Kabanata 25.

13.9K 408 26
                                    


Natalie :

Nakahiga kami ngayon ni David sa malaking kama nito. Nakatalikod ako sakanya habang nakapatong ang aking ulo sa kanyang braso. Siya nama'y nakaharap sakin at yakap ng isa niyang kamay ang tiyan ko samantalang hinahaplos niya ang buhok ko at nilalaro ito. Bumaba ang daliri niya papunta saking leeg at nakakakiliti iyon.







"David nakikiliti ako." Sabi ko. Hinga lamang na kay init ang isinagot nito. Humarap ako sakanya at naging normal na muli ito. Inabot rin ng mahigit tatlong oras bago siya bumalik sa normal niyang anyo. Dumapa ako sa harapan niya, nagtama ang aming mga mata. Hinaplos ko ang matipuno at mabalbon niyang dibdib pataas sa kanyang mukha. Kinapa ko na yung lock mismo ng muzzle. Oo nakasuot parin siya ng muzzle at hindi niya ito tinanggal.







Kaagad niyang hinawakan ang aking kamay para pigilan ako.







"Don't." Sabi nito. Napatingin ako muli sakanya at hinawi ang kamay nito.







"May tiwala ako sayo David." Sabi ko. Ayaw niya kasing patanggal yung muzzle dahil baka maulit yung nangyare kani-kanina lamang.







"What if I can't control myself anymore?" May pag aalala sa mga mata nito.







Ngumiti ako sakanya bago muli magsalita.







"Kaya mo yan. Wag mong sanayin itago ang sarili mo sa bagay na to. Kaya mong labanan yan malaki ang tiwala ko sayo. May pag asa pa David. May pag asa pa." sabi ko. Ang mga mata niya'y sing lamig ng silid na nababalutan ng kadiliman. Umaga na sa labas ngunit dahil sa makakapal na kurtina'y madilim ang presensiya ng silid.







Hinayaan na niya ako at sakawas ay natanggal ko na. Hinaplos niya ang hubad kong likod habang nakapatong ako sakanya tsaka ako niyakap ng mahigpit ngunit may pag iingat.







Nasa salas kami ngayon at narito sina Shannon at Derek. Alam namin na pupunta silang dalawa para sunduin kaming dalawa ni David. Napagpasiyahan kasi ng Great Grand Father nito na kausapin kaming dalawa lalong lalo na ang kanyang apo. Nakahanda na ang mga bagahe sa aming pag alis. Hawak hawak ni David ang aking kamay at humigpit ito ng tignan ako ng kanyang kapatid na may kabuluhan.







Paglabas ng mansion ay dalawang itim na sasakyan agad ang nakaabang sa labas na may tatak na Phoenix. Lumabas ang mga tauhan ni Derek at dinala sa loob ang aming mga bagahe. Samantala binuhay naman ni David ang makina ng kanyang sasakyan dahil gusto nitong kaming dalawa lamang ang laman ng sasakyan.






Nauna ng umalis ang dalawang itim na sasakyan na sakay si Derek at si Shannon habang sa kabila nama'y mga tauhan nito. Nakabuntot naman ngayon ang sasakyan ni David sa kanila. Hinawakan ng isa niyang kamay ang nanlalamig kong kamay. Ipinatong ko din ang isa ko pang kamay para hawakan ito. Kalmado lamang si David at parang walang problema.







Seryoso lamang itong nakatanaw sa daanan at tahimik. Wala namang bago dun. Tahimik naman kasi at seryoso si David.







Inabot muli ng tatlo o apat na oras ang biyahe. Malayong malayo sa siyudad at kakaiba parin talaga ang lugar na to na parang hindi kailan man nag e-exist.







Naramdaman ata ni David ang panginginig ng mga kamay ko kaya't ng huminto ang sasakyan ay tumingin siya sakin.







"Hey you okay?" Pag aalala nito. Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buga bago tumango. Pilit akong ngumiti dahil ayoko namang mag alala pa ito sakin. Pero sa totoo lang halos mahimatay na ako sa labis na kaba ng aking dibdib.







"We'll be fine trust me." Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Isang halik na matagal at pumikit ako para damahin ito.







Hawak kamay kaming naglakad sa tuyot na damuhan papalapit kina Shannon at Derek. Napatingin naman si Shannon sa kamay namin ni David na magkahawak. Napansin ata niyang nakita ko yon kaya nag iwas ito ng tingin at nauna ng naglakad papasok sa napakalaking mansion. Ang mga bagahe naman namin ay isa isa ng binuhat ng mga tauhan ni Derek at pumasok na sa loob. Nakabuntot lamang kaming dalawa ni David sa mag asawa at walang imik.







Pagpasok ay nasa salas na kami. Sumalubong bigla ang cute at magandang si Sabrina sa kanyang ina.







"Mommy!" Patakbo ito at lumuhod naman si Shannon para salubungin ang bata. Pagkatapos ay binuhat niya ito.







"Napansin ko din na napatingin sakin si Sabrina at isiniksik na lamang ang mukha sa leeg ng kanyang Ina. Hindi na siya katulad nung una ko siyang nakilala marahil ay dahil sa takot kay David. Napansin ko din kasing naging mailap ang bata kay David at hindi niya ito pinapansin.







"Sweetheart sumama ka muna sa yaya mo ah may importante lang kaming pag uusapan." Sabi ni Shannon at pabuhat na ibinigay ang bata sa katulong. Wala namang imik ito at nag paubaya na. Pagkaalis nila'y dumating naman ang isang babaeng nakaitim na hanggang leeg ang tela o naka turtle neck. Nakapusod ang buhok nito at mataray ang aura. Balangkinitan ang pangangatawan at seryoso lamang ang mukha. Wala kang mababakas na kahit anong emosiyon dito.







"Hinihintay na kayo ng mahal na Empre." Sabi nito. Empre? Ano yon? Masiyadong malalim siya magsalita.







"Let's go." Sabi ni Derek at naglakad na kasama si Shannon. Ako nama'y tila dumikit na ang mga paa sa makinis na sahig dahil sa labis na kaba.







"Hey Natalie, we can do this okay?" Sabi njya at hinawakan lamang ang kamay ko. Wala siyang balak bitawan ito.







Tumango ako sakanya at sumunod na kami. Sa sobrang lawak ng mansion at sobrang tahimik ay dinig na dinig ang mga takong ng sapatos na umi echo pa sa paglalakad.







"Hanggang dito nalang ako. Pumasok na po kayo your highness." Sabi ng babae na tinutukoy ay si David pati narin si Derek. Para silang mga royals na nagmula pa sa England. Ganon ang theme ngayon ng mansiong ito. Sumunod ako dahil hinatak ni David ang kamay ko sa pagpasok.







Gulat na gulat ako na isang mababangis na mga kalalakihan na tila mga bampira ang sumalubong samin ni David. Inatake nila kami kung kaya't isinangga ni David ang sarili para maproteksiyunan ako.







"That's enough!" Boses ng isang matanda ngunit buong buo at nakaupo ito sa pulang trono.







"David!" Nagulat ako ng makita ang pagpatak ng mga dugo na mula sa balikat ni David. Gulat din sina Shannon at Derek dahil sa pagsalubong saming dalawa na halatang ako naman talaga ang puntirya.







Nanlilisik ngayon ang mga mata ni David na nakatingin sa matandang lalaki na nakaupo sa trono.









Itutuloy...

The Shade Of A CurseWhere stories live. Discover now