Epilogue

1.9K 56 13
                                    

Epilogue

* * *

“WHEN I first saw you, I’m pretty sure that you were my mate. You know what? I feel it. You tamed the beast living inside me. I’m grateful that you came into my life, again and again.” —L.A. McMahon

This message was from the bottom of my heart. Yes, I wrote it when I am twelve for Veronica. Ako mismo ang naglagay nito sa sobre na hawak niya.

Itinapon ko ang sulat na gawa-gawa lang ng aking kapatid na pinalit nila sa sobre na hawak ni Veronica noong bumalik ang anyo ko. Nalaman ko ang ginawa ng kapatid ko na pagkuha niya sa importanteng sulat para kay Veronica. Wala na akong karapatang magalit sa kapatid ko dahil ginawa niya lang ang lahat para sa akin. I am grateful for what she did. My sister was a great sister to me.

* * *

“HEY, FARAH! Sino ang babaeng ito?” I asked my sister. Tinuro ko ang picture na nasa kamera niya.

I can’t stop gazing at the picture of a girl. She’s damn beautiful. She has cute brown eyes. Small but pointed nose. Kissable pinkish lips. Bumagay lahat sa hulma ng kanyang mukha. She has dark brown curly hair. She’s indeed a goddess to me.

Adventurer ang aking kapatid. At ang kamera na ginagamit niya tuwing may pupuntahan na lugar ay nasa akin kung siya’y umuwi. Mahilig lang ako tumingin sa mga nakuhang litrato ng aking kapatid. Isa lang na tanawin ang nabihag ng aking mga mata. Ang litrato ng magandang babae na kaedad ko.

Niyaya niya akong mag-adventure once, pero hindi ako pumayag. Ayaw ko sa gano’n, mas gusto ko pang magbasa ng aklat buong magdamag.

“Secret. I won’t tell you if you won’t call me Ate or Sister. Haller! Tatlong taon ang tanda ko sa iyo, Lanz Alexander,” umikot pa ang kanyang mata habang binibigkas ang bawat salita.

“Mas matanda naman ang utak ko kaysa sa’yo,” nakangising tugon ko.

“Whatever! So, ayaw mo? I won’t tell you the name of this girl and where you can find her.” She rolled her eyes. “Akin na nga ang kamera ko.” Hinablot niya agad ang kamera niya sa akin.

“Okay, fine, sis. What’s her name? And where I can find her?” I seriously asked.

“Oh, sweet,” nakangiting wika niya na may halo pang pang-aasar pero agad namang nagbago ang kanyang expression. “I don’t know her name, I’m just a stalker,” seryosong tugon niya.

“What the hell, Farah! You’re giving me false hope.” Naningkit ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Nadismaya ako, akala ko kilala niya.

“Respect your older sister, Lanz Alexander.” I got a warning from my father with full of authority. Kararating niya lang sa sala kung saan kami nag-uusap ng aking kapatid.

“Yes… Father, I’m sorry,” magalang na paumanahin ko.

Ngumisi naman ang aking kapatid sa isang tabi.

“You’re the future of our pack. Always remember, be respectful at all times even if the person around you aren’t,” seryosong wika ng aking ama. “Farah, hindi ko gusto ang pagngisi mo sa iyong kapatid. You should be a good role model.” Pinasadahan niya ng seryosong tingin ang aking kapatid bago umalis ng sala.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz