Chapter Two

4.2K 130 2
                                    

Chapter Two

* * *

Veronica Van Smith

HINDI KO ALAM, na-e-excite ako bigla. S’yempre makalabas naman ako ng bahay sa wakas. Hindi pa na-text sa akin ni Farah ang address. Mamaya na lang daw dahil busy pa siya. Ano kaya ang pinagka-busy-han ng isang iyon?

Nasa hapag-kainan kaming lahat. Kasama ang mga katulong sa bahay. Sabay kaming kumain ng pang-umagahan sa hapag-kainan. Tanging tunog ng kubyertos lang namayani sa hapag. Walang may nagsasalita. Palagi namang ganito. Sabay nga kaming lahat pero walang may nagsasalita.

Ako ang bumasag sa katahimikan. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

“Mang Kaloy, ihanda mo ang sasakyan, ha? May pupuntahan ako. Magpahatid lang ako sa ‘yo,” nakangiting wika ko sa driver namin. Tinapunan niya muna ng tingin ang aking ama bago tumango sa akin, parang pilit lang ang kanyang pagtango sa akin.

Napatigil sa pagsubo si Daddy. Mahigpit ang paghawak nito sa kutsara’t tinidor. Hindi ko iyon pinansin. Ngumiti lang ako ng tipid sa lahat at nakayukong binalik ang tingin sa aking pagkain.

“Saan ka naman pupunta, Veronica?” seryosong tanong ni Daddy.

Napatigil ako sa pagsubo at napatingin kay Daddy. Sinalubong ko ang seryosong titig niya. Nanginig ang buo kong katawan nang makita ko ang inis sa kanyang mga mata. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara at tinidor upang doon kumuha ng lakas.

Alam kong pipigilan niya naman ako nito. Mahigit dalawang linggo na akong hindi nakalabas ng bahay. Hindi na kasi ako pinayagan ni Daddy na lumabas pa. Gusto niyang i-pukos ko ang sarili ko sa pag-aaral ng business namin at tanggapin ang trabaho na binigay niya sa akin.

Bagot na bagot na ako kaya pinatulan ko na lang ang pakiusap ni Farah sa akin. Proxy lang naman ‘yon ‘di ba?

“M-mag-proxy lang ako kay Farah, Dad. Promise… uuwi ako agad,” nakayukong tugon ko. Hindi ko na kayang titigan ang kanyang seryosong mga mata.

Isang malalim na buntonghininga ang narinig ko mula kay Daddy. Akala ko pigilan niya ako ngunit nagkakamali ako. Ibig sabihin, pumayag siya? Napangiti ako ng palihim.

Naramdaman kong tumayo siya. Napaangat ang tingin ko at nakatuon ang atensiyon sa kanya. Napangiwi ako nang kinuyom nito ang kanyang kamao. Napatayong yumuko ang mga katulong kay Daddy. Ramdam ko na kinakabahan sila sa kilos ni Daddy.

Nanatili akong nakaupo, binitiwan ko na ang hawak kong kutsara’t tinidor at walang gana akong tumingin sa pagkain. Sumenyas ako sa mga katulong na bumalik na sila sa kanilang pagkain. Sumunod naman sila sa akin.

Alam kong hindi magalit si Daddy basta nasa hapagkainan kami. Ni-re-respeto niya ang pagkain sa lamesa. Gano’n din naman ako at ang mga katulong. Bago humakbang si Daddy paalis, lumingon muna siya sa akin. Isang dismayang tingin. Tumango lang ako at binigyan siya ng tipid na ngiti.

“Mang Kaloy,” narinig kong tawag ni Daddy sa driver namin.

“Ano po, sir?” tanong ni Mang Kaloy sabay tayo.

“Ikaw na ang bahala sa paghatid sa kanya,” seryosong wika niya. Tumango lang ang driver at yumuko bilang paggalang sa aking ama.

Nang marinig niya ang sagot ni Mang Kaloy, tuluyan niya nang nilisan ang hapagkainan. Napatigil naman ang lahat sa pagsubo dahil hinatid nila ng tingin ang aking ama. Napakibit-balikat na lang ako.

Hindi niya sinabi na pumayag siya pero wala rin siyang sinabi na hindi siya pumayag. Hindi ko talaga minsan maintindihan si Daddy.

“Manong, huwag mo na lang akong ihatid. Dalhin ko na lang ang sasakyan ko.”

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now