Chapter Fourteen

2.6K 86 7
                                    

Chapter Fourteen

* * *

Veronica Van Smith

NAPAHAWAK ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Ipakilala daw ako ni Lanz sa kanilang lahi---sa kanyang pack na kung saan siya ang namumuno. Noong una ay pilit akong hindi naniwala sa mga nakita at nalaman ko. Nakita ko na si Lanz na nagpalit-anyo pero pilit kong binalewala ang mga nakita ko dahil baka dulot lang ng pagod kaya nakakita ako ng kung ano-ano. Pero kinumbinsi nila ako na paniwalaan ang nakita ko, inamin din nila na sila ay mga asong lobo. They changed into a werewolf in front of me, that’s why I already believed them. Naniwala na ako sa mga lobo ngayon.

I already saw wolves three years ago, dangerous wolves. Natatakot ako sobra sa kanila pero nang makilala ko ang Alpha ng Blood Moon Pack, ang takot ko ay nabawasan. Hindi naman siguro nila ako lalapain. I have Lanz on my side.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago lumabas ng kwarto. Nadatnan ko sa labas ng kwarto si Lanz. Nakasandal ito sa dingding ng kwarto ko. Napakagwapo niyang tingnan sa suot niya.

He is wearing a navy blue polo shirt with black jeans. His hairstyle made him more hot and gorgeous. Isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya ng makita niya ako.

“Hey, sweetheart. You look beautiful but can you change your outfit? I don’t like it.” Sumalubong ang kilay niya na lumapit sa akin. Binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi. Napasimangot naman ako habang nakatitig sa kanya.

Anong problema nito sa suot ko? I’m wearing a loose shirt with denim shorts. Maikli na maong short na suot ko pero komportable naman ako.

“What? Anong mali sa suot ko?” Sinalubong ko ang titig niya. Napahilamos naman ito at pinigilan ang inis.

He’s hot every time he controls his temper. Damn it!

“Damn! You’re turning me on, sweetheart. I don’t want you to wear something like that. I will introduce you to my pack--my people...” he paused to catch some air. “Ayaw kong mapagpyestahan nila ang katawan mo. Sh*t! Baka makapatay pa ako ng sarili kong miyembro. I still can’t control my temper,” seryosong wika niya.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw sa aking kinatayuan. I feel butterflies inside my stomach.

Sh*t! Kinikilig ako. Pesteng Lanz!

“Please! Don't torture me. You’re mine, sweetheart. Your heart, your soul, and your body are mine. You’re only mine. Go and change your outfit, habang makapagpigil pa ako.”

Hmph! Makaangkin wagas. Gusto ko naman. Sh*t!

Lumapit siya sa akin. Hinaplos ang mukha ko at inamoy ang buhok ko. Napasinghap naman ako nang hinalikan niya ang leeg ko. Ngumisi lang siya sa akin nang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Hindi ko inaasahan iyon. Isang halik na lang baka maglumpasay na sa kama ang katawan ko. Bago pa humantong sa kapusukan ang halik niya ay lumayo ako sa kanya.

“O-Okay! I’ll change it. Wait for me.”

Nagmadali agad akong pumanhik sa kwarto. Napasandal ako sa pinto nang makapasok na ako. Habol-habol ko pa rin ang hininga ko at pilit na kinakalma ang sarili. Nang makalma na ay napagdesiyunan kong magsuot ng maong na pantalon at navy blue rin na t-shirt para naman couple shirt kami.

Paglabas ko ng kwarto ay wala na siya sa labas. Nadismaya naman ako dahil hindi niya ako hinintay. Nakasimangot akong bumaba ng hagdan.

Akala ko ba hintayin niya ako? Paasa! Nakakatampo.

Nadatnan ko siya sa sala. Busy siya sa pakikipag-usap sa kanyang kapatid. Napatigil naman sila sa pag-uusap nang makita nila ako. Inismiran ko lang si Lanz nang ngumiti siya sa akin.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now