Chapter Eight

3.4K 103 8
                                    

Chapter Eight

* * *

Veronica Van Smith

NANG makaalis si Farah ay agad akong kinabahan. Ewan ko kung bakit. Ano kaya ang sasabihin niya? Ano ang pag-uusapan namin? Tungkol ba sa pagloko niya sa akin? Marami rin akong gustong itanong sa kanya.

Sa sobrang dami ng mga tanong na nabuo sa isipan ko ay halos mabiyak na ang ulo ko sa kakaisip. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ako dinala rito. Kung bakit niya ako niloko sa pamamagitan ng proxy thing. P'wede niya naman akong sabihan na sumama sa kanila rito. Ano ang dahilan niya?

Kaibigan ko ba talaga siya o hindi?

Ang kaibigan ay hindi marunong manloko. Nagsasabi ito ng totoo dahil ito ang sandalan mo tuwing may problema ka.

Napagtanto ko na kahit hindi mo kilala ng lubusan ang isang tao, may maramdaman ka talagang gaan ng loob.

Iyon ang naramdaman ko noong nagkakilala kami ni Farah, magaan ang loob ko sa kanya na parang matagal na kaming makakilala. Hindi ko man alam ang buong pangalan nito at ang lugar niya. Pero, naging matalik na magkaibigan kami kahit hindi ko siya kilala ng lubusan. I trusted her.

I just felt that she can be trusted. Basta panatag ang loob ko tuwing kasama ko siya. Sapat na iyon para sa akin.

Binaling ko ang tingin ko sa pinto kung saan lumabas si Farah. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago binalik ang tingin sa drawer kung saan ko nilagay ang sobre.

Kinuha ko ang sobre sa loob ng drawer at tinitigan ng mabuti. Malinis talaga ang lumang sobre.

Isa pa itong sobre na binigay niya, kinakabahan ako tuwing makita ko ito. Saan ito galing? Wala naman akong kilalang McMahon. Wala talaga.

Ano kaya ang nakasulat sa laman ng sobre? Napagdesisyunan kong basahin para malaman ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahawakan ang sobre. Dahan-dahan kong kinuha ang laman sa loob ng sobre. Isang malinis na papel na halatang mamahalin ang bumungad sa akin. Nakatiklop ito ng tatlong beses. Napangiwi ako nang makita ko ulit ang kiss mark sa likod ng papel. Kumabog ang puso ko dahil dito.

Akmang buksan ko na ang papel na nakatiklop pero agad akong napatigil dahil may kumatok sa pinto. Mabilis kong binalik sa loob ng sobre ang papel at iniwan sa ibabaw ng mesa.

Tumayo ako at mabilis na hinanakbang ang mga paa sa pintuan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago binuksan pinto. Bumungad sa akin ang mukha ni Aling Simang. Mukhang nag-alala ito sa akin. Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

"Aling Simang, ano po ang kailangan niyo?" mahinahong usisa ko.

"Hija, hinihintay ka na ng kaibigan mo sa terasa," tugon ni Aling Simang. Tinutukoy niya si Farah.

Tumango na lang ako. "Sige ho, puntahan ko siya," magalang na tugon ko.

"Hija, kung ano man ang ginawa ng alaga ko sa'yo, hayaan mo siyang magpaliwanag. Alam kong madami ang katanungan na bumabagabag sa isip mo, sana maintindihan mo siya. P-patawarin niyo rin ako, hija."

Kunot-noo ko naman siyang tinitigan. Patawarin? Wala naman siyang kasalanan sa akin. May alam siguro si Aling Simang pero inilihim niya rin sa akin kaya humihingi ito ng tawad ngayon? Ah. Kaya pala kilala niya na ako kahit hindi pa ako nagpakilala. Now I know. It's okay, alam kong sinusunod niya lang ang sinasabi ng amo niya. Naiintindihan ko.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now