Chapter Six

3.5K 110 4
                                    

Chapter Six

* * *

Lanz Alexander McMahon

THREE YEARS AGO...

Dalawampung taon ang edad ni Farah noon at labinwalong taon naman ako. Napag-isipan naming magsanay na magkapatid. Ang pagsasanay na iyon ay nauwi sa karerahan, pinagkumpara kung sino ang mabilis, malakas, at higit sa lahat kung sino mautak.

Sanay na kami sa gano'ng gawain. Ang pagsasanay namin magkapatid ay katuwaan lang din. Hindi seryoso, at higit sa lahat walang pikunan. My sister trained me well, she's sweet to me. Kahit anong gusto ko sinasabayan niya pero ang gusto niya ay hindi ko sinasabayan. Mahilig kasi siyang mamasyal sa kahit saan at iyon ang pinakaayaw ko.

Una naming ginawa ay mabilisang pagpalit ng anyo-ako ang nanalo. Pangalawa ay paglalaban gamit ang matulis na kuko at pangil, lakas laban sa lakas-walang talo, wala ring panalo. Pangatlo ay pagkarerahan sa pagtakbo sa loob ng kagubatan kung sino ang mabilis sa aming dalawa.

Dahil pokus kami sa aming ginagawa, hindi namin alam na may nagmamasid na pala sa amin. Sa aming hindi pag-iingat, hindi namin namalayan lumampas na kami sa aming nasasakupan. Nakalabas na kami ng Bundok ng Lebanese, sa lugar ng mga normal na tao.

Doon nakakuha nang tamang oras at b'welo ang mga kalaban. Sinalakay kami ng mga mangangaso. Hindi namin alam ang gagawin dahil natatakot kaming paputukan ng baril nilang may balang pilak.

Pinaputukan kami ng mga mangangaso.

"L-Lanz Alexander. B-bilisan nating tumakbo," wika ng aking kapatid gamit ang aming isipan, ramdam ko ang takot niya.

"Yes, we need to. Our pack is in danger."

Hindi ko ininda ang takot na naramdaman ko. I am a man, the second man in our family. Of course, I need to be brave to protect my loved ones even if it can cost my life.

Pero wala kaming laban sa baril at sa balang pilak. Ito ang kahinaan naming asong lobo. Alam namin na ang bala ng baril na kadalasang ginagamit ng mga mangangaso ay gawa sa pilak at may lason pa itong makapatay sa isang werewolves.

Binilisan namin ang pagtakbo hanggang nakarating kami sa aming pamamahay.

Nanlaki ang mata namin dahil nag-hihingalo na ang aming mga kasamahan. Ramdam ko ang kaba at takot sa buong kong sistema. Mabilis kaming pumanhik sa silid ng aming mga magulang. Doon namin sa saksihan ang karumal-dumal na pagpatay sa aming ama't ina. Doon din naghihintay sa amin ang lider ng hunter na sumalakay sa aming kuta.

"A-Alexander... g-go. You're the future Alpha of this pack. I need to keep you safe. I will distract them to cover you. Go away. Now!" sambit ni Farah gamit ang isipan.

Hindi pa kami nagpalit-anyo na isang tao, kaya dinig ko ang sinabi ng aking kapatid, ramdam ko rin ang takot, galit at lungkot sa kanyang buong sistema.

"No. I will stay, I will fight until my last breath because that's the true nature of an Alpha. I will kill them all," matigas kong tugon gamit ang isipan.

"N-no. I made a promise to our parents that I will protect you and keep you safe. Please, Alexander... follow your elder sister. Now."

Taming The Alpha (Taming Series 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant