Chapter Twelve

3.2K 99 6
                                    

Chapter Twelve

* * *

Maria Farah McMahon

SINAMAHAN ko si Alpha Lanz sa pagbisita sa aming mga kalahi sa kuta dahil maayos na ang kanyang pakiramdam. Sa wakas makita niya na kanyang pinakamamahal na pack na pinaglaanan niya ng oras noon para pabangunin kahit hirap na hirap siyang kontrolin ang sarili. Matagal na panahon siyang hindi nakabisita rito dahil lumala ang kanyang karamdaman. Nagpasalamat talaga ako sa aming Beta na aking nobyo dahil nagampanan nitong mabuti ang kanyang tungkulin sa pack namin.

Pagpasok niya sa teritoryo namin ay lumaki ang mata ng lahat, tila ba ay hindi makapaniwala na nakabalik na ang Alpha. Ang gulat sa kanilang mga mata ay agad na napalitan ng saya. Mga matang nagniningning at nakangiti ang bawat labi habang nakatingin sa Alpha. Halatang masaya at nabuhayan ang loob ng aming mga kalahi na bumalik na si Alpha Lanz sa kanyang kaanyuan.

“Maligayang pagbabalik, Alpha Lanz!” sabay-sabay na sigaw ng mga kalahi namin at sa isang iglap ay sabay-sabay silang naging anyong lobo at umalulong nang napakalakas, alulong na dinig na dinig sa buong kabundukan ng Lebanese. Hudyat na sobra silang masaya at malugod na tinanggap ang Alpha sa kanyang pagbabalik sa aming pack. Sumabay na rin ako sa kanila dahil membro din ako ng pack. S’yempre sobra akong natuwa sa pagbalik ng Alpha at ito ang matagal ko nang dinadalangin. Sobra akong nagpasalamat sa tulong ni Veronica. She healed my brother without her knowing.

Nasa opisina na ako ni Alpha Lanz at lihim kong pinagmasdan ang aking kapatid sa kanyang ginagawa. Wala akong gawain ngayon kaya libre akong makatambay sa opisina ng aking kapatid. Halatang abala ang aking kapatid sa kanyang gawain dahil ginawa niya na ang kanyang mga tungkuling hindi pa natapos ng Beta. Hanga talaga ako sa isang ito kasi kababalik niya lang sa pack pero kaya niya nang bumalik sa trabaho, kaya na niyang manungkulan. Kaya na niyang punan ang kanyang pagkukulang sa pack.

Wala si Davin ngayon dahil sumama siya sa Mu o tinatawag na peacekeeper. Ang Mu ang nagpanatili sa kapayapaan ng pack. May engkwentro kasi sa Pack Army, nagkainitan ang dalawang Zeta o war general ng Pack Army/Wolf Army at kailangan na huwag patagalin ang hidwaan sa bawat panig. Ang Zeta ay lider ng wolf army at ito ang namumuno tuwing may digmaan. Alam ko na kayabayangan na naman ang pinairal ng mga Zeta kaya humantong sa away.

Nasa opisina rin pala ang kaisa-isang Lead Warrior ng pack namin. Ang lead warrior ay pangunahing lider ng mga Zetas at isa lang ang p’wedeng maging lead warrior ng pack. Mabigat ang tungkulin ng isang Lead Warrior dahil dapat well-train ka physically at balanse ang emosyon. May angking galing at talino ka rin. Hindi nga ako makapaniwala na isang babae ang Lead Warrior ng pack namin. Kaya naman manungkulan ng isang babae kaya hanga ako sa lead warrior ng pack namin. Maraming lalaki rin ang nahuhumaling sa taglay na ganda niya pero ni-isa wala siyang may binigyan ng pansin dahil pukos ito sa kanyang tungkulin.

Seryoso pa rin ang pag-uusap ng Alpha at Lead Warrior tungkol sa hidwaan ng mga Zetas. Pero agad silang napatigil nang may kumatok sa pinto at bumukas agad ito. Iniluwa roon ang nakangiting mukha ni Alpha Kee Zekiel kasama nito ang anak niyang babae.

Sumenyas si Alpha Lanz sa kausap na lumabas muna. Nagbigay muna ng galang ang lead warrior sa dalawang Alpha at sa akin bago tuluyang lumabas ng opisina ni Lanz.

“Baby girl, say hello to your godparents,” utos ng Alpha sa anak niya.

“Hello, ninang… hello, ninong…” nakangiting wika nito at kumaway-kaway sa amin.

Ako na ang lumapit sa bata at kinarga ito. Gigil na gigil ko siyang hinalikan sa pisngi. Na-miss ko ang batang ito. “Hello, beautiful. You’re so lovely today.”

“Thank you, ninang. You too, ninang.” Binigyan niya rin ako ng halik sa pisngi.

“Go to your ninong and annoy him,” I whispered and put her down. Lumapit naman agad ang bata kay Lanz. Walang magawa si Lanz kundi kargahin ito at bigyan ng halik.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now