Kabanata 15.

15.8K 530 28
                                    


"Answer me what are you doing here!" Hinawakan niya ang magkabilang braso ko ng mahigpit. Napaurong ang dila ko at napapikit ako sa labis na sakit. Tiyak na magkakapasa ako neto sa lakas ng kanyang pagkakakapit sakin.







Tumawa muli ang babae. Hindi ko na alam ang gagawin ko at halos mawalan na ako ng lakas sa ginagawa ni David.







"Bakit hindi mo sabihin sakanya ang totoo David? Ang totoo na masahod kapa sa demonyo at ganito rin ang sasapitin niya sa mga kamay mo kapag nag sawa kana." Sabi nito.







"Shut the fuck up! I'm not talking to you!" Sigaw nito sa babae.







"Bakit natatakot ka bang malaman ang sekreto mo? Walang magmamahal sayo David! Walang mag mamahal ng totoo sayo at lahat ng babaeng mapapaibig mo ay mamamatay lang!" Sabi nito.







"Fuck! I said shut your mouth you witch!" Sigaw ni David. Hindi ko na alam ang nangyayare. Hindi nagpaawat ang babae sa pagsasalita ng bitawan ako ni David ang wala ano anong nakarating agad siya sa harapan ng babae at sinakal ito. Nakalusot ang kanyang kamay sa gintong mga rehas na nakapalibot sa babae. Nanlilisik ang mga mata ni David at ganon din ang babae. Walang gustong magpatalo kahit na halos ikamatay na ng babae ang pagkakasakal ni David dahil nasa ere na ito sa labis na lakas.







"Ughh!" Sigaw ni David at padabog na ibinagsak ang babae at naglupaysay sa sahig. Nagsuka naman ito ng dugo at napahawak sa kanyang leeg habang nakatingin parin ng masama kay David.







Naubo pa ito bago muling magsalita.







"Bakit hindi mo ipakita sakanya ang red room mo? Bakit hindi mo ipakita sakanya ang impyerno ng mansion mo? Lahat lahat ng mga babaeng kinolekta at pinatay mo!" Galit na sabi nito.







"Alam mong hindi ako ang pumatay sakanila!" Sigaw ni David. Naguguluhan na ako sa pinag uusapan nila. Napa atras na lamang ako sa labis na takot.







"Hahaha! Pinatay mo sila gamit ang mga kamay mo! Wala kang pinagkaiba sa demonyo dahil mas masahol kapa sakanila!"







"Tumahimik ka! Ikaw ang may kagagawan ng lahat! Bakit mo ginagawa sakin to? Why are you doing this to me!" Sigaw ni David at bumakat na ang mga ugat nito sa kanyang leeg.







"Dahil ako lang David! Ako lang ang babae para sayo! Kaya lahat ng mamahalin mo at magmamahal sayo mamamatay! Hindi mo mababago ang tadhana, na ako'y para sayo at ikaw ay akin! At sa kauna unahang pagkakataon na minarkahan mo ang taong yan, tingin mo ba'y mawawala ang sumpa? Hindi! Hindi dahil mamamatay siya!" Sigaw nito at matalim na nakatitig na sakin.







"Kapag ginawa mo yan mas lalo lang kitang kamumuhian." Malamig na sabi ni David at hinila ang kamay ko. Sigaw ng sigaw ang babae ngunit nakaakyat na kami ni David at padabog niyang isinarado ang lagusan.







Napatulala ako habang siya nama'y pinagsusuntok ang dingding at nagiba na ito dahil sa lakas niya. Napalunok ako ng siya'y huminto at matalim na tumitig sakin.







"Why Natalie? Why? I've tried so hard to change. Pero sa ginagawa mo binabalik mo ang dating ako!" Sigaw niya sakin habang papalapit ito. Napaatras naman ako at labis labis na ang kaba saking dibdib.







"W-wag kang lalapit. P-parang awa mo na hanggang diyan ka lang." Sabi ko sa takot dahil madilim na ang aura nito.







"I did everything for you and then what? How could you do this to me?!" Sabi nito at nang ma corner ako'y isang malakas na suntok ngunit sa pader niya itinama iyon. Napasigaw ako at napapikit sa takot. Nagsimula ng mag agusan ang mga luha ko at tinakpan ko ng aking kamay ang mukha ko.







"Sorry. Sorry. Sorry." Iyak lang ako ng iyak at paulit ulit na humihingi ng patawad. Naramdaman ko naman ang kamay nito na humawak saking mga kamay at dahan dahang tinaggal ito.








Nakapikit parin ako ng matanggal niya. Rinig ko parin ang paghinga nito ng malalim hanggang sa biglang kumalma.







"Hey don't cry. Look at me." Sabi nito. Binuksan ko naman ang mga mata ko at nakita kong nagbago ang ekpresyon nito. May pag alala sa kanyang mga mata at may lungkot din.








"I'm sorry David." Iyak na ako ng iyak at lumuhod na ako sakanya habang nakayakap sa binti nito.







"I'm sorry." Wala na talaga akong ibang masabi pa. Kaagad niya akong inalalayan pataas. Nanghihina na ang mga tuhod ko ngunit naka suporta naman ang kanyang mga bisig.







"Natalie hindi mo kasi maiintindihan. You will never understand why." Sabi nito. Napakunot noo ako. Hindi ko talaga maiintindihan kung hindi niya dinidiretso ang punto niya.







"Mahal kita Natalie." Nanlaki ang mga mata ko sa pag amin niya sakin. Kumabog ang dibdib ko pero hindi ko alam kung bakit. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Anong ginagawa niya bakit nagkakaganto ang puso ko. Tagalog niyang sinabi yon na may pagka slang pa pero tumagos ang mga yon sa puso.







"But I know you don't love me." Malungkot ang mga mata nito.







"At ngayon sa mga nasaksihan mo alam kong you will never love me. A demon, a monster-" Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. Nanlaki sa gulat ang mga mapupula niyang mga mata ng bigla ko siyang siniil ng isang halik.







Itutuloy...

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now