Chapter Eleven

3.2K 95 2
                                    

Chapter Eleven

* * *

Veronica Van Smith

GUMISING sa akin ang sinag ng araw na galing sa kristal na bintana. Mas naging matingkad ang kulay ng puting kurtina nang mataan ito ng sinag ng araw. Tumatagos din ang sinag ng araw na nagbibigay init at liwanag sa loob ng silid ko dahil manipis lang ang kurtina.

Nag-inat ako ng katawan at nag-ayos agad ako ng sarili pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto. Sinalubong ako ng katahimikan nang makalabas ako sa aking silid. As always, quiet and creepy vibes, gave me chills every time I walk through the dim hallway of McMahon.

Pagbaba ko ng hagdan napatingin agad ako sa ikatlong palapag. Kumabog ng malakas at mabilis ang puso ko nang makita ko siya roon. Nakatayo siya at nakatitig sa akin. Nang magtama ang mga mata namin ay parang nahipnotismo naman ako. Napalunok naman ako ng laway nang pinasadahan niya ako ng tingin. Napaiwas ako ng tingin dahil naalala ko kagabi ang hindi kaaya-ayang tanawin na nakita ko.

Damn, this handsome wolfman. He kept teasing me.

Natauhan ako nang magsimula na siyang humakbang pababa ng hagdan. Nagmamadali naman akong bumaba para hindi magkrus ang landas namin. Sa bawat paghakbang ko pababa, double at triple naman ang pagtibok ng puso ko. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang pagmamadali ko na makababa ng hagdan. Grabe talaga ang epekto ng lalaking ito sa akin. Hindi ko alam kung bakit iniiwasan ko siya kahit gustong-gusto ko siyang makilala.

Isang hakbang na lang para makababa ako sa gitna ng nagkakahiwalay na hagdan pero napatigil ako dahil nauna pa siyang nakababa roon. Bakit parang ang bilis niya yata? Nasa kalagitnaan na ako kanina ng hagdan ng ikalawang palapag at siya ay nasa pinakamataas pa na baitang ng hagdan patungong ikatlong palapag pero bakit nauna pa siya sa akin na makarating sa kalagitnaan ng magkahiwalay na hagdan? Mabilis naman ang pagbaba ko pero bakit mas nauna pa siya sa akin?

Hahakbang pa ba ako pababa o babalik na lang sa kwarto ko?

Napalunok naman ako ng laway dahil sa nakalulunod niyang titig. Kahit isang metro ang layo namin sa isa't isa, ramdam ko pa rin na parang magkadikit ang aming katawan. Gosh! Why did I feel like this when he was near? I can't understand myself. Tila nababaliw ang buong sistema ko.

"How is your sleep, sweetheart? Did you sleep well?" makahulugang tanong niya sa akin. Hindi pa rin inalis ang titig niya sa akin. Naiilang naman ako sa kanya. Sh*t!

Damn! Here we go again. Sweetheart na naman. Pilit kong kinalma ang sarili ko para hindi maging tanga sa harap niya.

'Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa nakita kong kabastusan mo!' gusto kong isigaw iyon pero iba ang lumabas sa bibig ko.

"O-Okay lang naman ako. Y-Yes of course... I-I slept well," na-uutal na sagot ko sa kanya. "P-Pero... s-sino ka ba kasi? Bakit feeling close ka masyado? Hindi kita kilala pero kung makaasta ka parang kilala mo ako, ah. Who the hell are you?" lakas-loob na tanong ko sa kanya at sinikap na labanan ang kanyang titig na nakakapanghina sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang mabilis siyang lumapit sa puwesto ko at biglang hinapit ang baywang ko. Napayakap naman ako sa kanya para humingi ng suporta. May kuryente namang dumadaloy sa katawan ko nang magdikit ang balat namin sa isa't isa. Ramdam kong inamoy niya ang aking buhok. Napamura naman siya at mahigpit akong niyakap.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon