Chapter Sixteen

1.9K 60 2
                                    

Chapter Sixteen

* * *

Veronica Van Smith

GABI NA, nasa veranda kaming dalawa ni Farah. Nag-usap kami nang kahit anong pumasok sa utak namin.

Wala si Lanz ngayon dahil nagkaproblema ang pack. May sampung ligaw na lobo raw ang sumalakay sa teritoryo niya. Siguro ‘yon ang mga nakaaway ni Lanz nitong nakaraan. Nag-alala ako sa kanya dahil baka hindi niya naman mapigilan ang kanyang sarili. Baka mapatay niya lahat nang mga sumalakay sa teritoryo niya. Nag-alala rin ako sa ugali niya dahil madali itong magalit at magtampo. Napaka-hot-tempered-yummy-bad wolf talaga siya.

Ito naman ako pinagpantasyahan ang katawan ng mahal ko. I can’t help but keep fantasizing about him in my mind. Napapikit ako nang maalala ko ang pinagsaluhan namin sa tree house. He claimed me, we screamed each other’s name full of love and desire. Sh*t! That was amazing.

Napukaw ang pag-iisip ko nang tinapik ni Farah ang aking balikat kaya napatingin ako sa kanya.

“What?” tanong ko at tinaasan siya ng kilay. Tinaasan niya rin ako ng kilay.

“What? Are you listening? Bes, sabi ko may aminin ako sa ‘yo. Huwag ka sanang mabigla, ha?” malumanay na wika ni Farah na medyo sarkastik ang tono.

Yes! We’re still best friends, friend o whatsoever called that—we’re close to each other. Magkaibigan pa rin kaming dalawa at itinuring ko na siyang tunay na kapatid pero hindi ko siya tinawag na ate. She won’t like it anyway. Matanda nga siya sa akin ng ilang taon pero parang magka-edad lang kami kung tingnan.

“Ano naman ‘yan? Make sure that you’re telling the truth.”

Kinabahan naman ako sa kaseryusuhan niya. Alam kong marami pa siyang hindi sinabi sa akin. Naghihintay naman ako kung kailan niya sabihin ang lahat sa akin.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita.

“I guess this is the right time…” Humugot ulit siya ng malalim na hininga bago ipinagpatuloy ang salita. “… tungkol ito sa pag-proxy mo sa trabaho ko kuno na sinabi ko noon. A-Ano kasi, iyong sinabi ko dati ay hindi ‘yon totoo. Pinapunta kita rito hindi dahil may inasikaso akong importante, kundi dahil ikaw ang tanging makapaamo sa kay Lanz. He was poisoned which cause him aggressive. He can’t control his strength and emotions. He was devastated and had no hope. He turns into a beast and is ready to kill the other creatures. ‘Yan ang sakit niya sa mahabang panahon.”

Hindi ako umimik.

“He can’t walk inside and outside the mansion freely, dahil sa nakakatakot na hitsura niya. Ikaw lang ang tanging babae na makapagpakalma sa kanya. Do you know why? Because you’re mated. You’re destined with each other.”

I’m damn speechless. So, this is the real reason.

“I know… I did was wrong. I’m sorry if I lied to you. Sorry dahil hindi ko sinabi nang diretso sa ‘yo na iyan ang dahilan kung bakit kita pinapunta rito. Ang hirap ipaliwanag at paniwalaan pero iyon ang totoo. Lame reasons ‘di ba? Sana naintindihan mo ako,” malungkot na kwento nito sa akin.

Nanatili akong nakinig sa kanyang sinasabi. Hindi naman ako nagulat o ano dahil naintindihan ko pero may parte ng puso ko na naiinis sa kanya dahil nagsisinungaling siya. P’wede niya naman sabihin sa akin ng deretso sa akin.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now