Chapter Twenty

1.7K 48 1
                                    

Chapter Twenty

* * *

Veronica Van Smith

NASA OPISINA ako ng kompanya na pinapasukan ko. Yes! I got a job. Gusto kasi ng ama ko na may trabaho ako. Gusto niyang may pakaabalahan ako. Pero nasa kompanya ako ni Lolo Oliver, kompanya na ipinamana niya kay Dad. Ako nag-manage rito dahil mas priority ng aking ama ang kanyang pagpupulis. Tinanggap ko na dahil wala na akong magawa. Gusto na rin magtrabaho dahil gusto kong iwaksi sa ibang bagay ang atensyon ko.

“Ma’am, may bisita po kayo,” narinig kong wika ng aking sekretarya.

“Okay, papasukin mo.”

“Okay, ma’am!” Lumabas na ang sekretarya sa opisina ko.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago tumayo. Lumapit ako sa bukas na bintana at tumitig sa kalangitan. Kay sarap talaga titigan ang bughaw na kalangitan. Hangin na kay sarap langhapin na parang ako’y niyayakap. Sinag ng araw na kung tumama sa iyong balat ay magbibigay sa iyo ng kunting init. Makikita talaga na maganda ang panahon ngayon.

It’s been a month since I’m in the mansion. Wala na akong balita sa mga McMahon. Sa totoo lang, I really miss him. Na-miss ko na ang yakap at halik niya. Na-miss ko na ang boses niya. Gusto ko siyang makita at makasamang mamasyal sa kagubatan.

I really hate him because he didn’t try to visit me. I hate him but my love for him is more powerful.

“Kumusta na kaya siya? Did he miss me? Si Farah, kumusta kaya siya? I miss that bitch,” wala sa sarili kong sambit.

Napukaw ang diwa ko nang may nagsalita sa likuran ko. It’s him—my father.

“Veronica, after celebrating the birthday of your Lolo Oliver. You can go anywhere—out of town to relax yourself. I know you are stress and tired.”

Napalingon naman ako sa aking ama nang marinig ang sinabi niya. Nakangiti kong sinalubong ang titig niya. Naka-uniporme pa ito at halatang kakatapos lang ng trabaho niya.

“Really, Dad? I can go anywhere I want. But how’s the company if I’m not around?” Hindi ko mapigilang ma-excite na sinabi ng aking ama. Strikto siya pagdating sa mga out of town pero ngayon pinayagan niya ako. Siya pa mismo ang nag-offer.

Nakakaduda at hindi ako makapaniwala. May binabalak ba ang mga ito laban kay Lanz? Sana wala itong binabalak.

Umupo siya sa visitor’s seat kaya tumabi rin ako sa kanya.

“Yes of course. I know you’re tired and you want something mysterious. You also love travel right? Humanap ka ng bagong kaibigan na isama mo sa iyong pag-out of town. Basta huwag sa isang McMahon. Okay?” Tumingin pa ito sa aking mga mata para kumbinsihin ako.

I sighed in defeat. Gusto ko man maging kasama ang McMahon pero may pumipigil sa akin. Ayaw ko naman magkaproblema dahil alam ko ang sitwasyon kung bakit ayaw nila sa McMahon. Mas idiniin nila na ang mga McMahon ang may kasalanan sa pagkamatay ni Mommy.

Lolo Oliver is pure McMahon. Hindi ba ito alam ng aking ama? Hindi ko pa nabasa ang nakita kong diary ng aking Lolo. Baka makakuha ako ng sagot sa lahat katanungan ko sa diary niya. Sa ngayon, hindi ko muna isipin ‘yon.

“Okay, Dad! I got that.” Nagkangitian na lang kaming dalawa. Masaya akong makita ko ulit na ngumiti ang aking ama. Alam kong pinakisamahan niya lang ako dahil guilty ito sa nagawa niya. I’m glad he changed his attitude from cold to warm. I like it.

“Okay, I have to go. I just want to check on you here. Umuwi ka ng maaga mamaya. Sabay tayong kakain ng hapunan. Na-miss ka ng mga Lolo mo.”

“Yes, Dad! Take care.”

Taming The Alpha (Taming Series 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن