaraang gawain nito ay alam kong may dahilan ang mga yon.







"Lucio enough! Hindi ba pwedeng pabayaan mo na si David dahil may asawa na siya. Sa ibang mga Mafias nalang Lucio not David he's already married." Pag aalala ni Cazandra.







"Please calm down both of you. Ngayon na nga lang kayo nagkita ulit tapos mag sasabong nanaman kayong dalawa." Sabi ng isang babaeng may pulang buhok. Siya yung babaeng humalik sa mga labi ni David kanina.







"Oh by the way I'm Nadia." Pagpapakilala niya sakin at inilahad ang kamay. Tatanggapin ko na sana ng hawakan ni David ang kamay ko para matigil ang pag tugon ko sa nakalahad na kamay ni Nadia.







"We're leaving. Kayo nalang ang mag laro. I'm done with this." Sabi nito.







"Uncle David!" Nagulat ako ng may batang babaeng tansiya ko'y nasa limang taong gulang. Maganda ito na parang buhay na manika. Kulay blonde ang buhok at pulang pula din ang mga mata. Sobrang putla at kinis ng balat nito at may hawak hawak pa siyang laruang manika sa kanyang kamay.
Tumakbo ito papunta kay David habang ako nama'y namamangha sa angkin ganda ng bata.







"Sabrina honey." Masayang tugon ni David sa bata at kinarga ito.







"Uncle ngayon ka na nga lang umuwi tapos aalis ka na naman?" Malungkot na sabi ng bata. Siya lamang ang bukod tanging naka dress na pula at ang ganda ng pagkakakulot ng buhok nito pailalim. Para bang anak ng amerikano. Lahat naman sila'y may maamong anyo si David nga lang ang bukod tanging pinaka gwapo sa lahat ng mga kalalakihan dito.







The Shade Of A CurseOnde as histórias ganham vida. Descobre agora