Kabanata 18.

15.2K 448 23
                                    


Parang ayokong maniwala. Ayaw maniwala ng isip ko pero yung puso ko lang talaga ang traydor. Nagkatitigan pa kami ng putulin ko na ang titigan na yon. Hindi ko pala talaga kaya. Masiyado akong nalulunod sa mga titig palang ni David.






"T-tara na." Sabi ko rito at inilayo ang sarili ko. Wala naman siyang imik ng pumasok na ako sa kanyang sasakyan. Pumasok narin ito at seryosong nagmaneho. Ang mga kama'y ko ay namamasa na sa labis na kaba. Bigla na lamang niyang hinawakan yon. Kabaliktaran naman ang sakanya dahil mainit ito at tuyong tuyo.






Napatingin ako sa gawi niya seryoso lamang itong nagmamaneho ng mabilis pauwi. Nagtaka ako dahil hindi na niya ako pinipiringan saking mga mata. Kaya't nagsalita na ako.






"Hindi mo ba ako pipiringan? Malalaman ko ang daan papunta sa mansion mo."






"No. It's okay." Tipid nitong sabi habang balik muli ang kaseryosohan sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kilig sa loob ko. Pasimple akong napangiti dahil pakiramdam ko'y nagtitiwala siya sakin.






Itinuon ko ang aking paningin sa kalsada. Malayo-layo rin ang aming binyahe at namangha ako sa ganda ng tanawin papunta mismo sa kanyang mansion. Madadaanan mo kasi ang mga naglalakihang mga layo-layong bahay at maliwanag ang mga ito. Nagpatuloy pa sa pagmamaneho si David. Nakita ko ang plaka na nakasabit at may nakasulat na Lionhart Property. Pumasok siya sa daanang yun. Nagulat ako dahil samut-saring mga halaman at mga bulaklak ang madadaanan mo. Isang napalalaking hardin ang nadaanan namin.





Hindi lang yon dahil may isang napakalaking fountain pa dito at may iba't ibang kulay at napapalibutan ng mga diyamante ito kaya't kumikinang. Labis akong namangha at napanganga na lamang ako sa labis na ganda ng tanawin. Grabe hindi ko lubos maisip pagmamay-ari lahat to ni David? Nalulula ako. Sobrang yaman niya. Hindi lang milyonaryo kundi masasabi mong isang bilyonaryo na kayang kaya na sigurong bumili ng isang bansa.






"You love the view?" Tanong nito sakin.






"Oo, ang ganda. Ang ganda ganda." Sabi ko ng binagalan niya ang takbo para ma enjoy ko lalo ang view.






"Yeah it's beautiful." Sabi nito na nakatitig lamang sakin. Hindi ko alam pero namula nanaman ako sa binitawan niyang salita. Sobrang kalmado lang kasi nito at nakakaakit talaga yun.






Nakarating na kami ng mansion at nagtaka ako. Pati si David ay nakakunot na ang noo ng makita namin ang itim na sasakyan na may tatak ng isang Phoenix. Kinabahan ako hindi kaya?







Bigla na lang bumaba si David kaya't bumaba narin ako. Sumalubong saamin ang sampung mga kalalakihan at yumuko ito sa pagdating ni David. Mga lalaking may tatak phoenix sa kamay. Isang tattoo ito.







"What brings you here?" Nakasimangot na tanong ni David sa kanyang kapatid. Tama ang Phoenix Mafia Lord Rank #5 na si Derek. His younger brother. Naninigarilyo pa ito at bumuga ng usok sa ere.







"Hindi mo ba ako papapasukin man lang sa mansion mo kuya?" Ngising sabi nito. Nag igting ang panga ni David.  Napahawak ako sa kanyang braso dahil naninigas ang mga muscle nito at alam kong baka mag hudyat yon ng pagwawala niya. Masiyadong mainitin ang ulo ni David.







Hindi pa man nakakasagot ay bumaba ng sasakyan ang magandang babae. Ang babaeng nakita ko narin ng dumalo kami ng wedding party ng kaibigan ni David. Walang iba kundi si Shannon.







"Mag aaway nanaman ba kayong dalawa? Baka pwede na tayong pumasok?" Pataray na sabi nito sa dalawang magkapatid. Natauhan si David ng makita ito. Ang galit sa mga mata'y nawala at nanahimik na lamang. Hinawakan niya ang aking kamay at nauna kaming pumasok sa mansion habang nakasunod ang dalawa. Kitang kita ko ang makabuluhang titig sakin ni Shannon. Nginitian ko man ito'y blanko lamang ang expresiyon na iginaganti niya sakin.






Nakapasok na kami sa mansion. Ang mga henchmen ni David at henchmen ni Derek ay nasa gilid lamang na nakahilera. Nagpunta kami sa opisina ni David, nagpautos pa ito kay Madam Hilga ng maiinom para sa bisita. Naupo si David sa swivel niya habang naupo ang dalawa sa sofa. Ako nama'y hinatak ni David para maupo sa kanyang kandungan.







"D-David nakakahiya naman. Nakatingin sila." Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.







"We just don't care." Sabi nito sakin at napangisi sakin. Tila may pinaplano ito na hindi ko maintindihan. Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang pagkalalaki at namula ako ng dahil dun. Napadako ang tingin ko kay Shannon na bakas sa mukha ang pagkagulat at napalitan yon ng pagsimangot.







"So what is it all about?" Seryosong tanong lang ni David sa kapatid.







"Umuwi kana. Our great grandfather is dying. For the 500 years of his existence-" Pinutol agad ito ni David at nanlisik ang mga mata kay Derek.







"What? Don't tell me she didn't know about the last wish?" Kunot noong tanong ni Derek.







Nagulat ako sa sinabi ni Derek. Ano daw? 500years? As in 500years old? At ano ang last wish?






Humigpit ang pagkakakapit sakin ni David dahil sa binitawang salita ng kanyang kapatid. Bakit ganoon na lamang ang epekto sakanya ng sinabi ni Derek? Naguguluhan ako. May dapat ba akong malaman?









Itutuloy...

The Shade Of A CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon