Chapter Seven

3.7K 106 4
                                    

Chapter Seven

* * *

Maria Farah McMahon

THREE YEARS AGO…

TUMAKBO si Lanz papuntang kagubatan pagkatapos niya akong atakehin, sinundan ko siya ng pasekreto at doon, kitang-kita ko kung paano niya sinunggaban ang mga palaboy na lobo. Walang awa niya itong pinatay. Hindi alam ko kung bakit naging wild ang aking kapatid. Dahil ba gusto nitong ilabas ang galit dahil sa nangyari?

Pero hindi, galit din ako pero hindi ko idadamay ang mga inosenteng nilalang. Parang may mali sa kinikilos ni Lanz kaya inobserbahan ko siya hanggang mag-umaga. Doon ko nakita ang pilit niyang pagpalit-anyo, nasasaktan na alulong, at ang pag-iyak nito. Kahit anong pilit niya ay hindi pa rin siya naging anyong-tao.

Lumabas ako sa pinatataguan ko at nilapitan siya, anyong-tao na ako kaya gano’n na lang ang kabang naramdaman ko nang makita ko ang nanlilisik niyang mata na nakatingin sa akin. Naglalaway ito at ang mga pangil ay handang-handa nang ibaon iyon sa akin.

“A-Alexander…” mahinang sambit ko pero hindi ito natinag, mata niya ay gano’n pa rin. “Brother!” I yelled at him that made his eyes blink.

Sa kalagayan niya ngayon halatang-halata na nalason siya. Saan naman siya nalason? His body is tolerable with poison because he was also poisoned when he was six years old. What kind of poison did he inhale?

Wolfsbane? No. Hindi ganito ang epekto ng wolfsbane.

“What happened to you? Why you can’t be a human again?” kinakabahang tanong ko. Gusto ko siyang yakapin pero dumistansya siya sa akin. Makikita ko ang takot sa kanyang mga mata. Takot na baka masaktan niya rin ako. He just replied to me with a growl and run away.

FULL MOON…

How bright the moon is in the sky, it’s the opposite in Lanz Alexander’s life. His life became miserable when he got poisoned.

I am here, standing outside his door. Nakikinig sa pagwawala niya sa loob ng kanyang silid. Naawa ako sa sitwasyon ng kapatid ko. Mahigit na siyang mag-anim na buwan na gano’n ang sitwasyon. Anyong-lobo pa rin at nagwawala tuwing kabilugan ng buwan. Hindi ko na siya nakakausap. Hindi ko rin alam kung anong gamot ang ipainom ko sa kanya dahil wala akong alam sa lason na naamoy niya. Wala akong magawa kundi ikulong lang siya sa kanyang silid.

Napalunok ako nang patuloy lang itong nagwawala sa loob ng kanyang silid. Alam kong gusto nitong lumabas at maghanap ng makain sa kagubatan. O ‘di kaya’y. Sh*t! Mating season ngayong kabilugan ng buwan. At alam ko na kung bakit gustong-gusto nitong lumabas.

Bumuga ako ng hangin bago hinawakan ang doorknob. I put the key on the hole of the doorknob, and when I heard a clicking sound, I immediately open the door.

I saw him, staring at me furiously. Sobrang kalat nang silid niya dahil sa kanyang pagwawala. Hindi rin siya naglakas-loob na lumapit sa bintana na may nakapalibot na kuryente, na kung mangahas siyang hawakan iyon ay manghihina siya.

“I’m sorry for caging you, brother. Y-you can go,” malungkot na sambit ko.

Umalulong muna ito, pagkatapos ay kumaripas ito ng takbo palabas ng silid niya. Napangiti na lang akong tinanaw siya sa bintana.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now