Chapter Thirteen

2.9K 84 2
                                    

Chapter Thirteen

* * *

Veronica Van Smith

KINUHA ko ang sobre sa loob ng drawer. Lumabas agad ako bitbit ang sobre. Kailangan kong matanong ito kay Lanz kung sa kanya nga ito galing. My mind and heart keep saying that it was from him but I want to make sure, kung sa kanya nga ito galing.

I just want to know if may meaning ba ang sulat na ito o wala. Gusto kong malaman ang kahulugan ng nakasulat dito. I’m curious.

Mabilis akong pumanhik pababa ng hagdan. Napatingin ako sa ikatlong palapag. Sakto rin ang pagtingin ko roon dahil nakita ko siyang lumakad pababa. Nakatinginan naman kaming dalawa. Seryosong mukha at seryosong mata ang nakatitig sa akin. Hindi siya ngumiti o ano. Parang may problema itong dinadala.

Anong nangyari kaya? Tatanungin ko pa ba siya? Halatang wala ito sa mood ngayon. Bahala na.

I composed myself. Humugot ako nang malalim na hininga bago binuka ang aking bibig.

“L-Lanz, can I ask you something?” tanong ko, hindi ko inalis ang titig ko sa kanya. Nauutal pa ako dahil sa sobrang kaba.

Kaba na dulot ng kanyang presensya. Kaba rin na malaman ang tungkol sa sobre.

Alam kong kahit malayo ang pagitan namin ay marinig niya pa rin ang tanong ko.

Nakababa si Lanz sa gitna ng nagkakahiwalay na hagdan. Nagmamadali naman akong lumapit sa kanya. Nag-alinlangan akong ngumiti. Isang haplos sa mukha ang ginawad niya sa akin. Hinaplos niya rin ang aking buhok. Napatitig naman ako sa kanya. Bakit mas lalo itong naging gwapo sa paningin ko? Dumagdag pa sa kagwapuhan ang awra niyang nakapagpabilis ng tibok sa aking puso. My heart says that this man is the one who can make me happy.

“You’re already asking, sweetheart,” he chuckled. “What is it, sweetheart?”

Umupo muna ako sa unang baitang ng hagdan. Inakay ko naman siya papalapit doon pero hindi siya umupo.

“Ayaw mo? Sige. Sa garden na lang tayo mag-usap,” nakangiting wika ko.

Tumango naman ito at naunang lumakad. Iniwan niya akong nakatunganga. Minsan hindi ko maintindihan ang ugali niya. Sometimes he is rude but sometimes he is sweet. Rude wolf, iniwan lang akong nakatulala. Matamis pa naman ang ngiti ko pero hindi niya na appreciate. Napasimangot akong sumunod sa kanya. Tsk. Kainis.

Napangiti na lang ako mapakla nang maalala ko ang pinag-usapan namin nitong nakaraang araw. We talked about his parents. Tinanong ko siya kung anong nangyari sa parents nila dahil sobrang curious ako. Namatay daw ang mga magulang nila three years ago. Kinuwento niya sa akin ang nangyari.

Nagsasanay daw sila ng kapatid niya sa kagubatan. Weird right? Magsanay na nga lang sa kagubatan pa.

Tapos hindi daw nila namalayan nakalampas sila sa border. Hindi nila alam may nakamasid sa kanila. Nang makakuha raw ng pagkakataon ang mga hunter ay pinaputukan sila ng baril. Grabe ang daw ang takbo nila pabalik sa kuta nila. Pero halos hindi sila makagalaw sa kanilang nadatnan. Madaming nakahandusay na tauhan nila, sugatan, duguan at ang iba ay patay na.

Mabilis daw silang pumasok sa silid ng kanilang magulang at doon nila nadatnan ang walang buhay na katawan ng magulang nila.

At doon nakita nila ang lalaking may edad na prenteng nakaupo sa upuan. Tumawa ng malakas habang nakatingin sa kanila. Pinaulanan pa sila ng bala dahil tatapusin daw sila. Patayin ang natirang buhay. Doon sila lumaban ng lakas sa lakas. Kailangan nilang mabuhay. Namuo ang galit sa kanilang mga puso dahil doon.

Napatay nila ang mga sumalakay sa kuta nila pero ang leader nito ay nakatakas pero may naiwan daw itong bakas. Ang naiwan nito ay isang lason at doon daw siya nagkasakit, doon niya nakuha ang sakit na parang walang lunas. Kaya raw hindi siya nakalabas ng mansion nila.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now