Prologue

10.2K 231 34
                                    

Prologue

* * *

“MOM, mag-hiking tayo sa labas ng ating syudad, please!” pangungulit ko kay Mommy. Kasalukuyang nasa sala kaming dalawa. Nagbabasa siya ng mga papeles habang ako ay nagbabasa ng libro.
Binaba ni Mommy ang kanyang hawak na papel. Ngumiti siya sa akin at tumango na pumayag siya sa gusto ko.

“Yey! Thank you! I love you, mom!” Agad akong lumapit sa kanya, binigyan ko siya ng halik sa pisngi at ngumiti nang napakalapad.

Hinaplos niya ang aking pisngi na may ngiti sa labi, at mahinang pinisil ang aking ilong. Ganito kami maglabingan ng aking ina kahit labinwalong taong gulang na ako. I just love her. She’s a very responsible, sweet, and loving mother to me.

“I love you too, baby!” malambing na tugon ng aking ina, pagkatapos ay binigyan rin ako ng halik sa pisngi.

“Mom,” saway ko nang pingutin niya ulit ang ilong ko.

“You’re so cute, baby.”

Napanguso ako sa sinabi ni Mommy. Gustong-gusto ko ang pagtawag niya sa akin na ‘baby’ dahil para sa akin napaka-sweet iyon na salita.

Nagkangitian na lang kami at ibinalik ang tingin sa aming binabasa. Wala na akong hiling sa magulang ko kundi manatili lang siya sa tabi ko at buo kaming mabuhay sa mundong ibabaw.

* * *

NASA BYAHE na kami. Naglalakbay sa napakalawak at napakahaba na parang walang katapusang daan. Hindi naman mabato ang daan kahit hindi ito sementado, maputi ang daan na parang buhangin dahil pinong-pino ito pero matigas ang lupa.

My eyes still wandering outside while traveling. Hindi ko maiwasan na mamangha sa dinadaanan naming lugar. Maraming magagandang puno, bulaklak at bahay na yari sa mga batong mamahalin. Pero ang ipinagtataka ko dahil wala akong madaanang hayop tulad ng baka, kalabaw, kambing, karnero at iba pang hayop. Halatang tahimik ang lugar at hindi pinupuntahan ng karamihan.

Unang beses kong lumabas ng bahay na ganito kalayo dahil nalampasan namin ang daan papuntang Small Town sa dating bahay namin na pagmamay-ari ni Mommy ang lupain. Nagpasalamat talaga ako na pumayag si Mommy sa gusto ko. Hindi namin kasama si Daddy dahil nasa trabaho pa ito. Hindi niya rin alam na lumabas kami ng bahay ni Mommy. Kung malaman niya siguro magagalit naman iyon. Pinaghigpitan niya kasi kami na huwag lumabas hangga’t wala pa siya o hindi siya kasama. Hindi ko alam kung bakit gano’n siya.

Maraming oras ang lumipas, nakaramdam ako ng antok dahil sa malamig ng simoy ng hangin na galing sa labas ng bintana.

Biglaang napadilat ang mata ko dahil sa gulat. Siguro may naapakang malaking bato ang sasakyan. Nauntog kasi ang ulo ko sa bintana kaya nagising ako galing sa pagtulog. Nakatulog pala ako nang hindi ko namalayan.

Huminto ang makina ng sasakyan namin na mas lalong ikinagulat ko. Napatingin si Mang Kaloy sa amin na puno ng pag-alala, may takot rin sa mga mata nito. Takot siguro baka mapagalitan siya ni Daddy.

Nanlamig ako nang dumampi ang malamig na hangin sa aking balat, hangin na galing sa labas ng bintana dahil binuksan ko ito. The cold breeze made my whole system shaken in fear.

Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Madilim ang parte ng kalsadang nahintuan ng sasakyan namin. Mataas ang mga puno na wari’y hindi naputulan kaya madilim.

Nabaling ang tingin ko kay Mommy na mahimbing ang tulog sa kabilang upuan. Hindi siya nagising sa pagkauntog.

“Manong, nasaan na ba tayo?” naguguluhan kong tanong sa driver namin na nasa unahan.
Hindi ako sinagot ng driver namin. Lumabas ito na tuliro na para bang wala sa sarili. Nagmamadali itong tiningnan ang makina. Napabuntonghininga na lang ako. Nanatili na lang ako sa loob ng sasakyan. Umiling-iling ako dahil hindi ko alam kung nasaan na kami banda.

Kinuha ko ang aking cellphone sa maliit na purse na nasa tabi ko. Gusto kong tingnan ang oras kung anong oras na ngayon. Napasinghap ako sa aking nakita. Alas sieyete y medya na ang nakita ko sa orasan ng aking cellphone.

Napatakip ako sa aking bibig, napagtanto kong malapit nang maging limang oras ang byahe namin. Hindi ko alam kung saan kami tutungo pero narinig ko kay Mommy ay sa norte ng Lebanese Mountain kami. Wala akong ideya kung saan iyon dahil bago lang sa pandinig ko ang Lebenese Mountain. Si Mommy lang ang may alam nito. Wala rin akong mapa na hawak.

Gabi na pala. Kaya pala madilim na ang paligid nang matanaw ko ang bintanang bukas sa tabi ko, at hindi masyadong makapasok ang liwanag sa kalsadang kung saan kami napahinto dahil ang puno ng kahoy sa paligid ay sobrang taas.

Pumasok na sa loob ang driver namin at pinaandar ang makina. Nabuhayan ako ng loob nang umandar na ang makina ng sasakyan pero laking pagkadismaya ko nang namatay naman ito. Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ng driver at nag-alalang tumingin sa akin. Pinagpawisan na rin itong paulit-ulit na pinaandar ang makina ng sasakyan.

“Ma’am, pasensya na, ho. Wala na pala tayong gasolina. Magpalipas na lang siguro tayo ng gabi sa loob ng sasakyan kung maaari,” dismayadong wika niya.

Napakagat ako sa aking labi sa sinabi ng driver namin. Simula namang dumagundong ang puso ko, mabilis na ang pagtibok nito na para bang may naghahabulan sa loob.

Nagising naman si Mommy dahil napalakas ang pagbagsak ni Mang Kaloy sa pinto ng sasakyan nang siya ay lumabas. Niyakap agad ako ni Mommy.

“Oh my! G-Gabi na pala...” may kabang wika ni Mommy na napatingin sa akin. “Baby, huwag kang matakot, ha? Nandito lang si Mommy, okay?” wika niya na puno nang pag-alala.

Siguro narinig niya ang mabilis na tibok ng puso ko. Naramdaman niya na kinakabahan ako ngayon.
Mahigpit naman ang pagkapit ko kay Mommy. Ang saya na naramdaman ko kanina ay napalitan na ng kaba at takot. I have a feeling that there’s something wrong in this place.

“Ma’am, maiwan ko muna kayo dito, bibili lang ako ng gasolina sa malapit na tindahan sa lugar na ito. May nadaanan kasi tayong gasolinahan kanina,” bungad ng driver namin nang pumasok ulit siya sa loob.

“Hindi ba mapanganib ang gabi, Mang Kaloy?” nag-alanganing tanong ng aking ina.

“Mas mapanganib pala kung magpalipas tayo ng gabi rito... sa lugar na ito. Huwag kayong mag-alala, babalik agad ako kung nakabili na ako ng gasolina.” Agad siyang lumabas at kinuha ang walang laman na container sa compartment.

“Sige, alis na ako ma’am, mag-ingat kayo dito,” wika ng driver namin sa bukas na bintana na nasa pwesto ko.

“Sige, mag-ingat ka rin, Mang Kaloy. Bilisan mo!” tugon ni Mommy.

Hinatid namin ng tanaw si Mang Kaloy na umalis. Habang palayo si Mang Kaloy sa p’westo namin, lumiit naman nang lumiit ang liwanag na galing sa flashlight na dala niya hanggang sa kadiliman na ang nakita namin. Namayani ang katahimikan sa paligid. Tanging tunog ng mga kuliglig lamang ang marinig kong ingay at pagaspas ng mga dahon na tinatangay ng hangin.

Tumingin ulit ako sa kabuuan ng lugar, nilabas ko ang aking ulo sa bukas na bintana. Madilim ang paligid ngunit may maliit na sinag akong nakita na galing sa bilog na buwan tuwing tinatangay ng hangin ang mga dahon sa mga matataas na puno.

Full moon pala ngayon. Kung nasa bahay ako. Madalas akong nasa bubong at tumingin sa bilog na buwan. Nakaka-miss dahil ngayon nasa kalagitnaan kami ng kagubatan. Hindi ko makita ang kabuuan ng buwan.
Nabaling ang tingin ko kay Mommy nang naramdaman kong kumalas siya sa pagkakahawak sa akin.

“Veronica, kailangan natin ng apoy para may ilaw at malabanan ang lamig sa lugar na ito. Dito ka lang sa loob ng sasakyan dahil manguha muna ako ng kaunting kahoy sa labas,” wika ni Mommy na ikagulat ko.

My mother was a girl scout, noong nag-aaral pa siya. Nakita ko nga ang mga picture at mga achievements niya. Kaya lagi itong handa at may alam sa mga gagawin kung walang ilaw ang paligid. Tama nga siya kailangan namin ng liwanag.

Hindi ako takot sa dilim pero takot akong hayaan siya na lumabas. Alam kong mapanganib sa labas. Nararamdaman ko. Alam ko ring may mga mababangis na hayop sa ganitong lugar dahil mukhang masukal ang mga kahoy na para bang hindi masyadong napasyalan.

Sa murang edad ko, alam kong nag-e-exist 'yon at pinaniwalaan ko ‘yon. I believe in legends and myths. Dahil siguro sa kababasa ko ng mga libro.

“Mommy, samahan na kita. Ayaw kong maiwan dito,” nangingiyak na wika ko. Ewan ko bakit bigla akong naiyak.

“Baby...hush... don’t cry, makinig ka kay Mommy. Be brave! Huwag kang matakot. Babalik ako. Okay? Hintayin mo lang si Mang Kaloy rito. Promise me! Huwag kang lalabas ng sasakyan hangga’t wala pa ako o wala pa si Mang Kaloy. Okay?” aniya at pinahid nito ang mga luha ko sa aking pisngi.

“O-okay, I promise… hindi ako lalabas. Mag-promise ka rin sa akin Mommy na babalik ka agad dito.”

Tango, halik at matamis na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin. Hinatid ko siya ng tingin nang tuluyan itong nakalabas ng sasakyan.

Mga ilang minuto na ang nakalipas, hindi pa rin bumalik si Mommy at si Mang Kaloy. Hindi ako mapakali sa loob ng sasakayan. Nakaramdam na ako ng takot. Mas lalo akong kinabahan nang may narinig akong isang malalim na alulong na galing sa loob ng kagubatan. Nanginginig ang aking katawan na lumingon sa bukas na bintana.

Kahit madilim ang paligid ay makakita ako. Hindi ko alam bakit kahit sa dilim ay makakita na para bang naka-night vision ako. Natanong ko na si Mommy tungkol dito pero ang sagot niya ay ‘Special Ability’ ko raw iyon. Kaya nagpapasalamat ako rito na kahit sa dilim ay makakita ako.

Napako ang mga mata ko sa labas. May nakita akong mga kulay dilaw na pares na mata sa dilim. Nakatitig ang lahat sa akin. Ang mga mata nila ay galit na galit na para sa kanila ay isa akong ulam. Nakita kong ngumisi ang mga nilalang, nagsilabasan ang kanilang pangil.

I gulped because of fear. I saw a lot of hungry werewolves. Kitang-kita ko kung paano sila lumalaway habang nakatingin sa akin.

Alam ko kung ano ang werewolves. I read a lot of books about those creatures. Maraming libro na ganyan sa library namin. Hindi ko alam kung bakit tungkol lahat sa werewolf ang nasa silid-aklatan namin.

Takot ang bumalot sa isip ko at kaba ang nanaig sa puso ko. Hindi ko na mabilang ang paglunok ng laway. Sobra pa ring nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa takot.

Si Mommy agad ang pumasok sa isip ko. Dilikado siya. Nanginginig ako sa sobrang takot pero kailangang kong labanan dahil kailangan kong tulungan si Mommy na kasalukuyang nasa labas ngayon. Hindi ko siya p’wedeng hayaan lang doon na walang kasama.

Taas-noo akong lumabas ng sasakyan. Nagsimula na akong humakbang. Mas nanginginig ang buo kong katawan nang dumampi ang malamig na hangin sa aking balat. Hindi ko ito pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Sabi nga ni Mommy ‘Be brave!’ dahil kailangan na kailangan ako ni Mommy ngayon. So, I need be brave. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago napag-isipang tumakbo. Tatakbo ako dahil parang malapit na sila sa akin.

Tinahak ko ang daan kung saan si Mommy dumaan kanina. Kahit tumatakbo ako, naramdaman ko rin na sumusunod sila, tumatakbo rin.

Madami sila na handa akong kainin. Wala akong takas sa kanila. Wala akong lakas para labanan sila. Hindi ko ininda ang sakit na dulot sa pagtakbo ng aking mga paa. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo sa daan na nasa ilalim ng kakahuyan.

Hindi ko na alam kung nasaan na ako. Dahil wala akong oras para magpalinga-linga.

“M-Mommy! N-Nasaan ka?!” malakas na sigaw ko habang tumatakbo. Kahit hingal na hingal ako ay pilit kong inayos ang boses ko. Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng kagubatan.

Hinihingal na ako sa sobrang pagtakbo na halos ay kakapusin na ako ng hininga. Tumigil ako sa pagtakbo nang maramdaman kong wala na ang mga sumusunod sa akin kanina. Napaupo na lang ako sa lupa sa sobrang pagod.

Pagkalipas ng ilang minuto, tumayo ako nang mabawi ko ang aking lakas. Nagsimula na akong lumakad sa daang nakita ko. Palinga-linga na rin ako sa paligid, nagbabasakali na makita ko si Mommy. Napadpad ako sa malaking espasyo na sobrang linis na para bang napagdaosan ng paligsahan. Medyo malayo na rin ang masukal na kakahuyan. Makikita na rito ang buong paligid dahil sa sinag ng bilog na buwan.

Lakad at linga ang ginagawa ko. Hindi ko pa rin nakita si Mommy.

Sa paglalakad ko at pagiging pukos ko sa aking hinahanap, hindi ko namalayan may nabunggo akong mabalahibong tao.

Hindi... mali. Isang malaking aso na kasing laki ng tao.
Takot akong umatras nang makita ko ang kabuuan niya. Kasing laki ng tao, mabalahibo, kulay ginto ang mga mata, matutulis na ngipin at kuko.

“N-No! This is just a dream. It’s not real.” Umiling-iling ako at pilit na kinumbinsi ang sarili na hindi totoo ang mga nakita ko.

Nabaling ang tingin ko sa likod niya. Doon napukaw ang atensyon ko dahil may nakita akong nakahandusay roon.

Hindi ko pinansin ang taong lobo na nasa harap ko. Napatakbo agad ako nang maaninagan ko kung sino ang nakahandusay. Nasinagan ito ng liwanag ng buwan kaya nakumpirma ko na si Mommy iyon. Halos hindi ako makahinga sa aking nakita. Madaming sugat ang kanyang katawan dulot ng pagkalmot ng matutulis na kuko. Naligo na siya nang sarili niyang dugo.

“N-No... M-Mommy!” nanginginig ang boses kong sambit nang makalapit ako sa kanya. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Rumagasa ang luha ko dahil sa nangyari kay Mommy ngayon.

“M-Mommy! M-Mommy! A-Anong nangyari sa’yo? S-Sinong may gawa nito sa’yo? S-Siya ba... M-Mommy?” Tinuro ko ang nilalang nabangga ko kanina.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon