Kabanata 44.

10.2K 323 11
                                    


Natalie:

Isang linggo narin ang lumipas ng makauwi kami ng mansion. Ang dami, ang daming nangyare ng simulang mawala din sa landas namin si Veronica. Mahirap man ang kalagayan namin ngayon ni David dahil sa hindi mawalang sumpa ay pilit parin namin itong nilalabanan. Lalabanan hanggang sa kaya.







Pinag hehele ko ang munti naming prinsesa na si Talia habang bagsak na bagsak naman ang katawan ni David sa pagod. Siya kasi ang halos nag bantay kay Talia buong gabi magdamag kaya't sa pagsikat ng araw ay ako na ang nag bantay. Natatakpan naman ng makapal na kurtina ang silid. Ayaw kasi ng anak ko ang konting liwanag. Iiyak agad ito kapag nasisinagan ng araw kaya't mas pinakapalan ko pa ang kurtina.







Ilalapag ko na sana si Talia ng sunod sunod na putok ng baril ang madinig ko. Napabalikwas ng tayo si David at kaagad na nagtungo samin ng bata. Taranta ang mukha nitong kakagising lang. Si Talia nama'y walang humpay ang pag iyak. Iyak ito ng iyak sa putok mismo ng baril. Rinig ang mga palitan ng bala na alam kong galing narin sa mga henchman ni David.








"You alright?" Natatarantang tanong sakin ng asawa ko. Tumango naman ako at niyakap si Talia. Hubad pa ang pang-itaas ni David at mababakas mo pa ang mabalahibo nitong dibdib habang nakapakamas na kulay pula. Kaagad niyang pinindot ang cabinet niya at automatiko itong bumukas. Bumungad saakin ang napakaganda at iba't ibang uri ng mga baril ni David. Kaagad niyang kinuha ang shot gun at ikinabit agad ang malalaking bala. Mabilis siyang kumilos.







Hindi ko na alam kung ano anong baril o uri ng baril ang hawak nito. Pagkatapos ay tumingin siya sakin at hinalikan ako saking mga labi.







"Stay here. No matter what happens, just stay here. Protect our child Natalie." Tumango naman ako. Akmang aalis na siya ng hawakan ko ang braso niya kaya't napahinto siya.







"Bumalik ka David. Please wag kang mamamatay." Pag aalalang sabi ko. Ngumiti naman sakin ang asawa ko at hinalikan akong muli. Hinalikan din niya si Talia bago nilisan ang aming silid.







Sa kanyang paglabas ay hindi parin natitigil ang putukan. Kaagad kong kinuha ang bag at inilagay ang anak ko. Hindi ko ito sinara upang makahinga siya. Inilapag ko muna ito sa kama tsaka ako kumuha ng baril bilang proteksiyon. Alam ko na ang mangyayare. Alam ko ng magaganap ito dahil si David ang unang unang target ng mga sindikatong kalaban niya. Hindi nga lang nila alam kung ano ba talaga si David kapag naging demonyo ito. Napaangat na lamang ang sulok ng aking labi ng madinig ko ang pagbukas ng pinto. Kaagad kong kinuha ang anak ko at itinapat ang baril sa lalaking may hawak hawak na baril.







Nagkatutukan lang kami ng baril. Nang akmang papuputukan na niya kami dahil dinig ko ang balang lalabas sa baril ay hindi ako nag dalawang isip na iputok yun ng dalawang beses sa kanyang ulo. Muling umiyak si Talia sa ingay ng bala. Patay ang lalaking nangahas na patayin kaming mag ina. Nagkandarapa namang bumalik si David ng marinig nito ang ingay ng balang nanggagaling saming silid. Nangmakita niya kaming ligtas ay niyakap niya kami.







"Anong nangyayare?" Tanong ko.







"Pinapatahimik ko pa ang mga tauhan ng kalaban. Sinugod tayo ng mga Delgado." Nakangising saad ng asawa ko. Kasama sa sampung pamilyang sindikato ang mga Delgado. Kasama sa sampung pamilyang kailangang pataubin ng asawa ko bilang isang makapangyarihang Mafia Lord.







Si Enrique Delgado ang kauna unahang apo ni Titanum Delgado na katunggali ni David sa larangan ng politika ang sumugod ngayon sa mansion. Nais niyang ipapatay ang asawa ko upang makuha ang rango. Rango bilang Mafia Lord. Pero parang inilagay lamang niya sa piligro ang sarili sapagkat hindi niya kilala ang katauhan ni David. Hindi niya alam kung ano nga ba si David.







Third Person :

Mahigpit na ibinilin ni David sa asawang si Natalie na huwag lumabas ng silid. May papatahimikin lamang daw itong daga na basta basta nalang nangahas na sugurin ang kanyang teritoryo. Inilock nito ang silid bago muling lumabas. Sakanyang pag labas ay bala agad ang sasalubong dahil sa palitan ng putukan. Nagsindi pa ito ng sigarilyo habang nakatayo mismo sa kanyang napakahabang hagdan at pinagmamasdan ang mga taong nag papatayan. Mga henchman nito at mga tauhan ni Enrique.







Napakarami ng nakagandusay na patay na katawan. Si Enrique nama'y pinaghahanap na siya kaya't bumaba si David na may sigarilyong nakakabit sa bibig at isa isang pinaputukan ang mga armadong lalaki. Walang nasayang na bala sapagkat sa ulo agad ito tumatagos. Parang dinaanan lamang niya ang mga ito na walang kahirap hirap na pinatay.







Hindi namalayan na naubos na pala ang lahat ng armadong lalaking tauhan ni Enrique. Nang maubos ay nakatutog na ngayon ang baril sa nanginginig na si Delgado. Wala siyang magawa kundi ang itaas ang dalawang kamay sa pagsuko sa isang demonyong si David. Ang sigarilyong nasa bibig ng demonyo ay kanyang kinuha at dahan dahan siyang lumapit sa sindikatong si Enrique.







"Huwag. Maawa ka. Hindi ko gustong sugurin ka. Nadala lamang ako ng inggit at galit." Pagmamakaawa ni Delgado na ngayo'y nakaluhod na sa demonyo at nakataas pa ang dalawang kamay na pinaglapat para bang nagdadasal ito sa harap ngayon ng demonyo.







Napangisi naman ang demonyo at nagsalita.







"Open your mouth." Nakakagagong utos nito. Umiling iling si Enrique. Ayaw niyang sundin ang utos ng demonyo.







Itinutok ng demonyo ang hawak hawak na baril sa bunbunan ng napapanot na si Enrique. Napangisi pa ng husto ang demonyo ng maihi na sa takot ang panot na si Enrique.







"O-PEN YOUR M O U T H." Mabagal at inisa isa pa ng demonyo ang bawat salita. Naluha sa takot si Enrique. Ayaw pa niyang mamatay. Ayaw niyang mamatay lalo na kung si David ang papatay sakanya. Kilala itong brutal at walang sinasanto kaya't sa takot na mamatay ay naihi nalang ito sakanyang salawal.







Sakanyang pag bukas ng bibig ay agad na pinatay ni David ang upos ng sigarilyo mismo sa dila ni Enrique.








"Ahhhhhh!.." Napasigaw sa sakit ito. Ipinasok ni David ang sigarilyo sa bibig nito at nagsalita.







"Swallow it." utos nito. Tumulo ang mga luha ng lalaki at sinunod ang utos ng demonyo. Wala siyang magawa kundi ang nguyain ang mapait na sigarilyo. Pagnguya'y nilunok niya ito ng buo.







"Good boy." Ngising demonyong sabi ni David tsaka sinikmurahan ng mahina lamang ang lalaki upang matiyak na buhay ito. Buhay ito sapagkat may plano pa siya para dito. Napasuka ng napakaraming dugo ang lalaki sa mahinang suntok lamang ni David.







"I want to torture you. Little by little Mr. Delgado." Ngising sabi ng demonyo.







"Ma-maawa ka. Hindi na ako lalaban. Hindi na ako lalaban."







"Shhhh.. You talk too much." Sabi nito tsaka sinenyasan ang mga tauhang bugbugin sa underground si Mr. Delgado.







Isa lang ang pagkakamali ni Enrique Delgado. Yun ay ang mapangahas na sugurin ang impyerno ng demonyo.







Itutuloy...

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now