Chapter Twenty-One

946 31 0
                                    

Chapter Twenty-One

* * *

Veronica Van Smith

“BRO, drop me there, okay?” Solitaire pointed the way to the East side of Lebanese Mountain.

“Do I have a choice, Solitaryo?” inis na asik ni Lanz sa Alpha ng East na nakangisi lang.

“Thanks for the ride, bro.” Tinapik niya ang balikat ni Lanz bago bumaba ng sasakyan.

“When can I see you again, miss beautiful?” He gave me a wink. Nakita ko kung paano nandilim ang mukha ni Lanz habang nakatitig kay Solitaire.

“Get out of my sight, Solitaryo!” ngitngit ang ngipin na halatang nagpipigil ng galit si Lanz. Nakakuyom pa ang kamao niya na handa nang isuntok sa Alphang kaharap niya. “Now!”

“Sabi ko nga aalis na ako,” natatawa wika ni Solitaryo at mabilis pa sa alas kwatro na nag-transform sa harap namin, tumakbo ito patungong East. Napatingin ako sa jeans niyang punit sa labas. Werewolf thing I wouldn’t mind. Thank God, I am just a half-wolf.

Sa ‘di kalayuan lumingon ang asong lobo at nag-transform ito sa anyong tao. Nanlaki naman ang mata ko dahil wala itong saplot. Nakayukong umupo ito kaya hindi kita ang lahat.

“Close your eyes and cover your ears, sweetheart…” maawtoridad na utos sa akin. Kahit naguguluhan ako sinunod ko siya. Sinirado ko agad ang aking mga mata at tinakpan ang aking tainga.

“Fvck you, Solitaryo! You’re dead meat soon. You bold idiot Alpha!” galit na sigaw ni Lanz. Kahit mahina lang ay rinig na rinig ko pa rin ang sigaw niya. It’s wolf ability. I guess?

Narinig kong humalakhak lang ang Alphang si Solitaire. Mura lang din ang narinig ko bago pinaandar ni Lanz ang kotse. Kinuha ko na ang kamay na nakatakip sa tainga ko. Hindi na lang din ako umimik at nanatiling sirado ang aking mga mata.

“I’m sorry, sweetheart. That bold idiot was damn frustrating.” Narinig ko pa ang pagbuga niya ng hangin. “You can now open your eyes, sweetheart. We’re here.” His voice softened.

“It’s okay, sweetheart. Calm yourself down. Okay?” nakangiti kong wika at hinawakan ang kamay niya. Tumango siya at ginantihan lang ako ng ngiti.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay, boses agad ni Farah ang narinig namin.

“Saan ka naman galing, Alp–”

Hindi natapos ang salita ni Farah dahil gulat ito nang makita niya ako. Naramdaman ko ang matalim niyang titig. “Bakit mo kasama ang babaeng ito?!” Umirap pa siya ng tingin.

Naningkit naman ang mga mata ko sa inakto ni Farah.

‘Wow! The feeling is mutual. Kung galit ka sa akin mas galit ako sa ‘yo pero pinigilan ko. You aren’t my true friend. Nagpapanggap ka lang pala.’ Gusto ko sanang sabihin iyon pero hanggang sa isip ko lang.

“Lanz Alexander! I hate you. Ang pamilya nila ang pumatay sa mga magulang natin, sa kalahi natin, tapos dinala mo pa talaga rito ang isang kaaway? I hate you, brother,” galit ang tono ng pananalita nito. Halatang kinamumuhian niya ako. Pagkatapos niya kaming pasadahan ng tingin, padabog itong umalis.

“I don’t care, sister. She’s my mate and I love her.” Lanz replied but Farah still matched angrily on the stairs. Nagpupuyos sa inis at galit. She didn’t listen to his brother.

Umiling-iling na lang ako at naghahanap na lang ng positibong pananaw sa kinikilos ni Farah. Hindi lang sila ang nawalan ng magulang, alam ko ang naramdaman niya. Naiintindihan ko siya. I hate her, yes… but my heart can’t fully hate her. Parte pa rin siya ng puso ko, itinuturing ko pa rin siyang kaibigan.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now