Chapter Seventeen

2K 60 2
                                    

Chapter Seventeen

* * *

Veronica Van Smith

LUMINGON ako sa kwarto kung saan ako lumabas. Kung saan ako nalamagi noong hindi ako umuwi ng bahay. Kung hindi dahil sa proxy ng kaibigan kong si Farah ay hindi ako makapunta rito.

It was a lame excuse of my friend, para lang makapunta ako sa lugar na ito. Sa lugar kung saan nakilala ko ang kakaibang nilalang. Kung saan makikilala ko ang aking kabiyak na minahal ko ng todo.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tinalikuran ang silid. Bumaba na ako sa hagdan dala ang gamit ko.

Saan ako pupunta?

Uuwi na ako sa bahay dahil tinawagan ako ng mabait kong ama. Hindi ko alam kung bakit. Sa mahabang buwan akong nakatira sa mansion ng McMahon, hindi siya tumawag sa akin. Hindi niya ako hinanap. He doesn’t care about me and now he called me. At sa madaling panahon kailangan ko raw umuwi. Nakakagulat lang dahil tinawagan niya ako. Hindi ko inaasahan iyon.

Nadatnan ko si Farah sa sala. Busy ito sa pagbasa ng dyaryo. Binaba niya ang dyaryo nang maramdaman niya ang presensya ko.

“Uuwi ka na? Tuloy na ba ‘yan, bes? Babalik ka pa naman dito ‘di ba?” sunod-sunod na tanong nito.

Umupo ako sa tabi niya atsaka siya hinarap.

“Yeah, hinanap na ako ng aking ama. I’ll be back here if my father will allow me. You already know my father’s attitude, Farah.” Parehong napaikot ang mata namin ni Farah atsaka tumawa ng sabay.

Tumigil naman agad kami sa pagtawa dahil baka magising pa si Lanz. Mahirap na. Alam kong magagalit iyon sa desisyon ko.

“Yeah! He’s so strict. Ang ganda mo kasi. Paano na lang kaya kung malaman niya na nobyo mo na ang kapatid ko?” Napaisip-isip pa ito.

“Baka hindi na ako makalabas ng bahay kung malaman niya,” pabiro kong wika.

Tumawa lang si Farah sa sinabi ko.

“Ihatid pa ba kita sa labas? Oh, yeah! May maghahatid na pala sa’yo. Ayieee! May love life na siya. You’re not single anymore. I’m so happy for you, bes,” kinikilig na wika ni Farah. Niyakap niya rin ako ng mahigpit. “Ma-miss kita, bes…” dagdag pa nito.

Umirap naman ako at tumugon sa yakap niya.

“Ma-miss din kita. Alam mo bes, para kang timang. Ngayon nga lang nagka-lovelife, akala mo naman forever na? Walang forever uy,” natatawang tugon ko. Kumalas agad ako ng yakap sa kanya. Hinarap ko siya at hinawakan sa magkabilang balikat.

“May forever kapag isang McMahon ang magmahal. Mas lalong iba magmahal ang isang Alpha. Once the Alpha fell in love, he will be loyal to his mate until his last breath.”

Napangiti naman ako sinabi ni Farah. Tama nga siya, iba magmahal ang isang Alpha.

“Yeah. But, I lied to him. Hindi niya alam na aalis ako ngayon. Alam kong hindi niya ako payagang umuwi kapag alam niya,” malungkot na sambit ko.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Farah bago tumingin sa akin. Malungkot itong tumitig sa akin pero binigyan niya pa ako ng tapik sa balikat.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now