Kabanata 49.

8.7K 314 29
                                    


Natalie:

"Asan si David?" tanong ko sa katulong na nagwawalis sa salas ng mansion. Gabi na kasi at ni hindi ko man lang naabutan si David kaninang umaga. Napatulog ko nadin si Talia.

"Nako Mam hindi ko po alam eh. Hindi ko din po naabutan ang Lord kanina." Sabi nito.

"Ah ganon ba sige dito nalang ako maghihintay." Sabi ko dito at naupo na ako sa malambot na sofa. Inabot ko naman ang remote para manood ng TV habang wala pa si David.

Tumagal yun ng ilan pang minuto. Nadagdagan ng oras hanggang sa hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. Nagising nalang ako sa lamig ng hangin na humaplos saking pisnge.

Pagdilat ng aking mga mata'y bukas padin ang TV at naka dim na ang ilaw. Napatingin ako sa malaking wall clock ng mansion. Alas tres na ng madaling araw. Nasan ang asawa ko?

Napansin kong bukas ng kaunti ang maliit na bintana na siyang dahilan ng pagpasok ng hangin. Kaagad ko itong isinara at nagpasiyang kumuha ng red wine sa ref.

Isang baso lang talaga ang balak kong inumin ng madinig ko ang makina ng sasakyan ni David. Ngayon palang ito umuwi. Sa inis ko'y nilagok ko na ang bote ng red wine hanggang sa nangalahati ko ti at dinala ang bote para salubungin ang asawa ko.

Pag bukas nito ng pinto'y wala siyang emosiyion kahit pa nakita niya ako.

"Bakit ngayon ka lang?" Pilit kong pinakakalma ang sarili ko.

"I'm busy."

"Busy? Hindi ka man lang tumawag kung nasan ka." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Sinamaan naman agad ako nito ng tingin ng makita ang red wine na hawak hawak ko.

"Kailan kapa natutong uminom?" Kunot noong sabi nito at mabilis na inagaw ang bote sa kamay ko.

"Hindi ako makatulog eh dapat isang baso lang." Inis na sabi ko.

"Damn Natalie!" Sigaw na niya sakin at marahas na binasag ang bote sa sahig. Umalingawngaw ang boses nito sa buong mansion.

"Ano bang problema David? Bakit ka ganyan? Hindi mo na ba ako mahal?" Hinawakan ko siya sa kanyang mukha ngunit nagulat ako ng marahas niya yung tinanggal.

"I told you that I'm busy! Anong hindi mo maintindihan!" Sigaw niya sakin.

"David nasasaktan ako." Nasasaktan na ako dahil marahas niyang hawak ang dalawang pulsuan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak ng mga oras na yon.

Napabitaw naman ito habang litong lito ang mga mata. Hindi makapaniwala sa kanyang nagawa.

"Ano bang nangyayare sayo David? Ilang araw mo na akong iniiwasan. Anong problema?" Pilit ko parin siyang iniintindi kahit na ang totoo niyan ay ang sakit sakit na. Hindi ko na ata alam kung anong gagawin.

"David." Hahakbang pa sana ako ng matapakan ko ang bubog sa sahig na siyang ikinainda ko. Kaagad niya akong nasalo saking pag kahulog dahil nawalan ako ng balanse.

Nagulat ako sa kanyang ekpresiyon ng masugatan ako. Pinagpapawisan na ito at napapalunok habang umaagos ang dugo sa paa ko dahil sa pagkakabubog.

Mabilis niya akong binuhat at inilapag sa lababo sa kusina. Kaagad niyang binuksan ang gripo ng wala paring kahit anong imik. Pinagpapawisan parin siya na parang pinipigilan ang sarili.

Napansin ko namang nakaramdam ako ng sakit na hindi naman dapat talaga. Habang dumadaloy ang tubig saking sugat ay pinakatitigan ko to. Hindi siya nag hihilom.
Mabilis na kinuha ni David ang first aid kit para gamutin ang sugat ko.

Ilang minuto lamang ang lumipas ng mabilis niya itong itinali sa benda. Tahimik padin siya at nawala sa itsura nito ang pagkauhaw. Uhaw sa dugo ko.

Duon ko namalayan na kumpirmadong nag iba ako. Hindi na ako katulad niya dahil pakiramdam ko'y isa na ako ngayong mortal.

Binuhat niya ako matapos niyang gamutin ang sugat ko at ini upo sa sofa. Nagkatinginan kaming dalawa at bakas sa mukha nito ang lungkot. Hindi ko maintindihan dahil hindi ko na mabasa pa ang nasa loob ng isipan niya.

"Anong nangyayare sakin?" Tanong ko dito at takang taka ako. Kaya ba nasusuka na ako sa dugo? Kaya ba kumakain na ako ng pagkain ng mga tao? Sabi ko sa isip ko.

"You have to go Natalie. You're not safe with me." Malungkot ang kanyang mga mata.

"Bakit? Hindi ko maintindihan." Sabi ko.

"Fuck anong hindi mo maintindihan! Tao kana Natalie! Dammit!" Mura nito at halata ang pagkairita sa mukha niya.

"Dahil ba to sa sumpa ni Veronica?" Tanong ko.

"David sumagot ka." Naiiyak kong sabi sakanya. Tumango lang ito at napahilamos siya sakanyang mukha.

"Patay na si Shannon. She passed away this morning." Sabi sakin ni David. Napahawak ako saking bibig sa labis na pagkagulat. Kaya ba laging wala si David ay dahil sa nangyayare ngayon? Maaari din ba akong mamatay?

"Now you have to leave me. We don't have a choice. Please for the sake of Talia." Sabi niya sakin at hinawakan ako sa magkabilang mukha ko.

"Pano naman tayo David?" Hindi ko na kaya at humagulgol na ako ng iyak.

"We can't be together." Malamig na sabi nito. Hindi ko kaya ang gusto niyang mangyare. Mahal na mahal ko siya. Parang dinudurog niya ang puso ko. Dinudurog niya paunti unti.

"Mahal kita David. Pano naman ako." Sabi ko.

"I love you. Pero mas hindi ko kaya kapag nawala kayong dalawa sakin ni Talia." Sabi nito. Napahinto ako sa aking pag iyak.

"Anong ibig mong sabihin David?" Takang tanong ko.

"Talia is no longer like me. Tao si Talia Nat. Tao na ang anak natin and I don't want to loose both of you." Sabi niya sakin.

"Kaya please para sa anak natin umalis kana Nat. Umalis na kayo ni Talia." Sabi nito. Niyakap ko siya ng sobrang higpit ayokong mawalay sa pinakamamahal ko.

"David parang awa mo na kahit sa huling sandali lang gusto kong marinig kung gano mo ako kamahal." Sabi ko habang yakap yakap ko siya.

"Mahal na mahal kita Natalie. Mahal na mahal." Sabi nito at tuluyan ng bumitaw ng pagkakayakap sakin at bumalik muli sa pagiging malamig na para bang walang nangyare samin. Na para bang wala kaming pinagsamahan. Blanko lang. Yun ang nakikita ko ngayon sa awra niya. Blanko at walang buhay.





Itutuloy...

The Shade Of A CurseOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz