Kabanata 56.

13.3K 396 253
                                    


Natalie:

Buhat buhat ko saking mga bisig si Talia.

"Namiss kita anak ko." Hindi maiwasang umagos muli ang mainit kong mga luha dahil sa nangyare. Wala na ang kapatid ni Talia. Wala na.

Naramdaman ko ang mainit na kamay na yumakap saking bewang. Nilingon ko ito at nakita ko ang asawa kong malungkot na nakatitig sakin.

"David hindi kaba nakatulog?" Tanong ko dito at hinaplos ang kanyang mukha. Nangingitim kasi ang ilalim ng kanyang mga mata.

Nginitian lang niya ako at niyakap kami ni Talia. Niyakap at hinagkan ako saking noo.
Bigla nalang siyang napabitaw ng hindi ko alam ang dahilan. Natumba siya sa sahig kaya't agad kong inilapag si Talia sakanyang higaan.

"David!" Pag aalala ko sa asawa ko. Pinagpapawisan ito at hingal na hingal. Mainit nanaman ang kanyang katawan at tatlong araw na itong hindi bumababa.

"Ano bang nangyayare?" Kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung bakit tila nagiging normal si David. Hindi siya maaaring magkasakit dahil bampira siya pero kabaliktaran naman ngayon ang nakikita ko ngayon.

"Kumapit ka sakin tutulungan kita-" Hindi ko na ito natuloy ng umubo siya. Umubo ng malalim.

"David!" Sobra sobra na ang pag aalala ko ng makitang may dugong kumawala sakanyang bibig matapos maubo ng malakas.

Ngumiti lang to sakin.

"I'm okay." Pinilit niyang gawing normal ang ekspresiyon ngunit hindi niya ito mapepeke dahil alam kong may masakit sakanya. Ang kaninang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito'y naging kulay abo na para bang may karamdaman.

"Tatawag na ako ng doctor." Sabi ko at akmang lalakad na ng hilahin niya ang kamay ko.

"Hey I said I'm okay. They can't do anything about this." Sabi niya at tumayo para salubungin ako ng yakap.

Hindi parin magawang mapanatag ng isipan ko. Alam kong may mali kay David dahil unti-unting nababawasan ang kanyang timbang.

Wala man lang akong magawa para sa lalaking mahal ko. Iniyak ko nalang dahil narin sa sobrang sakit. Paano ko nagawang hindi mapansin kaagad ang mga pagbabago sakanyang katawan? Sa loob ng tatlong araw, magmula ng iuwi niya ako'y tanging nasa isipan ko lamang ay ang pagkawala ng anak namin.

Wala akong ginawa kundi ang magluksa. Ni hindi ko man lang inalam ang kalagayan ng asawa ko.

"I'm sorry." Umiiyak na sabi ko tsaka ito niyakap ng sobra. Damang dama ko ang init ng kanyang katawan na para bang init ng isang normal na tao. Isiniksik ko ang mukha ko sakanyang matipunong dibdib at duo'y ibinuhos ang lahat ng sakit at pait na aking naranasan.

"Patawarin mo ako mahal ko. Patawarin mo ako dahil hindi ko man lang inintindi ang kalagayan mo." Humihikbing saad ko.

"Shhhh. Don't be sorry my love." Mahinang bulong nito na sumasabay sa hangin.

Parang tinusok ng libo-libong karayum ang aking puso. David, ang David ko. Ang mahal ko na hindi ko man lang naalagaan. Sobra sobra ang pagsisisi ko dahil hindi ko man lang siya inintindi. Naging bulag at bingi ako. Naging makasarili ako at dinamdam ng husto ang pagkawala ng aming magiging anak sana.

Naramdaman ko muli ang pamimigat. Nagulat ako ng matumba muli ito sa sahig.

"David!" Wala na siyang malay.

Nagdali dali akong tinawag si Madam Hilga at pumaroon din si Charlotte na tumulong sakin. Nagulat sila ng makita ang walang malay ni David sa sahig.

Biglang umiyak ng malakas si Talia. Iyak lang ito ng iyak dahil nagising siya at ngayo'y nakaupo na't pinagmamasdan ang walang malay na ama.

Buong lakas naming binuhat ito sa kama.

"Hija ano bang nangyare?" Tanong ni Madam ngunit imbis na sumagot ay nanginginig lamang ang aking mga kamay. Nataranta ako ng mga oras na yon at gulong gulo.

"Si David." Umiiyak na sambit ko. Hindi ko na kaya at sobrang hina ko ng mga oras na yon.

"Lumabas ka muna at mag uusap kami." Sabi nito kay Charlotte at sumunod naman siya. Matapos maisara pinto'y nagdali dali na ito saking kinaroroonan.

"Hija napapansin ko ang mapaking pagbabago kay Lord. Unti unti lang ito ngunit palala ng palala." Sabi nito.

"A-anong ibig niyong sabihin?" Kinuha muna niya si Talia dahil hindi ito tumitigil sa pag iyak. Nangangatog padin ako hanggang sa pagsunod dito.

"Ano po ba ang nangyayare? Mawawala ba sakin si David?" Tanong ko.

"Hija alam kong alam mo kung ano nga ba ang nangyayare." Hindi. Hindi maaari ang iniisip ko. Ayokong isipin yon dahil malabo. Malabo ang mga bagay na yon. Hindi maaaring si David. Hindi maaari.

Nang tumahan si Talia'y nagsalita si Madam Hilga.

"Tama ang lahat ng iniisip mo Natalie. Wag mong itanggi ito sa sarili mo. Malaki ang pagbabagong naganap kay Lord." Sabi nito.

"Pero paano? Bakit? Bakit siya pa?" Naiiyak kong tanong.

"Veronica." Yun lamang ang salitang binitawan nito.

Natulala ako ng banggitin niya yon. Para bang unti-unting nabasag ang pagkatao ko at nanlumo.

"Patuloy ang sumpa ni Veronica Natalie. At mas lumalakas ito." Sabi niya.

"Pero bakit hindi ako? Bakit si David pa?"

"Dahil sa pagmamahal niya sayo ng labis. Sinalo lahat ng Lord ang sumpang kamatayan na dapat ay para sayo. Kaya-" Napatigil ito.

"Kaya ano? Kaya ano?" Naluluhang tanong ko. Ikamamatay ko kapag may nangyareng hindi maganda sa asawa ko.

"Kaya siya nagkakaganyan dahil isa na siyang tao." Halos umecho yun ng paulit ulit saking isipan.

"Isa na siyang tao."

"Isa na siyang tao."

"Isa na siyang tao."

"Isa na siyang tao."

"Isa na siyang tao."

Paulit ulit. Paulit ng paulit hanggang sa hindi ko na kinaya at nandilim ang aking paningin.

"Hija!"

"Hija anong nangyayare sayo!"

Yon lang ang huli kong narinig bago ako tuluyang bumagsak.

Itutuloy..

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now